from left to right, counter clockwise: si tj, malayo pa lang ako eh nakangiti na. ang bagong dating na si az, sama agad sa akin. sila ang dalawang apo ko. actually mag-pinsan sila. si tj ay anak ni donna. si az ay anak ni david. si david at si donna ay magkapatid. kuya nila si dennis. silang tatlo ay anak ni gigi na kapatid ko. si dennis (kahit pamangkin ko) ay mas matanda sa akin ng 4 na buwan pero sabay kaming lumaki (oo, sabay nabuntis ang mommy at ate ko) at pareho ang aming circle of friends (“i also friend him”, hehehe).
SCENES FROM HOME, PART I
PAANO BA MAGLUTO NG KANIN?
paano ba magluto ng kanin? hehehe… tinuruan ako ni jet bago ako umalis pero parang nakalimutan ko na eh. hirap talagang home alone. bili na lang kaya ako ng chicken rice takeout mamaya? pizza hut? burger king? magpaampon muna kaya ako sa kapitbahay namin
ang tanga tanga ko no? engineering graduate, di marunong mag-saeng. bahala na, kung maluto eh di may kanin. kung hindi, eh di may lugaw.
I DON’T FRIEND YOU!
narinig ko na naman yung “i don’t friend you” sa mga taga-rito. ngyehehe… ito ang shinglish nang “di na tayo bate”. pag naririnig ko itong popular singaporean expression, ibig sabahin eh malayo na ako sa bayan ng mga pinoy.
“i don’t friend you”, “i don’t friend you”. bwakanginangyan.
I DON'T FRIEND YOU!

BACK IN SINGAPORE
nandito na ako sa singapore. kakadating ko lang ngayong gabi. medyo malungkot dahil wala si jet. two weeks pa siya sa manila bago lumipad dito. ako lang mag-isa at medyo nakakapanibago.
bago pumasok ng airport eh, kumain muna kami nina jet ng takeout na jollibee sa breakwater ng manila bay. maganda na pala doon. inayos na ang harapan at marami nang mga park bench at may mga restaurant na. what a great last day to spend before coming over here.
ngayon, heto akong nag-iisa, balik trabaho na naman at muling nangangarap na makauwing muli.
NAKAHIGA SA ANTIPOLO
nakahiga sa kama sa isang makulimlim at medyo mahangin na umaga dito sa antipolo. ang sarap ng pakiramdam. mamaya, bababa kami para mag tanghalian sa mga mommy ko. tapos balik ulit dito sa taas mamayang late afternoon. itong hapunan naman, magluluto ako ng aking famous inihaw na pork liempo. tapos, bukas ng gabi, babalik na ako sa singapore.
GALING SA “NOLI”
ibarra: “…iniibig kong kagaya ninyo ang aking bayan. di lamang sapagkat tungkulin ng bawa’t tao ang umibig sa bayang maglalaan marahil sa kanya sa huling hantungan… kundi sapagkat utang ko sa kanya at magiging utang ko ang aking kaligayahan!”
elias: “at ako po, sa ganang akin, ay sapagkat utang ko sa kanya ang aking kasawian”
GALING SA "NOLI"

PERSPECTIVE
looking from the perspective of an engineer who covers the asia-pacific region: nakikita ko kung saan pumupunta ang mga negosyo. sa thailand, sa china, sa malaysia, sa indonesia. konti lang dito. ito yung mind boggling… here we are, one of the most skilled, most intelligent, english speaking people in the region and yet we don’t get the majority of the business. fucking hilarious if you ask me. kaya heto akong humihiling na sana may maguudyok na magaling na pinoy para mapabilis ang pag-asenso natin sa pilipinas. either that, or in the words of pilosopo tasyo sa noli, magkaroon ng delubyo para anurin ng ulan ang lahat ng madumi sa ating lipunan.