ANTIPOLO BLUES

miyerkoles ng umaga
nakahiga pa rin sa kama
nakabukas ang bintana
pasok, hanging sariwa
sarap ng bakasyonista

ahhh, pwede na akong pumalit kay aprils boy! lahat ng kanta ko eh, nagtatapos sa “A”. hehehe.

Continue reading

TINDERO NG BIBINGKA

lunes, december 16 2002 – anong ginawa ko ngayong araw na ito? una gumising ako ng tanghali! hehehe… a far cry from my normal routine. araw araw ay gumigising na normal sa umaga (tuwing lunes). force of habit siguro. sa akin kasi, lunes ang pinaka-importanteng araw sa empleyado at dito nakikita ang dedication. kadalasan kasi eh ay gimmick tuwing sabado at linggo at ang typical reaction ng isang empleyadong tamad is to call in sick during mondays. kaya ako, nung boss pa ako – pag may empleyado na nagkaroon ng LBM (loose bowel movement) ng lunes eh sinasabon ko ng husto. minsan nga eh may sinibak pa nga ako.

Continue reading

KAPE AT YOSI

linggo. 2 araw pagkatapos namin dumating sa pilipinas ang una kong kumpletong araw dito sa bahay namin sa antipolo. malamig na’t masarap ang simoy ng hangin dito sa kabundukan ng rizal. animo’y dinuduyan kang pirmi at pinaghehele ng hanging pumipito pa sa bintana. masarap talaga sa sariling bahay, heto akong nagpuputol ng mga damo at halaman, nag-aayos ng hardin. dahan dahan lang ang pag-galaw pare ko, bakasyonista ka, namnamin mo ang bawat oras sa hardin. hehehe…may iced tea (with ice siyempre). minsan nama’y kape. minsan nama’y may kasamang yosi.

Continue reading

PINAY NA TINDERA SA CHANGI AIRPORT

december 12, 2002 pauwi na sa pilipinas: sa 7-11 ng changi airport, bumibili kami ng drinks… biglang nagsalita ng tagalog ang cashier sa kasama niya. wow, isipisip ko, pinoy palang airport staff ng 7-11. eto naman akong pa-kyut, binigyan ko sila ng matamis na ngiti at sinabi – “uy, pwede tayong mag-usap sa tagalog!”

tiningnan ba naman ako ng cashier with an “are you crazy look” na may kahalong dead-ma. sabay english speaking ang salita sa akin – “your total bill is $4.50”. sabi ko “thanks a lot!” at pabulong na sinabi habang papalayo – “and by the way, tangnamo kang ale ka, bakit parang kinakahiya mong pinoy ka?”

Continue reading

PARATING

…and magic, eto na ako sa bahay ko sa pilipinas! kasalukuyang nakahiga sa kama nakataas ang paa, pa-relaks relaks. oooooooooo, kay sarap ng bakasyonista… kay sarap sa sariling bahay, kay sarap sa sariling bayan.

i’m home and it feels so great… see you later, crocodile. aayusin ko pang mga halaman ng garden ko… inom ice tea, pahangin, tulog, gising, gala.

You’ll forget the sun in his jealous sky

10:51 AM na rito ngayon sa singapore. ilang oras na lang, pasakay na kami ng eroplano pauwi ng pilipinas. naka-emapke nang lahat ang mga bag, nalinisan nang bahay, nakapag-withdraw na ng pera. ano na lang ang kulang? kain ng tanghalian, ligo, bihis, sakay ng taxi, check-in, clear immigrations, sakay eroplano.

pag-lapag sa maynila, halik sa lupa – parang si pope john paul II.

Continue reading

Home for the holidays

“celebrate me home” ni kenny loggins…ang version niyang live sa “outside: from the redwoods” eh maganda. in fact most of the songs in that concert are really good. nandon din ang duet nila ni michael mcdonald na “this is it”” and my personal favorite – “now and then”. incidentally, both songs are included in the studio recorded lp…”keep the fire”, which in my book would be his best album. ok, balik tayo sa celebrate me home…dedicated sa lahat ng mga pinoy ofw (na tulad kong) uuwi sa pilipinas ngayong pasko.

Continue reading

BAGONG TAON SA PILIPINAS

MAHALAGANG PAYO: “mangulangot ka pagkatapos na pagkatapos ng putukan sa bagong taon” -payo mula kay kuya jay david

pasko at bagong taon sa pilipinas, bow…

isda best in da world! wala sigurong katumbas ang pag-diwang ng pasko sa sariling bayan – biro mo eh, september pa lang eh may mga pamaskong kanta na sa radyo… asahan mo, september 1 eh nag-uunahan nang mga radio station na magpatugtog ng “aysawmamikissing santaclaus” ni Michael Jackson kasama ang mga utol niyang Jackson Five.

Continue reading