christmas break namin ngayon. sarap nga eh – nakabakasyon ako from december 24 hanggang january 3. kung di lang mahal ang pamasahe eh di sana nasa pilipinas kami ngayon. pero ok na rin, nakapag pahinga kahit paano. ang isang maganda rito sa california eh ang dami mong magagawa. kaninang umaga nga nag bisikleta ako sa park malapit dito sa bahay. ay oo nga pala, mayroon akong bagong bike. christmas gift ni jet sa akin. mas maganda kaysa doon sa dati kong bike sa singapore. racer ang kinuha ko this time – “Specialized Tricross Sport Double” ang kumpletong pangalan. fancy smanzy ano? ang ibig sabihin ata nito eh bisikletang pwede mong gamitin kahit saang kalye (hekshuli, kahit walang kalye ay pwede rin). gagamitin ko nga ito sa pagpasok sa opisina. mayroon kasing incentive sa amin – if you bike to work, mayroon kang dagdag sa sweldo. parang binibigyan nila ng encouragement yung mga empleyado na magkaroon ng active life style. itatanong ko nga kung mas malaki ang allowance kapag nagbibisikleta na nagjajakol pa.
maraming nag bibisikleta sa opis namin. pag pasok mo nga sa gym, siksikan ang mga bike doon sa malapit sa locker roon. i long for the day na makakasali na rin sa akong nakikiparada ng bisikleta sa opisina. kaya nga habang ganitong bakasyon eh panay ang practice ko sa pag bike sa park para di kahiya hiya sa mga beterano kong kaopisina. bumili pa nga ako ng libro tungkol sa mga bike route ng orange county. hopefully before the weekend, makapag bike din sa beach. sarap talaga sa california.
Galing ng bike mo bosing pero mas magaling ka pa rin. Ang dami mo tlagang talents. Biruin mo, nagagawa mo yun habang nag-ba-bike!
sabi ko nga doon sa comic strip ko eh talagang marami akong talent. ang isa sa pinakamagaling kong talent ay yung talent sa pagsaltik. hehehehe.
musta na bossing. masaya ba yung kasal ni mec?
happy holidays to you and jet! ang ganda ng bike ha. sosyal! hehe. meron din kami bike dati, ginagamit namin from newton to east coast park on sunday mornings 🙂 kaso tumigil kami after a year or so kasi nakakatakot, dami bus, minsan ginigitgit ka pa! would love to stay in a really bike friendly place. may special lanes ba dyan sa california?
😀
La lang, natutuwa lang ako sayo mylab.
Basta ingat ka lang lagi ha.
Labyu!
BatJay! Bloghopping po to greet you a Happy New Year! From me, Tina and Jo-Lo 🙂
Don’t forget to wear your helmet…..Stay safe….
Happy New Year sa inyo ni Jet….
sir, sana ay huwag niyo po’ng masamain – pero naa-aliw ako sa inyong….blogsite nga ba ang tawag dito? matagal-tagal na rin akong sumusubaybay at natutuwa sa inyo pong nasusulat. Katulad po ninyo, ako rin ay kalahok sa grupo ng “babalik ka rin” ngunit matagal nang hindi nakababalik sa atin. salamat po ng marami sa munting kaligahayang dulot niyo para sa mga mambabasa na tulad ko.mabuhay po kayo!
maganda ang bisikleta mo bossing. may kamahalan iyan pero magandang excercise. nakahiligan ko rin ang mag-bike and actually this year alone over 12,000 miles na siguro ang natakbo ng bike ko! nakasabit ito sa likod ng kotse ko. nakatamaran ko ng mag-bike at pati ang pagtanggal sa rack ay nakatamaran ko na rin. kung gusto mong mabawi ng konti ang pagkabili mo sa bike, maari mo ring kabitan ng side car at maglako ng binatog at kropek gaya ng ibang mga taga south of the border. hindi kasi click dito ang magdeliver ng bottled water o shellane gaya ng sa pinas.
Happy New Year sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay.
balita ko madami daw magagandang trails jan sa cali tutal mahilig kang mag bike..ingat lang bossing and maligayang bagong taon sa inyo ni jet!
happy new year din sa inyo tony.
orange county has around 200 bike trails, according to the book i have. the one near home (the aliso creek bike trail) is one of the best in terms of scenery. it stretches from our place to almost near the pacific ocean. i just love it.
Happy New Year! I wish you health for the new year. Lalo na ngayong may bago kang bike, siguradong mas lalo kang magiging malakas at malusog.
maraming salamat . sana nga maging mas malakas. ayoko na ng malusog. ngyehehe.
maganda nga yung bike dennis. biker ka pala at mukhang hard core pa. 12,000 miles – wow, impressive. hahanapan ko nga ng magandang bike rack ang kotse namin. kasya naman sa loob pero nadudumihan yung apholstery. may OC to san diego wheeler tour nga pala ang opis namin every year. sasali ako.
maraming salamat sa pagsulat astig from hawaii. best regards diyan sa islang maganda. dami ring pinoy diyan di ba?
aloha!
dear tita nene – bago nga rin yung helmet ko kasi pinamigay ko yung mga dati ko. mas maganda yung ngayon – mas malalaki ang mga butas.
happy new year din sa iyo, sa iyo – at higit sa lahat sa iyo.
happy new year sa pamilya mo watson. sana mas masagana ang bagong taon mo!
happy new year sa inyo favel. kamusta diyan sa australia? miss ko na ang mga trip ko sa sydney. nabanggit ko na sa inyo na gustong gusto ko diyan di ba. binalik ko na ulit ang pag bike ko. i used to bike to work in singapore from pasir ris hanggang sa changi business park malapit sa singapore expo.
ngyehehehe… siyempre mag iingat ako mylab. bakit ka nga ba natutuwa?
lab U!