I Run For Life

for the 2nd straight year, tatakbo ulit ako sa 5K race ng susan g. komen race for the cure. ito’y isang organization na tumutulong sa pag gamot ng breast cancer. bakit ko ba sinalihan ito? dahil maraming pupunta rito na may boobs? hindi. gusto ko lang makatulong kahit papano and being part of a cause makes me feel good. who would have known na magkakaroon ng running man ang Barrio Talipapa?

RACE-FOR-THE-CURE-005

mayroong team ang company namin kaya makikita ninyo kami roon, mga 20 or so na naka pink T-shirt. bagay kaya sa kulay betlog brown kong kutis ang pink? bahala na. if you’re in southern california, drop by newport beach on sunday morning, september 23rd para makita ninyo ang sexy legs kong balbon sa galis.

kung mayroon kayong spare cash, tsaka nyo na lang bilhin yung bastos na babasahing nakakabulag, donate ninyo na lang muna ito.

it’s tax deductible.

14 thoughts on “I Run For Life

  1. Follow-up comment lang. Hayaan mo, pagpapalain ka ng Maykapal sa ginagawa mo. Makakatuklas ka rin ng lunas sa kutis betlog mo. (Biro lang.)

  2. mr bj, si gentle reader po uli ito. binabati ko po kau sa inyong magiting na kakayahan sa palakasan, nasilayan ko na ang mga larawan at ang iba’t-ibang mo putahe sa luto. salamat sa privata.info. sa mga tagasugid ni mr batjay na pareho ko ang problema nakablak ang flickr mangyari ipasok lang po ang ngalan ng url niya at sya’y inyong makikita na! saludo po ako sa inyo. mabuhay ka kabayan!

  3. Galing! Saludo ako sa mga taong may kakaibang hangarin para sa ibang tao, hayaan mo bj tatakbo din ako para sa mga diabetic he he he.

    Napadaan lang at ang saya pala dito sa barangay mo hayaan mo mapapadalas na ang punta ko, tanong ko lang anong pangalan pala ng book mo papabili kasi ako sa pinas dahil may parating na kakilala ko dito sa Dubai pampalipas oras lang lalo na ngayong month of RAMADAN.

    Kitakits uli tayo mga bro….

  4. hello sir, idol kita!

    nakabili ako ng book mo(kwentong tambay), at talaga namang natuwa ako sa pagbabasa nito!

    sa sobrang tuwa ko shinare ko ito sa mga kakilala ko kaya ayun, di na bumalik yung libro ko hihihi…

    anyway daan ka naman po kahit minsan sa place ko. naku, nakakatuwa talaga ang blog na ito. informative pero funny!

    ingat po lagi! ^_^

  5. ok ang closeness nyo then (hi tito rolly! *waves* naki-tito din lol). nice. am sure tito will help you too kung di naman sya tatakbo the day wifey orders you to wash clothes too lol…

    to the one who shared the book and never saw it again: dapat share the title of the book lang then tell them to buy their own copy/ies. para you’ll have yours pa rin. di ba, batjay? *winks*

    but really, good luck and more power to you. run, run, run…. 🙂

  6. happy running! ang race for the cure ang isa sa mga una kong sinalihan na 5k…good times yan…lahat ng mga sinasalihan kong 5k, puro for a cause…tatakbo din lang naman ako at papahirapan ko lang ang sarili ko eh yung may pakinabang na (happy heart pa!)…ang naging resulta nga lang eh naging addict na ako sa takbo – pati marathon pinapatulan ko na rin…just keep on running – and have fun along the way!

  7. hi heidi.

    i ran a good race today.

    i’ve managed to improve my time by over 3 minutes. i did 29’59 during last year’s race. not bad for a 41 year old diabetic.

    take care,
    jay

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.