baka may kaunting oras kayo ngayon para magbasa, dalaw kayo doon sa community website namin na “The Rebels Without Because“. nabanggit ko na previously di ba na each of the thirty three members post entries on a common topic. nasa homestretch na kami ng second topic tungkol sa pag-ibig at masaya na naman ang talakayan doon. basahin ninyo kung papaano umiibig ang mga kuya at ate ninyong mga forty something. some of the stories are funny, yung iba ay serious, yung iba naman ay dreamy but all are interesting.
yung entry ko sa “PERSLAB” entitled “NADAAN AKO SA TAWA” ay tungkol sa unang pagkikita namin ng asawa kong si jet at kung papaano akong nabighani sa napakalakas niyang tawa. iba rin ang epekto talaga ng humor sa pagsasama ng mag-asawa. kung walang tawanan sa relationship ninyo – patay. bagsak agad ang bataan. seventeen years na pala kaming magkakilala this april. not bad ano, for a relationship that started with laughter (or is it “a relationship that was started by laughter“). don’t get me wrong, masarap pa rin ang sex life namin, even if we’re in our fourties. in fact, it’s been fantastic (malibog kasi ako eh). oragon (sa bicol). pero iba talaga pag nagsasama kayo at parating may tawanan. sometimes it’s better than sex.


