A bushy bushy blonde hairdo

itong darating na thanksgiving sa thursday, imbis na kumain ng turkey ay tatakbo ako ng 10K sa dana point. excited na nga ako kasi yung course ay nasa beach na nakaharap sa pacific ocean. maraming makikita roon: mga seagull, pelican, seals, occasional whale, dolphins, surfers at mga sexy californian na naka bikini.

kung narito kayo sa southern california, daan kayo roon ng 7:00 ng umaga. pag mag nakita kayong asian looking, kutis betlog na lalaki, mga 5’10 ang height, medyo pogi na naka spiderman na t-shirt. pasahan ninyo siya ng tubig at bigyan ng palakpak dahil ako yon.

City Biking Essentials, Part 2

heto pa yung mga karagdagang mga essentials kung gusto mong magbisikleta papasok sa trabaho.

  1. helmet para hindi ka madokleng pag naumpog yung ulo mo. pwede mo rin itong i-regalo sa gelpren mo sa pasko para hindi magbago ang isip kung sakaling mauntog.
  2. cycling shorts na hindi bakat ang titi. mahirap kasi itong isuot lalo na sa mga pinoy na parating tigas titi. isa pa, nandidiri ako pag nakakakita ng lalaking naka cycling shorts na bakat ang betlog. ngayon kung babaeng bakat ang pekpek, eh ok lang.

Grand Canyon

sa isang undisclosed location sa isang sulok ng southern california.

batjay: i’m going to arizona with my wife and a couple of old friends from singapore

kaopisina: where in arizona?

batjay: the grand canyon

kaopisina: why are you going there? there’s nothing to see but a big fucking hole in the ground.

we went anyway. maraming maraming salamat sa dalaw ninyo, eder at leah. bigla tuloy naming naalala kung ano ang pinaka na miss namin sa singapore: bukod sa fish head curry ay ang inyong friendship.

When work becomes fun

pag yung pinapasukan mong kompanya ay pumapayag na mag enjoy kayo sa opisina, work becomes play and everybody is happy. last thursday ay “wear your workout clothes to work day”. nagtayo kami ng obstacle course sa campus grounds at mayroong mini health fair.

napatalon ako sa saya.

City Biking Essentials, Part 1

ano-ano ba ang mga kailangan para makapagbisikleta ng mahusay papasok sa trabaho? heto ang mga natutunan kong mga essentials para maging poging biker:

  1. blue bandana para hindi tumulo ang pawis sa mata, ayoko ring dumikit yung buhok ko sa helmet lalo na pag mainit kasi kinakati ang bumbunan ko. isa pa, mas pakyut pag may bandana dahil para akong sira ulong meksikano.
  2. wrap around shades para pangtanggal ng glare. the california sunshine is hard on the eyes. isa pa, mas kyut ako pag may shades.
  3. sports headphone – kailangan water proof para hindi masira pag umulan. dapat all plastic and without foam dahil bumabaho ito pag natuyuan ng pawis.
  4. backpack para sa laptap computer, mga epektos at extra clothes na pamalit pag dating sa opisina. you need to shower dude, otherwise you lose all your friends. and besides, sino bang pinoy ang hindi naliligo pag pinawisan?
  5. Continue reading

Biker Dude

most days, nagbibisikleta ako papasok sa trabaho. 8 miles one way, siyempre 16 miles back and forth kasi sabi ni tandang paputok doon sa amin sa talipapa nung bata ako: eyt taymis tu equals sikisteen. outside of my time at home with jet, biking is the best part of my day. it takes me 50 minutes to get to work and 30 minutes going home. during that time, i am by myself, either planning my day or thinking about life. yes virginia, the to be or not to be kind of crap. all the while, i am listening to the latest news on my iPod, enjoying the scenery and the fucking awesome california weather. more than a year na akong regular biker at mayroon na akong routine at mga essentials.

You better run for your life, if you can

tumakbo ako ng 10K race in the rain nung sunday – ang tawag nila rito ay “dinosaur dash“. hindi ko alam kung bakit ito ang ginamit nilang pangalan. siguro dahil matatanda na lahat ng mga sumali. hehehe.  actually, karamihan ng mga tumakbo ay mga bata dahil ang race na ito ay para sa tustin public schools foundation. naka publish na yung mga results at eto ang tinakbo ko:

367th place out of 634
43rd place in the 40 to 44 year old age class

Total time: 58:33 minutes
Pace: 9:25 minutes/mile

ang goal ko ay tumakbo ng 10 kilometers under 1 hour at (in the words of brother mike) tenksbitugad, na achieve ko naman. hindi na masama para sa 42 year old (pero may asim pa rin) na diabetic.

P.S. oo nga pala, prediction ko – si obama ang mananalo sa election mamaya. baka landslide pa nga.

Mr. Pogi and Mr. Mas Pogi


halloween 2008. first time kong nag costume ever since dumating kami rito sa amerika 3 years ago. hindi na ako nahihiya magsuot ng nakakatawang damit ngayon. patunay na nga yata na patuloy na ang americanization ng batang kaning lamig. kasama ko sa larawan ang kaopisina kong si pat. batang california pero yung mga magulang niya ay taga dumageute via hawaii. english lang ang alam niyang salita pero pinoy to the bone. mahilig kumain ng adobo at tulad ng maraming mga filipino, marunong din siyang mag mr. pogi pose.

We are legion

sabi sa business world:

“There are around 200 million migrants around the world, eight million of which are Filipino overseas contract workers. The Philippines ranks fourth in terms of remittances received from overseas contract workers. Remittances, which represent around 10% of gross domestic product, are expected to reach $16.6 billion this year.”

ang dami na palang OFW nakakalat sa kung saan-saan, no? walong milyon – wow. that’s almost 4 times the population of singapore. at $16.6 billion in remitances: ang laki na pala ng abuloy ng mga OFW sa bayan. kaya nga lang, hindi naman napapakinabangan ng pilipinas ang talent (lalo na yung talent ko sa pagjakol). ang panaginip ko nga, kung pwede sana umuwi na tayong lahat sa pilipinas para mapaganda natin ang bayang magiliw. pero sa ngayon siguro pipe dream lang ito dahil malamang gutom lang ang abutin natin. tangina naman kasi yung mga ibang naiwan doon, kung bakit kasi sobrang garapal.