You ain't a beauty, but hey you're alright

sa mapua nung araw, dalawang klase lang daw ng studyante ang nakakapasa. yung matalino at yung maabilidad. hindi naman ako matalino kaya siguro maabilidad ako.

ang isang ginagawa ng mga estudyanteng maabilidad na tulad ko para makapasa ay maghanap ng mga OT bago mag exams. ang OT ay short for “Old Testament”. eto yung mga lumang exams ng mga studyanteng nauna sa iyo. marami kasing mga tamad na teachers sa school na hindi nagpapalit ng mga test questions at yung mga exams nila from years back ang ginagawa naming reviewer.

sa tingin ko, sinasadya ito ng mga ibang teachers kasi gusto ka nilang matutong maging resourceful dahil alam nila na sa tutuong buhay, yung mga maparaan ang mga nagwawagi. based on my experience on the job, ang pinakamagaling kong mga tao ay yung nakakapag isip on their own ang can adopt easily to different and fluid situations. marami na akong naging taong cum laude sa school (may magna con yelo at zuma cum galema pa nga) pero bobo naman pag dating sa actual na trabaho.

if given the choice, pipiliin ko parati yung maabilidad kaysa doon sa matalino.

35 thoughts on “You ain't a beauty, but hey you're alright

  1. meron naman kasi yung matalino lang kasi may librong babasahin at pag-aaralan. tanggalin mo yung libro, tinanggal mo ang utak nila.

    e kaya talaga naman, kahit ako, dun na lang din siguro ako sa abilidad…

  2. Magna ako nung college bosing. Magna-nine years kong kinuha yung 5 year course. hehe

    Mas matindi pa yung kaibigan ko. Suma – sumampung taon!

    Nung high school ako sa Mapua sa Doroteo Jose, ang una mong exam e how to find your way sa masalimuot na architecture nya. Ang hirap maghanap ng kwarto sa college. Me mga klase kasi akong sa college namin kinukuha. Mga electives ba.

  3. May mga estudyante kasi na masyadong grade-conscious. Ang habol ay mataas na grade at maging honor student. In the process, ang approach sa pag-aaral ay puro memorization lang. In short, mga kabisote. I’ve never really subscribed to that approach in my studies. I even avoided hanging out with classmates who were into that. I found them to be boring dahil when it came to discussions and debates, they were just mouthing off sentences lifted straight from the textbooks. When it became necessary to cite real world examples, wala na.

    When I started working, tulad mo, napuna ko rin na iyong mga maabilidad at street-smart na tao tend to be more intelligent and effective with their work. This is because they also had real-life experiences to back up their schooling. Iyong mga cum laude, on the other hand, (hindi ko nilalahat) fell short in other areas such as people skills, out-of-the-box thinking, and improvisation. Life throws curve balls at us sometimes and it is up to us to devise ways on how to hit them.

  4. agree ako dyan pre…..may mga mga naging tao din ako na graduate ng “PRIME” schools magaling lang bumuladas pero kulang sa diskarte….at minsan ayaw pa ng clerical / backroom works,,,,,,,just like me graduate sa”OTHER” school, I should say mas naging ma-diskarte at matiyaga sa kanila….tanggap ng tanggap kahit anong klaseng trabaho.Sabi nga ng military “OBEY BEFORE YOU COMPLAIN”.

  5. Batjay – May nakakalimutan ka. Kung walang alam, tumabi ka sa matalino. Di ba gawain mo (ehem natin) yoon?

    Kita ko si 4seron last February. Hindi matalino pero wala tayong binatbat sa narating niya ngayon. Sana hindi na ako naging matalino – maabilidad na lang. 😉

  6. BWAHAHA.

    hinihintay ko na nga kung sino ang unang taga mapua na maglalagay ng comment dito sa post na ito. ikaw pala, pare ko.

    alam mo bang idol kita kung college tayo. kasi nagtatrabaho ka na agad as a programmer nung time na magkaklase tayo at bilib na bilib ako sa abilidad mo. i shit you not, idol kita pare.

  7. hey PJ.

    that’s correct. your first point, that is. it is not mutually exclusive but i must admit, very hard to find. in fact, yung mga “matalino na maabilidad pa” persons are the ones who get really rich.

    well, them and those who are “smarter than others” who start regional conflicts and then get into the oil and defense business.

  8. Ouch! Malaman ang huli mong comment ha – baka mabasa (sana) ni Mang George… Problema lang, baka di niya ma-realize na siya pala ang pinatatamaan 🙂

    I agree with you – would much rather have people thinking out of the box and delivering results than those who are full of theories but short on delivery.

  9. hahaha… natamaan ako dun ah! gawain ko rin yan nung college ako.. ang mangalap ng mga OT!! test lang naman yun, ang importante e kung may natutunan nga ba talaga sa mga pinag-aaralan noon.

    ako rin… mas gusto ko yung maabilidad kasi kahit saan mo dalhin, mag-stand out talaga!

  10. hey mr batjay! I hope that you are finally settled in your new home. speaking of mapua, nagpangabot ba kayo ni rey medina? ang alam ko ay within that period din siya nag-aral sa mapua. dati kasama ko siya dito sa nz pero lumipat na siya sa canada.

  11. ang galing talaga ni kuya batjay…”may magna con yelo at zuma cum galema”…hahaha, sakit ng tiyan ko sa kakakatawa…

    totoo yon, di lang puwedeng sabihin na matalino ka, pero kung di ka marunong mag-adapt, dedo ka na…

    especially sa mga pinoy na katulad natin na nasa amerika, kailangan ang abilidad…

  12. at katulad ng sabi ng idol kong si resty fabunan ng maria cafra sa kanyang awit, kailangan mo ng karanasan. karanasang makipagsapalaran.

    hindi pa settled pero malapit na. anim na kahon na lang at kumpleto na ang pag unpack.

    hi rho. basta ang importante sa OT ay naintindihan mo yung tanong at kung paano ito nasagot.

    people thinking out of the box. yes. that’s what i always look for.

  13. batjay, im only on my three months in my first ever work… at tinanong ako kung anu ang kaibahan ko sa mga taga up at lasalle during the interview… yan na yan ang sense ng sinabi ko…

    ngayon, nadiskubre ko na ganun pala ang image ng mga taga mapua sa company na pinapasukan ko… sobrang pressure tuloy ako ngayun, wag ko daw sisirain record nila, parang naghahabol ka ng experiment reports palagi, yung tipong ipapas na mamayang hapon… hee hee

    actually hi-tech na ngaun, me database na ng OT sa http://www... (from physics 1 upto elctronics 5 pa yta) di ko na ipopost, baka me mga taga mapua d2… im sure alam na namn nila yun

  14. me kasabihan its not important how you started, but how you finish 🙂

    Mga kaibigan ko mga UP at Ateneo graduate pero pag dating sa common sense nangangamote sila 🙂 mga succesful na tao karamihan eh ni di nga nag tapos ng college eh ( sample :Bill Gates) walang naituro ang formal studies sa akin kundi ang mandaya pag test na dahil kopyahan palagi. Tignan monga mga politiko no lahat titulado at de kandado pa! pero ka mga tuso pa sa dilang tuso.

    Ika nga nasa diskarte lang yan, sa EQ yan at di sa IQ.

  15. ang matalino daw matalino lang, pero ang maabilidad kayang mag-appear matalino. bihira daw sa matalino ang may common sense, pero ang maabilidad? hmm, sila ata nag-imbento ng common sense. which goes to show na pantay2 daw talaga ang tao. yun nga lang, merong matalino na, maabilidad pa. which then brings me to orwell who said: all men are equal, but some men are more equal than others.

  16. oo bossing, narinig ka na yan kay napoleon at snowball, yung dalawang sikat na baboy. mga gago – four legs good, two legs bad daw.

    si erap din, di nagtapos ng college.

    database ng mga OT. hmm. galing.

  17. Hi jay,

    Isa sa mga paborito kong topic mo ay ating alma mater…
    kahit paano, bumabalik ang nakaraan…speaking of maabilidad,
    natutunan ko rin sa Mapua ang “art” ng pagkopya…mahirap
    din ang pagkopya ‘no lalo na kapag mahaba ang solusyon mo…
    dapat accurate ka lalo na sa mga signed numbers at math
    operations…otherwise, obvious na kumopya ka…biruin mo,
    tama ang final answer mo pero mali naman ang solution mo…
    kakaiba, di ba !!! buti na lang, magkatabi tayo sa “cheating
    arrangement”…aside sa malinaw at malalaki ka kung sumulat,
    left handed ka pa…

    Also, I still remember na kapag boring ang teacher or the
    topic, madalas nagdro-drawing ka ng kung ano-ano (with
    matching kwento) sa mga notebook mo or sa libro mo kaya
    kapag inaantok ako sa klase, ‘yun na lang ang binabasa ko…

    Ingat, my dear classmate…

  18. hehehe… buti pinaalala mo ang mga drawing. naging sikat nga yung libro ko sa operating systems sa mapua dahil punong puno ito ng mga drawing ko. actually umikot ito sa kung kani-kanino. pati yung mga teacher natin ay hinihiram ito.

    hanggang ngayon, ginagawa ko pa rin yan. pag boring ang meeting sa opisina, panay pa rin ang drawing ko. tinatago ko nga lahat ng mga notes ko, kasi balang araw, baka pwede gawing comic strip.

    eto sample ng isang page sa notebook ko sa singapore about waiting:

  19. me bobo sa trigo or anything to do with Math, i was fortunate enough to be sitting beside sa pinakamagaling sa Math noong high school for 3 years, pero last time I rcvd a letter from this friend who became a CPA back home, she informed me that she was having a hard time adapting to her life in Canada, minsan hindi talaga binibigay ng Diyos, siguro to keep us researching and learning for the missing links.

  20. MYLABOPMAYN!

    bilib nga ako sa iyo. napagreview ka for the california state board exams at this late stage and was able to pass it in one try. tapos nakapagtrabaho ka agad kahit di ka nakapagpractice ng nursing for 10 years.

    that’s really something.

  21. I remember noong high school days ko… ang pinaka-mataas kong grade sa mga subject eh 79%. The rest are 76% and 77%. Ang sabi ng lolo ko eh napaka bobo ko daw at kay bababa ng mga grades ko samantalang lagi naman akong laman ng library. Ang hindi nila alam… meron akong pina-pakopya na mga maperang mga ka-classmates ko na ang tatamad mag-aral. Lima silang lagi na nakapaligid sa akin. Kapag short quizzes ang singil ko sa kanila eh 2 pesos bawa’t isa. Sa mga bigger exams naman eh 5 pesos. Nag-aaral ako noon para magka pera lang sa mga nangongopya sa akin. Medyo kapos kasi tayo noon simula nang mag-hiwalay ang mga parents ko. Dala yan ng pangangailangan. Yung mga nakapaligid na nangongopya sa akin eh mas matataas pa ang grades kesa sa akin. I intended it that way para walang makahalata na ako ang source ng kopyahan blues. hehehehhe Then in 4th year, noong naka-score ako ng mataas sa NCEE and I ended up sa Mapua… laking gulat ng lolo ko at hindi siya makapaniwala dahil nga ang bobo ko raw at ang bababa ng mga grades ko… hahahahahha Until now, hindi alam ng lolo at pamilya ko maliban lang sa isang utol ko ang istoryang ito… hehehhehehe as the saying goes… “Matalino man ang matsing… matsing pa rin!” hahahahahahaha

  22. ayos.. tamang tama ung sinabi mo.. kailangan talga maabilidad ka.. yung pagiging maabilidad kasi, dun lalabas talino mo. panget rin naman kasi kung bookish ka lang (tama ba ung term ko?)

    hehe..mapuan rin ako kaya nadaanan ko rin yung OT.. meron parin nyan ngayon, sa kantunan…

  23. mapuan din ako and im proud to say that im one of the founding fathers ng kantunan na tinatawag nyo….dati morbai ang tawag tapos nung estudyante pa ako….bronx ang tawag namin kasi maraming tulo ng condensate ng aircon galing sa building…….tapos kami ang nagsuggest sa barkada naming vendor dun na magtinda ng kanton…….and then pag grad ko nabalitaan ko na lang sa mga lower batches na kantunan na ang tawag……..hanggang ngayon kapag nagagawi pa ako sa mapua kilala pa din ako ng mga vendors at tambay sa gilid ng mapua…..nakakamiss din ang life sytle sa MIT…..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.