baka may kaunting oras kayo ngayon para magbasa, dalaw kayo doon sa community website namin na “The Rebels Without Because“. nabanggit ko na previously di ba na each of the thirty three members post entries on a common topic. nasa homestretch na kami ng second topic tungkol sa pag-ibig at masaya na naman ang talakayan doon. basahin ninyo kung papaano umiibig ang mga kuya at ate ninyong mga forty something. some of the stories are funny, yung iba ay serious, yung iba naman ay dreamy but all are interesting.
yung entry ko sa “PERSLAB” entitled “NADAAN AKO SA TAWA” ay tungkol sa unang pagkikita namin ng asawa kong si jet at kung papaano akong nabighani sa napakalakas niyang tawa. iba rin ang epekto talaga ng humor sa pagsasama ng mag-asawa. kung walang tawanan sa relationship ninyo – patay. bagsak agad ang bataan. seventeen years na pala kaming magkakilala this april. not bad ano, for a relationship that started with laughter (or is it “a relationship that was started by laughter“). don’t get me wrong, masarap pa rin ang sex life namin, even if we’re in our fourties. in fact, it’s been fantastic (malibog kasi ako eh). oragon (sa bicol). pero iba talaga pag nagsasama kayo at parating may tawanan. sometimes it’s better than sex.
agree… pero better kung magkasama ang sex at humor, di ba?
kidding aside, paano gaganda ang relationship kung walang saya, o tawanan, o asaran, o inisan, o jokes (kasama na green jokes), di ba?
importante rin na parehong ma L at kenkoy ang magpartner… actually, sex minsan has nothing to do with the physical attributes din but with being intelligently sexy ng magpartner.
AMEN
unkel batjay: TAG! you’re it! puedo nyo pong sagutin yung tag-questions? salamat!
kakatuwa talaga naman. congratulations sa inyong dalawa…haaaaaaaay love…
exciting and new?
hi ja – musta nang toronto? malamig pa rin siguro ano.
napadaan lang po…. and agree ako dito….
“pero iba talaga pag nagsasama kayo at parating may tawanan. sometimes it’s better than sex.”
ewan ko lang kung aagree din ang asawa ko. hihi =)
Hello unkel BatJay :D, kakaaliw talaga itong blog nyo. Madami na na akong napasyalan na blog pero dito lang ako napaihi sa salawal ng katatawa hehehe. Goodluck sa iyo d’yan at ingat kayo lagi. Best wishes sa inyong dalawa ng lab mong si Jet.
17 years na tayong magkakilala next month, tapos next next month 14 years na kitang asawa? That’s almost half our lifetimes mylab. Imagine mo na lang kung hindi tayo nagkakatawanan. I kenat! π
Labyu!
Hello Unkyel BatJay. Actually maganda nga yung post mo sa blogkadahan. Mapapangiti ka sa pagkakasulat, pero mararamdaman mo rin yung “wistfulness” nito.
salamat watson. wistfulness – ayos may bago na naman akong magagamit na salita.
hi joel. thanks for dropping by. buti naman at naihi ka. sa susunod, mag baon ka ng pampers bago ka magbasa. hehehe. salamat sa best wishes. peace man. jay
hello kata. salamat sa pagdaan. siguro naman ay agree ang asawa mo otherwise eh mag extra lambing ka na lang. o kaya patawanin mo siya habang nag se.. nevermind.
hi kat –
hehehe. kakatuwa naman. and i’m excited to start answering the questions. teka lang ha. bigyan mo akong kaunting oras. i want to answer it fraferli. thanks for thinking of me.
keep on rocking.
jay
bat,
malibog in bicol is malabo. hehehe. oragon na lang. baka namangusto mo orig -on .hehehek
bicol defined:
malubog -malabo
oragon – magaling, matibay, salbahe, matapang
(di ko alam kung saan nakuha ng mga ‘galog yung meaning nito na malibog) puedeng galing sa root word na orag (verb) which is actually fuck or
k—-t in tagalog.
he he…FYI lang po. π
ka BatJay!
napa-daan nga ako sa kwentuhan niyo sa blogkadahan. ka-inggit, sarap ng kwentuhan. mey ay join yu? π . (pag-tapos na akong mag-sulat ng thesis … pag-puti ng uwak)
sawap ma-in-labs, ‘neh? sawap ng may ka-tawanan, ka-kulitan, ka-kwentuhan at iba pang “ka”.
Mabu-hey!
ka edong
“kasamang edong” o “kaibigang edong”
p.s. ma-banggit lang, may bagong salta diyan sa singapore: si Jared. IT guy, blogger.
salamat sa comment mo ka edong. masarap ngang ma in lab. lalo na kung ma in lab ka doon sa babaing pinakasalan mo.
uy ate glo, salamat sa bicolano translation. alam mo bang may mini phrase book ako sa mga luma kong notebook. ako, oragon ako in the truest bicolano sense of the word. hehe.
ano raw sa bicolano ang loro?
orig-on na lang ate Ca T para how baboy naman da pig. BWAHAHA…
oo nga mylab, 17 years and counting. tagal na ano? kung walang tawanan maaga yang magkaka ayawan. ayoko ng seryoso masyado sa buhay. gusto ko may humor at yung pumapayag na matawa at her/his own expense. buti na lang ganon tayo.
sana kasalan na (sa church).. weeeee!
ako na ang mauunang mag congratulate sa inyo.. astig kau!! π
disciple na ako ng kanta ni john lennon na imagine. ayoko na ng religion. pero kung loving relationships ang pag-uusapan, punta ka sa entry na ito:
http://www.kwentongtambay.nicanordavid.com/archives/2004/05/whatever_fate_d.html
ingat,
jay
manoy batjay,
yung loro na ibon? alam mo di ko maalala kung ano yan sa bicolano!!
anyway, but there’s a bicolano word PAROT which is some kind of “mura”. he he. siguro alam mo ito. di ko alam ang exact meaning pero parang mas malala pa sa put—ina. he he. π ikaw ha, puro bad words na bicolano alam mo! pero mabuti yan, i’m sure, nung andun ka sa sorsogon, di ka nila naibenta.
ang meaning ng “PAROT” sa BIKOL ay yung parang “mahina”. “PAROTON” “Maluyahon”