doon sa maikling speech na binigay ko nung booklaunch, ang sabi ko: kung gusto ninyo akong makilala, kausapin ninyo ang mga taong nasa tabi ninyo. halos lahat kasi ng dumalo ay mga kamag-anak ko at kaibigan. yan ang dahilan kung bakit na sold out and libro sa fully booked nung araw ng launch.
ang dami kong dapat pasalamatan doon sa mga pumunta, bwakanginangyan pag hindi ko nabanggit lahat, batok talaga ang aabutin ko.
naroon ang mommy ko, who i haven’t seen in over a year. medyo naluha ako nang makita ko siya. nakunan nga ni don manuel viloria yung exact moment na bumukas ang kamay ng mommy ko para akapin ako, at tuwing nababasa ko ang entry ni don manuel tungkol sa launch, lalo akong naluluha.
ang dami kong mga kamag-anak na pumunta. yung brother ko, ang mas sikat kaysa sa akin na si howlin’ dave was there. my sister emmy with her husband rene and daughter paula (with friend nica) were there too (binili pa nga nila ako ng kape dahil alam nila jetlagged ako – really sweet of them).
tatlo sa mga kapatid ko ang hindi nakadalo. my brother danny and sister gigi have already passed away and i miss them so much. ang ate kong si ester ay nasa florida at hindi rin nakarating.
naroon ang pamangkin kong si dennis (na kasabay kong lumaki) at asawa niyang si meng. sila rin ang gumising ng madaling araw para ihatid ako sa airport pabalik dito sa california.
naroon ang favorite apo kong si TJ na nakipag tsismisan sa mga bisita. bibong bibo ang bruha at kumakanta kanta pa. naroon si janet ang pinsan ko na tumulong sa aking pag-aaral dahil nung maghiwalay ang mommy at daddy ko, medyo naghirap kami. kasama niya ang apo niyang si tasha na dalaga na ngayon.
naroon din si auntie nana at 85 years old, probably the oldest person in the room. dalaga pa siya hanggang ngayon at isa rin siya sa mga nagpalaki sa amin.
naroon ang mga kaibigan ko since kinder, friends for over 38 years – sina kuya bong, si denden, bong pogi at jonathan. kasama ni kuya bong ang asawa niyang si darlene na kapatid ni jet, at ang anak nilang si lucas. sila ang nagsundo sa akin sa airport at diretso na nga kami sa booklaunch.
naroon din ang teacher ko sa kindergarten na si mrs. chaves, kasama ang asawa niya na high school principal namin na si tibo at ang anak nilang si cheche. i was really honored that they came dahil mahal na mahal ko sila.
dumating din ang mga dati kong kaopisina sa pilipinas – si nell, kasama ng asawa niyang si vhaia at mga anak nila.
dumating din ang accountant namin na si eileen, sina dhia, ate vilma na asawa ni rex at ang dati kong boss na si bong dizon. bitbit nila si karin at karl, yung mga anak ng yumao kong kaibigan na si carlo.
dumating din ang mga classmate ko sa college na sina chuh at helen. huli ko silang nakita nung graduation pa namin nung 1988. ang tanda ko na no? counselor na pala ng makati si chuh at isang big time businesswoman na si helen. dati rati, uhugin lang kami lahat. layo na ng narating nila.
naroon din yung mga kaibigan kong blogger – sina tito rolly, nick, apol, at aJay. nagkaroon pa nga kami ng ambush interview para sa article niya sa manila bulletin.
dumating din ang mga kampon kong mga pogi at magagandang mga blogger – si RJ, GasDude, Jeck, Ayz at Darenn (na kasama pa ang lola niya). dumating din si paul, the Unlawyer, ai pao at ang kapatid niya, si karla at si p and a. naroon din si allan, my rocker friend na mukhang galing pa sa client dahil naka barong pa siya.
gusto ko ring pasalamatan si adam, si kendrick at si sarah. silang tatlo ang nag assemble ng kaning lamig. kung wala sila, nagkada leche leche na ang libro.
siyempre panghuli ay kay jet – kung wala siya sa buhay ko eh di gutom. maraming salamat mylab for the 17 years. pag uwi ko rito sa california, may naghihintay na masarap na pagkain at asawang punong puno ng pagmamahal.
MARAMING MARAMING SALAMAT sa inyong lahat. katulad ng sinabi ko sa umpisa, kung may nakalimutan ako, may libre kayong batok pag nagkita tayo.
Ayus! Na-post mo na pala mga pics from the book launch! Ang saya! Sana makabalik talaga kayo dito sa Pinas sa lalong madaling panahon dahil maraming bloggers ang nanghihinayang at hindi ka nakita sa personal.
thanks for sharing your booklaunch, batjay! you are much loved talaga!
much loved. that’s all you can ever hope for. woohoo.
oo nga pare ko, maraming salamat sa pagpapahiram ng mga kuha mong pics. hopefully, kaming dalawa ni jet after christmas.
kampay! sa mga kampon ng mga pogi! hehehe madami nga akong nababasa na nanghihinayang dahil hindi sila nakarating at ang iba ay hindi alam. sa susunod, madami pa tiyak ang pupunta. syempre, andon ulit kami, dahil tinawag mo kaming ‘kampon ng mga pogi’ wahehee. =D
hehehehe. salamat ulit sa pagdalo nung launch. binigyan ninyo ng kulay yung event. hanggang sa muli, pare ko.
..hwow..hebigat na po ang dating niyo..ang galing..nkakapage reply pa kau sa mga sumusuporta sa inyo..panu n pag mas sikat na kau kay adam at eve?…mkakapag reply pa ba kau sa mga kumento ng kung sinu-sino?…bkit nag-ofw kau?..yan n ba ang pangarap niyo since birth?..hahayaan niyo na lng ba ang pilipinas na magdusa sa kahirapan?.. aware ba kau sa brain drain?… nkit p2loy pa kau sa pagsusulat ng kung anu-ano, eh di pa rin nmn umuunlad ang pilipinas?…wla na b kaung ibang pangarap?..LOL
xD
para ka namang texter mag comment. nakakatamad tuloy sagutin.
aylaveeettt!! special mention na naman kami! hahaha!!
balik kayo! as in! tapos andun ulit kami! makikilala ko na si mommy! hahhaah!
parang ako yata yung chinika ng husto ni tj a! hahaha.. i love her, she’s so cute!! at bibo to the max! pwedeng pwede magartista! π
oo nga, pinapatay kasi sa pamilya namin ang mga hindi cute.
hahahah! oo nga, nabanggit mo nga yan nung launch, sabe mo baby palang sinisipat sipat na.. at kapag di nakapasa sa standards e tinatapon sa bangin.. hehehe..
love ko na sya promise.. heheh.. pinost ko pa sa friendster ko pic namen. hjehehehe
huwaw! may picture pa kami dito! wahaha. ayos na ayos. hehe
hihintayin namin kayo sa inyong pagbabalik. poreber members na kami ng kampon ng mga pogi! hahahaha
kampon ng mga pogi – sige na nga, basta ako ang pinaka pogi. hehehe.
ingat.
jay
hey leroy leroy, you’re being annoying and rude already. shut it.
congrats!!! masayang-masaya ako for you… sana umabot ka pa ng mga hanggang 10 libro or more at sana sa mga susunod mo pang book launch e nandon na ako. π God bless you more… send my regards to Ate Jet. Ingat po lagi…
hey rHo. thank you. ingat din sa iyo.
BWAHAHAHA. redjeulle, madali ka palang mapikon.
hi, Jay.
i sent you an e-mail, but i don’t know if you’ve already changed e-mail addresses.
can you please e-mail me at mfapj@yahoo.com, and i will reply.
thanks!