And ev'ry stranger's face I see reminds me that I long to be

dear mommy,

merry christmas po sa inyo. by this time siguro papunta ka kayong lahat sa tagaytay para sa annual christmas party ng pamilya. first time namin na mami miss ito ni jet in 5 years. medyo nakakalungkot nga pero ano bang magagawa natin – kailangan kumayod para may pambili ng hopia.

sana next christmas ay magkakasama ulit tayong lahat.

kagabi, nanaginip ako na kumukuha raw ako ng dalawang hershey bar sa vending machine sa opisina namin. weird nga eh – hindi ko po alam kung mayroon itong connection sa pasko pero gusto ko lang ikuwento. actually, ok naman po ang christmas weekend namin. parang nasa pilipinas rin kami kasi mga kabayan din ang kasama namin. ang sarap panoorin kung paano mag celebrate ang mga pinoy ng holidays sa ibang bansa. pakiramdam ko, we miss home so much na pilit naming mga overseas pinoy na ipagdiwang ang pasko na parang nasa pilipinas din kami. it’s heroic in a way and i love it.

tuloy po muna kami mommy. punta kami ng san diego ni jet at doon makikipag pasko sa iba nating mga kamag-anak. ingat po kayo diyan at kamusta na lang sa lahat.

nagmamahal,
jay


pakinggan ang PODCAST ng Dear Mommy Letter

22 thoughts on “And ev'ry stranger's face I see reminds me that I long to be

  1. Knowing how much you and jet love your parents and how happy you guys are when you’re with them, I can just feel the loneliness. Di bale, it’s less painful nowadays as they are just a phonecall and email away. Imagine how it was with our forefathers! no other means of commuminication but through snail mail.

    And besides, think of how many hopia your money can buy these days!

  2. Merry Christmas Jay and Jet!!!. Di pa ako nakakauwi since mapunta ako dito sa US. Malungkot talaga but like what you said kailangan kumayod pambili ng hopia. Pipilitin kong makauwi next Christmas.

  3. hi batjay, merry christmas to you and jet πŸ™‚

    di bale, wag ka na malungkot, kasi hindi din gaano maningning ang kapakuhan dito, if you’re looking for the usual frenzied pace, yung gana ng mga tao, pati amoy ng pasko, parang non-existent nag-uulan kasi, o baka hindi ko lang naamoy kasi hinihika ako.

    hopefully by the time you guys are able to come home for christmas, we shall have gotten the old spirit back, and situation’s turned for the better dito sa atin. i know it will πŸ™‚

  4. binabati ko po kayo ng maligayang pasko at masaganang bagong taon sampu nang inyong mga kamag-anak at kasambahay..sama nyo na rin ang mga kapitbahay..

  5. Malungkot nga mylab kung iisipin na malayo tayo sa mga mahal natin ngayong pasko. Pero masaya pa rin at maswerte pa rin tayo dahil kahit papano magkasama tayo. Ni hindi ko nga kayang ma-imagine kung magpapasko tayong magkahiwalay. Ano man ang maging rason, kung magkakaganun, I know it would have been pointless.

    Merry Christmas mylab. Labyu! πŸ™‚

  6. hey misis p. merry christmas to you and the family. actually, ours wasn’t that bad. we had dinner with a friend and her family on christmas eve. it was festive because we had a lot of kids. the food was great and we had a great time. oo nga iba na ang pasko sa pilipinas. well at least yung mga pasko namin the past years. ang masarap lang talaga ay kasama mo ang pamilya. i guess that makes christmas in the philippines better.

    hey, you still owe us a music blog entry. hehehe.

  7. merry christmas din sa iyo maria. malamig na siguro diyan sa georgia ngayon. sana masaya ang pasko mo. kami ni jet ay di naman masama – kasama namin ang mga kaibigan at ibang kamag anak. ok na rin.

  8. merry christmas tito rolly. sana masaya ang pasko ninyo. ok naman kami kahit wala yung normal pasko sa pilipinas. nakapag celebrate din kahit papaano. buti na lang may mga kaibigan at kamag anak.

  9. Belated Merry Christmas!

    Pasensiya na sa late greeting at hectic din ang pasko namin rito mula sa mga huling araw ng opisina hanggang pabalik namin galing bakasyon sa Maynila.

    Hope you can be home for Christmas this 2006

  10. SIR PIM!!!

    merry christmas din sa inyo at happy new year. kamusta na kayo? oo nga pala, you spend christmas in manila. siguro maraming tao sa airport ano?

    kamusta na riyan sa bukid? alam mo bang nag publish ako ng mga photo sa mount apo sa larawan website ko.

    kailan ulit kaya kami makaka dalaw diyan?

    ingat

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.