Adam lived were nine hundred and thirty years

progressive ako sa paniniwala ko tungkol sa science at religion. first of all, disciple ako ni darwin at matindi ang pananampalataya ko sa evolution. hindi ako naniniwala na 5000 years old lang ang mundo natin at hindi rin ako naniniwala na true story ang kwento tungkol kay adam at eve. nung bata ako, parati kong naiisip na kung tutuo talaga ang kwento nila, saan galing yung gagang napangasawa ni cain?

pero kahit naman medyo modern ang beliefs ko, old fashioned din naman ako sa mga ibang bagay – halimbawa, gusto ko ang music ni frank sinatra at ayoko nang walang buhok ang pekpek. sino ba kasing siraulong brazilian ang nagpauso nito?

I’m not there

naglalakad ako sa montreal nung makita ko ang sign na ito. may “Jay” kasi kaya naintriga ako pero di ko agad naintindihan kung ano ang ibinebenta. mayroon kasing suggestive picture ng isang babaeng may hawak na saging kaya nung una akala ko condom o sex toy ang tinitinda. rolling paper lang pala. naalala ko tuloy nung bata ako, ang isa sa mga paborito kong libangan ay dilaan yung rolling paper na tinatago ng kuya ko sa kuwarto niya. matamis kasi. matagal pa bago ko naintindihan kung saan ang gamit nito.

Like a band of gypsies we go down the highway

mahirap magkaroon ng LBM habang nasa gitna ng pagbibisikleta paakyat ng bundok papasok sa opisina. gusto mong huminto pero wala namang banyo. ito yung pagkakataon na hinihiling mo na sana’y isa kang aso para pwede kang makipag sex at umebs sa kalye at hindi ito babagabag sa iyong konsensya.

ang makahulugang pagmumuni-muning ito ay hatid sa inyo ng birch tree holland powder milk, ang gatas na may gata.

Holy Water

naghuhugas ng pinggan si jet nung linggo nang bigla akong lumapit sa lababo. nakita ko na puno ng tubig yung isang malaking tasa kaya ang ginawa ko ay isinawsaw ko ang daliri ko sa tubig at nag sign of the cross. binatukan niya ako.

ang true to life storyang pang mag-asawa na ito ay hatid sa inyo ng “ruby blade pomade, ang pomada ng mga mga nag-aahit.”

Keys that jingle in your pocket

nung una kaming nagkita-kita ay mga 6 year old kindergarten students kami sa notre dame nung 1971. si marcos pa ang presidente at wala pang martial law. magkabarkada at sanggang dikit hanggang mag graduate sa high school nung 1983.

Continue reading

Crimson flames tied through my ears


pwede kayong bumili ng kaning lamig sa darating na international bookfair na gagawin sa bay area (sa pasay hindi sa san francisco). makikita rin ninyo roon yung mga kapamilya kong mga libro. kung gusto ninyo ng horror, naroon yung palalim ng palalim.  kung gusto ninyo naman ng mga kwentong kalibugan, naroon yung personal favorite ko na dagta. mura lang ang mga ito, lalo na yung batang kaning lamig dahil alam naman ng lahat na cheap naman talaga ako.

Viva Las Vegas

nasa vegas ako hanggang wednesday para bumisita sa customer, isa sa pinakamalaki at pinakamagandang hotel sa strip. ang sarap pag customer ang nag arrange ng hotel room dahil parating may libreng upgrade sa mas magara at malaking accomodation. muntik na nga akong maligaw sa loob ng kwarto ko dahil parang bahay. sa sobrang laki nga ay mayroon itong dalawang toilet at tatlong TV.

ang nakakainis lang ay dahil trabaho ang pinunta ko rito, pag dating ko sa kwarto ay late na. pagod na ako at gusto ko nang matulog. tapos maaga gigising kinabukasan kaya hindi ko ito masyadong ma enjoy. alam ko na ngayon kung ano ang pakiramdam ng isang gutom na lalaking binigyan ng isang lata ng masarap na corned beef pero wala naman siyang can opener.

Unraveling wherever I’m traveling

narito na si jet sa bahay kaya hindi na ako member ng SMAP. sinundo ko siya nung huwebes ng gabi sa los angeles international airport. dumating siya via a philippine airlines flight. oo, same airline na may fucking racist na nag walanghiya sa amin, three weeks ago. hanggang ngayon ay wala pa ring action ang PAL doon sa reklamo ko. sinulat nga sila ni sassy sa column niya sa manila standard.

ang sarap palang mag abang sa airport dahil ang dami mong makikita. una, nakita ko si KC concepcion (oo yung anak ni sharon at gabby) na kasabay pala ni jet sa flight. may dalawang bodyguard ang bruha at isang katerbang mga fans na bigla na lang sumulpot na parang kabuti sa arrival area. may nakatabi rin akong russian na shuttle driver na may bad breath. tanginangyan, ang daming bakanteng silya sa paligid, sa tabi ko pa umupo ang bwakanginang amoy imburnal ang hininga.

Tenth Avenue Freeze Out

.flickr-photo { border: solid 2px #000000; } .flickr-yourcomment { } .flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; } .flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }

pag ikaw lang mag-isa sa bahay, minsan nakakatamad magluto. gusto mo na lang kainin yung mga madaling ihanda. simula nang umuwi si jet 3 weeks ago, puro stir fry lang ang pagkain ko. either ginisang spinach, ginisang sitaw, ginisang broccoli o ginisang pechay. minsan sinasamahan ko ito ng tokwa. oo virginia, ginisang tokwa. nakabili ako ng masarap na sawsawan para sa tokwa – red curry sauce galing sa trader joes. tangina, ang sarap ng combination, subukan ninyo.

eto nga palang nasa picture ay ulam ko nung isang araw: boiled artichoke at tokwa. simple lang ihanda – nilagyan ko ng kaunting kikkoman at tubig yung artichoke at nilagay ko sa microwave. tapos, ipinirito ko yung tokwa. 10 minutes ihanda, 5 minutes kainin. bagay na bagay sa akin. pero last night ko na siguro ngayon sa simpleng pagkain. babalik na kasi si jet bukas. excited na nga ako.

Lovers they walk by, holding hands two by two

holiday ngayong lunes dahil labor day dito sa amerika. traditionally, the last day of summer. para sa mga nakatira sa mga northern states, ito na yung huling pagkakataon para ma enjoy ang init ng araw. in a few weeks time, magbabagsakan na ang mga dahon sa mga puno at bigla na lang liliit ang titi mo sa lamig. in a month or so, it will start to snow at maaga pa lang ay magdidilim na. fall and winter will set in at tataas na naman ang suicide rate.

mahirap mabuhay ng nag-iisa. mas mahirap mabuhay ng nag-iisa sa malamig na lugar. naisip ko tuloy yung mga kwento sa buhay ni Marcelo H. del Pilar during his last months in spain. it must have been tough. OFW rin si plaridel that’s why i could identify with the pain.