nung high school, lahat kami sa batch ay gusto mahaba ang buhok kasi ang requirement sa school (strictly enforced, if i might add) ay barber’s cut. ngayon, pwede na akong mahaba ang buhok dahil wala nang nagbabawal pero ang gupit ko ay maikling barber’s cut. i can’t explain why this is so, it’s one of the irony’s of life.
ano ba ang “irony” sa tagalog? mabakal. hehehe
panunuya. ang ebolusyon ng gupit mo laban sa kahingian ng lipunan ang isa sa panunuya ng buhay. sa aking kaso, nagsisimula akong antukin pagtunog ng alarm clock.
Siguro, as you grow older, nagiiba ang tastes mo. Hindi mo rin maiiwasan yon. Hehe. Teka, matanda ka na ba? hindi pa naman po a. hehe.
Gwapo. D best!
pamamamalantsa.
Ako naman, nakapagmahabang buhok nuong uso. Buti na lang kamo ngayon e accepted na ang kalbo at ako’y kalbo na. I can’t imagine living during the 70’s na ganitong mataas ang noo. eeeew!
marahil panunuya nga, pag-iba ng taste at pakikibagay sa uso. sa akin siguro’y isang malaking up yours sa powers that be.
wala naman itong kinalaman sa topic pero sabi ni mellencamp – i fight authority, authority always wins. ewan ko kung bakit naisip ko ito. siguro dahil maganda ang kanta.
hehe, rolly! pareho tayong mala-tarmac ang noo! 😀
pareng batjay, sabi maria odulio de guzman, dictionarianne extraordinaire, kabalintunaan at kabalighuan ang ibig sabihin ng irony. ang panunuya ay sarcasm. madalas namimisteyken ang irony sa sarcasm. ayon kay pareng webster ang sarcasm ay cutting, often ironic remark intended to wound or a form of wit that is marked by the use of sarcastic language and is intended to make its victim the butt of contempt or ridicule samantalang ang irony ay 1. The use of words to express something different from and often opposite to their literal meaning, 2. An expression or utterance marked by a deliberate contrast between apparent and intended meaning, 3. A literary style employing such contrasts for humorous or rhetorical effect, 4. Incongruity between what might be expected and what actually occurs. Xenxia na, school opening na kasi kaya nasa lecturer’s mode me. 🙂
great explanation propesor. pero wala sa bokabolayro ko ang kabalintunaan at kabalighuan. salita ba talaga yang mga yan?
oo nga pala, sabi ng asawa ko, magaling daw ako sa sarcasm. minsan sobrang galing. siguro iniisip niya minsan, sana sa irony na lang ako nag specialize.
Hello Jay!
Kulang ng caption ang picture mo. Courtesy of our yearbook “The Notre Damer ’83,”—na dinala ko sa trabaho ngayon, by sheer coincidence; just don’t ask me why!—here it goes:
DAVID, NICANOR, JR.
Nominated for the best actor award for his performance in the school play, Nick is the tall husky guy with the loud stentorian voice. Having mischief as his trademark, he often startles us when he prays na “para bang tinatakot ang Diyos!” Jelling-jelly rin!
(Ano ba’ng jelling-jelly?) Anywho, thanks for the trip down memory lane. Ewan ko kung minsan eh nakita mo ako sa Mapua, dahil nakapag-dalawang semester ako doon bago kami lumipat ng States nung ’83. Madalas akong nasa Architecture wing (Industrial Design kasi ang major ko), kaya siguro hindi kita maalala. Si Jonathan de Mesa yung minsan kong nasasalubong (kumusta na nga pala siya?). Kilala mo ba yung physics instructor na si Mrs. Tavanlar (na kung magadamit ay parang tindera ng isda)? But I digress…
Sige na’t babalik na ako sa trabaho, bago mabisto ng “The Man”…
classmate daisy, binibisto mo naman ako.
naalala ko pa ang school play – “pinturahan ng kalburo”. si noriega ata ang gumawa nito. quite risky to perform during those days kasi may pagka subersibo ang topic at presidente pa si marcos .
ano ba ibig sabihin ng “tall husky” at “stentorian”? hanggang ngayon di ko pa rin mainitindihan. hehehe.
buti nabanggit mo si jonathan – nagkita kami 2 years ago sa isa sa mga gathering namin sa manila. hindi pa rin siya nagbago. magkasama rin kami sa mapua after graduating from notre dame. great guy
Puh-leeze, don’t be modest! Ang “tall,” “husky” at “stentorian” ay angkop na panglarawan sa isang machong-macho na katulad mo. (O macho-nurin kaya?)
ang kilabot ng mga bading sa notre dame. BWAHAHAHA. ilang beses din akong dinakma, hanggang ngayon masakit pa rin.
ang pagka-alam ko (na konti lang talaga), pag tao ang nanuya, sarcasm, pero pag kalikasan o buhay mismo, irony. pwede ding ang irony ay pinaikling “aba fernando poe, jr!” – irony!
o baka naman korny.
BWAHAHAHAHA!
tutuo nga ata sarcasm pag tao, irony kung act of god. pero nung nagpaulan ng palaka ang diyos sa mga taga egypt pagkatapos silang maka experience ng invasion ng langaw at tipaklong, nakakadiring pigsa at hail stones na kasing laki ng basketball, sarcasm yon.
Uy, terno kurbata at panyo sa breast pocket. Will not ask kung ano pang terno mwahahahaha.
medyas
pareng batjay, argyle yata tawag sa design ng matching tie-hankie-medyas mo. 🙂
di ba argyle yung monster statue na nasa itaas ng mga building sa europe na ginagawang alulod?
Akala ko sasabihin mo pwede nang mag-long hair pero di na pwede, “no hair” na lang
😛
mga 10 to 20 years pa, baka pareho na kami ni tito rolly.
bigla kong naalala yung picture ko nung high school…..pareho pala tayo ng kurbata….ha ha ha ha ha….
palit palit lang naman ang mga kurbata at jacket na dala ng photographer. hehehe.
Kabalintunaan = Irony.
Yehey naaalala ko pa. Yun nalang yata ang naaalala ko sa Pinoy class ko.
I remember, may isa pang irony sa buhay mo di ba? Kwento mo, dati gustong gusto mong kumain ng (grrr! I can’t remember what it’s called!) beef stew and rice at kayang kaya mong umubos ng dalawa kaya lang isa lang ang kaya mong bilhin. Ngayon kaya mo nang bumili ng dalawa pero ayaw mo na siyang kainin.
Ang laki talaga ng naging impact ng Notre Dame sayo no mylab? For the same reasons, you always keep your shirt buttoned up and you can wear nothing but black socks. Well, gladly these are not bad things you were trained into doing.
You have always been, and still are, a good boy. Labyu! 😀
oo nga mylab. naalala ko na naman ang “pares” story. nung mas bata ako, wala akong spare na perang pambili ng pares – gustong gusto ko pa naman kumain nito nood dahil parati kong nakikita sa kanto ng west avenue pag dumadaan ako roon. nung nagkatrabaho na ako at may pambili na ng pares, ayoko na siyang kainin. hehehe. irony.
Kabalintunaan – wow. that’s one word that has one foot in the grave. ano ba sa tagalog ang “archaic”?
Talagang mabakal to ah. Ikaw yan kuya? weh?