Ev'ry stranger's face I see reminds me

nung nasa singapore pa kami nakatira, isa sa mga paborito kong gawin ay magpunta sa lucky plaza pag linggo. day off kasi ng mga OFW at lahat ng mga pinoy ay dito nagpupunta para tumambay, bumili ng mga kapinoyan na gamit tulad ng toyo, suka, manggang hilaw, chocnut at pelikula ni judy ann santos.

pero para sa karamihan ng mga tulad kong sabik na may makausap na kabayan, excuse lang yung may bibilhin na gamit. ang talagang puntirya mo para magpunta sa lucky plaza ay para may maka kwentuhan, kahit na sandali. ang paborito kong gawin pag narooon ako ay makipag landian sa mga sales lady habang bumibili ng patis.

Continue reading

BatJay in the Simpson's Universe

BatJay in the Simpson's Universe

kung gawin akong cartoon character sa “the simpsons“, ito ang magiging hitsura ko. mahilig akong magsuot ng itim na damit. siguro dahil partially color blind ako: walang appeal sa akin ang pastel tones.

salamat nga pala kay mark para sa kalokohang ito. d’oh!

The world's alright with me

Feel good songs that are not necessarily about feeling good:

  1. supertramp, lord is it mine
  2. bill withers, lovely day
  3. paul simon, here comes the sun with homeward bound
  4. moody blues, your wildest dreams
  5. fleetwood mac, don’t stop
  6. roger waters, mother
  7. batjay, portrait of my love

BONUS TRACK: eto nga pala ang isang kwelang version ng lovely day. pag masama ang araw ninyo (e.g. gumising ka isang umaga, bigla ka na lang may betlog sa noo o kaya hindi ka na tinitigasan), just watch this at baka sakaling makatulong maalis ang blues.

All the vampires walkin' through the valley

last saturday, nag sponsor ang company namin ng indoor skydiving sa perris, california. ito yata ang mecca ng skydiving sa southern california. ang daming sira-ulo roon na tumatalon sa eroplano.

IDSkyDive-043

ang sarap pala ng pakiramdam ng skydiver, kahit simulated lang ang ginawa namin sa loob ng wind tunnel. feeling mo, para kang si darna. sa murang halaga na $20 ay binigyan kami ng tatlong 1 minute “flying time” sa loob ng tunnel. i must say, it was breathtaking and i can’t wait for the real thing. ang isa kasi sa mga matagal ko nang pinapangarap ay mag solo skydive, hopefully before i turn 45 – habang tigas titi pa.

Continue reading

You're gonna walk that endless highway

isang buwan na lang tapos na ang lease namin dito sa apartment. kailangang mag decide na kami ni jet in the next few weeks kung itutuloy namin ito for another year or lilipat na kami ng bagong tirahan. milestone din ang lease expiration dahil ito rin ang anniversary ng pag landing namin. ang bilis ng panahon ano? two years na pala kami dito sa america itong darating na august 1st.

ang dami na ring nagbago – nag lose ako ng 40 pounds at si jet ay marunong nang mag drive. dumami ang puting buhok ko pero natuto naman akong kumain ng cereal. nagkaron din kami ng kulay berdeng card last year at na promote ako sa trabaho itong june. dati assistant clerk, ngayon assistant vice clerk.

sana magpatuloy pa ang suwerte para matuloy na yung matagal na naming pinaplano na magkaroon ng sariling bahay sa amerika. sana rin ay may magregalo sa akin ng nail cutter sa paa.

Makes you think all the world's a sunny day

mga paboritong pinakikingan na kanta:

  1. blow away, george harrison – george was the funniest of all the beatles. he had the quick wit that i admire so much in comedians. sayang maaga siyang kinuha ni lord. this song came out in 1979. pag naririnig ko ang kantang ito, naaalala ko ang aking magic year when i turned 13 years old.
  2. ring of fire, johnny cash – the ultimate love song. ginawa ito ni june carter-cash para sa soon to be husband johnny. i love the original version with the mariachi horns but this one’s ok too kahit mellowed down na. johnny’s deep stentorian voice (na parang tinatakot ang diyos) is really out of this world, kitang kita ito lalo na sa kanyang signature walk the line.
  3. summer fling, kd lang – siguro, isa ito sa mga kantang dadalhin ko pag alam kong magiging stranded ako sa desert island. it’s just a feel good song that i play all the time. kahit siguro matanggal ang kuko ko sa paa at marinig ko ang kantang ito, matutuwa pa rin ako.
  4. celebrate me home, kenny loggins – pag kinuha na ako ni lord, 40 or so years from now at pupunta na ako sa rock and roll party in the sky, gusto ko, ito ang kantahin sa burol. wala nang kabaong, diretso na ako agad sa magic oven para abo na agad.