naka pajama na ako matulog ngayon. malamig na kasi. ngayon lang nga ako nag pajama in a long time. ang huli ko yatang suot ay nung tinuli ako nung 1976. minsan kasi sobrang lamig na sa gabi at hindi na kaya na naka shorts lang. nung nasa singapore kami, shorts lang parati tapos naka aircon pa nga sa bedroom dahil mainit. minsan pag talagang sobrang init, wala na ring shorts. ngyehehe. paminsan minsan masarap matulog ng nakahubo, pakiramdam ko para akong laos na porn star.
Category Archives: Uncategorized
"It's not how you pick your nose, it's where you put the booger that counts."
dear unkyel batjay,
ano po ba ang dapat kong gawin – naiinis po ako kasi parati na lang akong balagong. pag po mayroong kaming mga long drive sa mga out of town trips, ako po parati ang designated driver. ok lang po ito sa akin. ang ayaw ko lang ay tinutulugan po ako parati ng mga kasama ko sa kotse. pakiramdam ko po ay napaka unfair talaga.
lubos na gumagalang,
gentle reader
"Short is the joy that guilty pleasure brings." – Euripides
ano bang mga twisted guilty pleasures ninyo? marami akong mga kakilala na halos mag orgasm pag nagku-kutkot ng tenga. sinusundot ng walis ting-ting ang loob at pagkatapos ay kinikilig sa sarap. hehe. mayron namang mga iba na mahilig mangulangot habang nagmamaneho – sa singapore, maraming ganito. halos ipasok ang hinlalaki sa butas ng ilong. nung high school naman ako, mayroon kaming teacher na mahilig magkalkal ng betlog. para hindi namin mahalata, ididikit niya ang singit niya sa kanto ng teachers desk ay doon magkakaskas. obvious naman na gusto niya ito dahil minsan nahuhuli namin siyang napapapikit.
"To myself I am only a child playing on the beach, while vast oceans of truth lie undiscovered before me" – Isaac Newton
nakapag ikot din ako sa bisikleta nung sabado bago dumating yung bagyo. nagsimula ako sa newport beach at umakyat north bound sa huntington beach (kung saan ko kinuha ang photo na ito). ang huntington ay isa sa mga unang beach na napuntahan ko rito sa california kaya memorable ito sa akin. historic din ang location na ito dahil dito nagsimula ang surfing culture sa california.
"You can prick your finger, but don't finger your prick!" – GEORGE CARLIN
MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)
DATELINE ARIZONA. isang babae ang nakipag away sa kanyang boypren kamakailan at sa sobrang galit ay kinagat niya ang daliri nito.
isang nagngangalang shannon leah mohr (hindi si pining garcia na naunang ibinalita), 32 years old, ang hinuli ng mga pulis at ikinulong nang kagatin niya ang daliri ng kanyang boypren. ayon sa imbistigasyon, naputol ang nasabing daliri pagkatapos itong makagat. hinahanap pa hanggang ngayon ng mga pulis kung saan napunta ang naputol na daliri – hindi alam ng mga kinauukulan kung ang daliri ay nalulon ni shannon o baka naman ito naidura.
bayan – ang moral lesson ng balitang ito ay: kung makikipag away ka sa gelpren mo, siguraduhing nasa bulsa ang inyong mga kamay.
ANG BALITANG ITO AT ANG PODCAST PARA SA MGA SUMOBRA SA PAG MARIANG PALAD AY INIHATID SA INYO NG “BIRCHTREE HOLLAND POWDER MILK, ANG GATAS NA MAY GATA”.
A million ways to spend your time – when we get back, I'll drop a line
christmas break namin ngayon. sarap nga eh – nakabakasyon ako from december 24 hanggang january 3. kung di lang mahal ang pamasahe eh di sana nasa pilipinas kami ngayon. pero ok na rin, nakapag pahinga kahit paano. ang isang maganda rito sa california eh ang dami mong magagawa. kaninang umaga nga nag bisikleta ako sa park malapit dito sa bahay. ay oo nga pala, mayroon akong bagong bike. christmas gift ni jet sa akin. mas maganda kaysa doon sa dati kong bike sa singapore. racer ang kinuha ko this time – “Specialized Tricross Sport Double” ang kumpletong pangalan. fancy smanzy ano? ang ibig sabihin ata nito eh bisikletang pwede mong gamitin kahit saang kalye (hekshuli, kahit walang kalye ay pwede rin). gagamitin ko nga ito sa pagpasok sa opisina. mayroon kasing incentive sa amin – if you bike to work, mayroon kang dagdag sa sweldo. parang binibigyan nila ng encouragement yung mga empleyado na magkaroon ng active life style. itatanong ko nga kung mas malaki ang allowance kapag nagbibisikleta na nagjajakol pa.
"Wrinkles should merely indicate where smiles have been" – Mark Twain
And ev'ry stranger's face I see reminds me that I long to be
dear mommy,
merry christmas po sa inyo. by this time siguro papunta ka kayong lahat sa tagaytay para sa annual christmas party ng pamilya. first time namin na mami miss ito ni jet in 5 years. medyo nakakalungkot nga pero ano bang magagawa natin – kailangan kumayod para may pambili ng hopia.
sana next christmas ay magkakasama ulit tayong lahat.
kagabi, nanaginip ako na kumukuha raw ako ng dalawang hershey bar sa vending machine sa opisina namin. weird nga eh – hindi ko po alam kung mayroon itong connection sa pasko pero gusto ko lang ikuwento. actually, ok naman po ang christmas weekend namin. parang nasa pilipinas rin kami kasi mga kabayan din ang kasama namin. ang sarap panoorin kung paano mag celebrate ang mga pinoy ng holidays sa ibang bansa. pakiramdam ko, we miss home so much na pilit naming mga overseas pinoy na ipagdiwang ang pasko na parang nasa pilipinas din kami. it’s heroic in a way and i love it.
tuloy po muna kami mommy. punta kami ng san diego ni jet at doon makikipag pasko sa iba nating mga kamag-anak. ingat po kayo diyan at kamusta na lang sa lahat.
nagmamahal,
jay
pakinggan ang PODCAST ng Dear Mommy Letter
"Today was once the future from which you expected so much in the past."
maganda mag gunita ngayon ng nakaraan dahil malapit nang mag pasko. special pag ganitong time of the year kasi lahat ng tao ay masaya. kahit nga yung mga matatandang dalaga na masusungit dahil nagsara na yung labasan nila ng ihi eh masaya rin. kaya hayaan ninyo ako ngayon magbalik tanaw.
"With more people, there are more voices to tune out." – Susan Sontag
dalawang Podcast ko nga pala ang naka register sa iTunes ngayon – “Dear Unkyel Batjay” at “Mahalagang Balita“. kung gumagamit kayo ng iTunes, punta lang kayo sa music store, click sa “podcasts” then do a search – ipasok niyo lang “batjay” or “philippines” or “pinoy” as your search words at makikita na ninyo yung mga podcast ko. marami na kami ritong mga pinoy podcasters at matutuwa kayo sa variety na available dito. ang maganda sa iTunes based podcast ay pwede kang mag subscribe dito ng libre at kung mayroon kang iPod, automatically mo itong mai-do-download at pwede mong marinig kahit saan.