There’s room at the top they are telling you still, But first you must learn how to smile as you kill

magiging seryoso ako ngayon at pag-uusapan natin ang mga katangian na hinahanap ng mga kumpanya sa mga nag a-apply sa kanila ng trabaho at ang mga common questions na tinatanong sa mga interview. isasali ko rin ang mga katangian na hinahanap sa inyo ng mga managers sa evaluation ng iyong first six months. siyempre dahil engineer ako, related ang topic na ito sa mga katangian ng isang magaling na engineer. pero applicable din sa mga non technical positions tulad ng isa kong sideline – ie nagkukulot ng buhok.

1. MARUNONG KA BANG UMINOM? sa mga job interview, ito ang una kong tinatanong. ice breaker ito pero importante rin dahil kadalasan sa mga project work, magpapainom ka ng customer para ibigay sa iyo ang project or papainumin ka ng supplier para ibigay mo sa kanila ang project. in both cases, iinom ka whether you like it or don’t.

2. ILANG BOTE ANG KAYA MONG INUMIN? siyempre ang sagot sa Q#1 ay “OO” kaya ang follow-up question ay tungkol sa capacity. ang tamang sagot sa potential employer mo ay: “HINDI MASYADO SIR, MGA DALAWANG BOTE LANG, TAPOS HINDI NA AKO NAGBIBILANG”.

3. PRACTICAL QUESTIONS. minsan during the interview, bibigyan ka ng mga trick questions. halimbawa: “kung nakasakay ka sa isang bangka kasama ang nanay mo, asawa mo at si ara mina. tapos biglang lumakas ang alon at tumaob ang bangka, sino ang una mong sasagipin?” siyempre ang tamang sagot ay si Ara Mina. ARAYKUP! sinong nambatok sa akin? mylabopmayn biro lang yon… ang pinaka tamang sagot ay: “SIR, YUNG PINAKAMALAPIT PO SA AKIN” kasi ito ang pinaka practical na solution. pop quiz lang naman ito kaya di kasali ang damdamin sa sagot.

4. EXPERIENCE COUNTS. tinitignan din siyempre ang previous work experience. kung virgin ka pa sa trabaho, yung mga sinalihan na mga orgamization ang titingnan (malaki ang pogi points kung presidente ka, halimbawa, ng sharon cuneta mataba sha fans club). kung senior position ang opening, siyempre titingnan ang work history mo, duration ng stay sa company, references, etc. importante ba ang experience? you bet. ano ba ang experience? let me put it this way: kunware nag sama sama kayo sa project sa bundok, pagkatapos nagka brownout. yung taong may experience ang biglang bubunot sa backpack niya at magaabot sa iyo ng flashlight. may experience na kasi sila sa mga ganitong situation at alam nila na malimit mawalan ng kuryente sa bundok.

5. COMMON SENSE MAKE SENSE. above all, common sense ang tinitingnan ko sa mga bagong tao. itinuturo ito pag bata pa lang and you cannot learn this in the classroom. common sense siguro ang pinakaimportanteng qualification sa lahat ng qualification. marami na akong napauwi na mga cum laude (magna cum yelo, zuma cum galema at kung ano ano pang mga cum) – mga honor student na walang magawang tama sa trabaho dahil walang common sense. ano ba ang common sense? let me put it this way. kunware, nag sama sama kayo sa project sa bundok, pagkatapos nagka brownout at binigyan ka ng boss mo ng flashlight. yung may common sense, hindi na magsasabi ng: “BossJay, sisindihan ko ba itong flashlight?

6. TAKE THE INITIATIVE. isa pang importanteng skill na mahirap ituro sa classroom. ang initiative ay yung ability ng isang tao na gumawa ng paraan on his own. very important itong skill sa project engineering. pag kasi nagbigay ang project manager ng instruction: very general ito, and it’s up to the project engineer to find a way to execute. the best project engineers are usually those who can work without being told what to do. those who can think for themselves and make the correct decisions. these people are worth their weight in gold. so, ulitin natin. ano ang inititive? kunware, nag sama sama kayo sa project sa bundok, pagkatapos pinagluto ka ng boss mo ng pansit bihon. later on nalaman mo na wala palang bihon at malapit nang mag lunch. yung may initiative, gagawa na lang ng chopsuey kasi alam naman natin na ang chopsuey ay pansit bihon na walang bihon.

7. I CAN SEE CLEARLY NOW. sabi sa dictionary, ang foresight daw ay “the ability to judge correctly what is going to happen in the future and plan your actions based on this knowledge”. doon sa problema natin sa pancit bihon sa itaas, yung taong may foresight ay parating may nakahandang bihon dahil alam niya na ang boss niya ay mahilig sa pansit. sipsip din ang tawag doon sa taong iyon, pero that’s another story.

57 thoughts on “There’s room at the top they are telling you still, But first you must learn how to smile as you kill

  1. Or chicken soup without chicken? hehehe…

    Di mo na talaga maalis yang pagka-komikero mo. Seryoso nga ang topic, kwela pa rin ang eksampol. Which isn’t saying this post was any less effective.

    Galing, mylab! Labyu! ๐Ÿ™‚

  2. kudos sa iyo batyjay!!! nice blog … funny but very informative… gawin ko nga yan payo mo sa next interview ko ….

  3. hello mylabopmayn.

    kamusta ka na? buti naman nagustuhan mo ang post na ito ngayon. di ko nga sigurado kanina kung ilalagay ko pa rito kasi baga boring lang at hindi pagkainteresan. pero ng mag comment ka ng positive eh nag decide na ako na iwan dito.

    sana ok ka lang diyan sa malamig na lugar. ingat na lang sa iyo.

    lab U!

  4. Nakakatawa talaga ito ๐Ÿ™‚

    Hmmm, magamit nga ang #1, #2, at #6 the next time when I conduct a job interview, para lang gumaan ang loob ng interviewee. Kung mapatawa siya and he lets his guard down, mas candid ang mga sagot niya sa mga susunod na tanong, I think.

    One time I’d like to read your stories about being a project engineer.

  5. hey paul. may up-coming ka bang interview? you should also try Q#3 – pop quiz extraordinaire yon. but 1 and 2 are ok to break the ice. especially if you’re interviewing a lawyer. hehe. naimagine ko lang nag reaction nila. siguro mayrong “is this for real” look.

    i have a ton of stories. 13 years worth of projects all over the philippines with the best people. i kind of miss it but it was hard work for all of us. i owe our house to those 13 years, 8 of which was used to earn enough money to but it.

  6. ako naman ganito sagot ko pag ako tinanong.

    so what do you think are your strengths ?
    answer: i can lift a 60 pounder male Caucasian and throw him out of the window in case of fire…
    I can break the copier/fax without twitching a single muscle. i am diet soda drinker, you know…

    aray binatukan din ako. bwakanangina kasi ito si jay, nakakahawa.bait bait ko.

  7. alam mo, kahit patawa ang dating ng mga nasambit sa itaas e tama lahat at may katuturan. kaya nga best Philippines sa blog si Jaybat.

    Seryoso….magpatawa. At nakakatawa kapag seryoso.

  8. “Seryoso magpatawa. Nakakatawa kapag seryoso” – ang galing ka junnie. parang palindrome. “the measure of love is to love without measure”, yan naman ang sabi ng kaibigan kong pareng bading. oo nga pala – master daw tawag sa iyo ni christine dahil ang galing mo raw na manager. Hehehe.

  9. Hi g. wazzup?

    a brat is called “pilyo”. sometimes it’s called “sutil” – e.g. “you’re so pilyo” or you’re so sutil” would be the proper way to say it. hehehe. ayan, tinuruan ulit kita ng tagalog. you can use that when you send email to our egroup friends.

    when you see your boss trip and fall down, common sense is not to ask them “nasaktan ka ba?”

  10. Alam mo, tama ka. At alam mo kung anong malungkot? Maraming hindi papasa diyan sa qualifications na ‘yan. Kakapanood ko lang ng isang TV news special nung isang gabi tungkol sa mga fresh grads at nakakalungkot. Marami sa kanila ang gusto talagang magtrabaho pero hindi sila competent. Ewan ko ba. Education ba ang may kasalanan o ang kakulangan ng drive sa mga bagets na ito? It’s a chicken and egg story so ayun, debatable but interesting to discuss.

  11. Naku ah, hindi ko nga naisip na ang chopsuey ay pancit bihon na walang bihon. Wat das dat mean? Na wala akong common sense? O initiative ba iyan?

    PS: Kung tinanong ako ng #3, sasabihin ko na iiwanan ko si Ara Mina kasi kung siya’y aking sasagipin, malulunod lang kami (kasi mabigat ang kanyang…alam mo na).

  12. baka maraming nag shortcut toni. mahirap nga – napansin ko rin in a lot of new grads that the basic skills are not there. pero hindi naman lahat. if you look hard enough, there are pretty competent pinoys who rise up to the challenge.

    problema natin ay yung collective competency. how do our citizens rate collectively, as far as competency is concerned with the rest of the world. sa tingin ko ay bumaba na at kailangan mag kick butt para bumalik tayo sa dati nating position sa mundo.

  13. hi Santa Gigi.

    mabigat ang kanyang killer thighs?

    may pansitan na malapit sa lumang bahay namin sa novaliches. they cook 2 dishes and 2 dishes only… pansit and chop suey. pag sinabi mong pansit, lalagyan nila ng noodles yung rekado (veggies, chicken internal organs, sauce, etc). pag sinabi mong chop suey, rekado lang ang ibibgay nila sa iyo.

  14. Super kakatawa to. By far one of your best entries. Salamat sa mga tips. Gagamitin ko ito sa mga interviews. Sisiguraduhin ko lang na hindi ako tatawa. Keep it up, boss batjay

  15. mi gawd! ‘kala ko pa naman, for the first time in your life nagpakaseryoso ka na…lol!

    anyway, thanks for the conseils!

  16. g’day mavic. musta na sa bayan ng mga croissant. hehehehe… seryoso naman ang topic ako ah. at saka informative naman ah. hehe. thanks for dropping by. hanggang sa muli.

  17. hehehe… oo nga naman. teamwork. hmm. perhaps in a future blog. kamusta na diyan sa europa? panaginip ko one day to backpack with my wife over your part of the world.

  18. Bwahaha!!! Ayos to ah, timing na timing… kasi netong mga nakaraang araw eh puro interview ko. hehe!!! What a coincidence!! kasi kakapost ko lang sa blog ko nung tinanong sa kin ng interviewer ko. Parang ganyan din, tanong nya sakin bakit daw bilog ang hugis ng manhole? kaya napaisip ako dun eh!

  19. bakit daw bilog ang takip ng manhole? wala namang ka challenge challenge yon – kaya bilog ang takip ng manhole aya para pag may nahulog eh dire diretso sa ilalim. hehehe. at pag sinara yung takip eh hindi siya sasama doon sa nahulog na tao kasi yung diameter ng circle is constant troughout. ergo – kahit anong gawin mo hindi mahuhulog yung takip doon sa manhole.

    hehehe. salamat sa pagdalaw. i hope you get the job you applied for.

  20. hehehe… simple lang kasi this is a question na pang engineer. isa rin yan sa mga tinatanong sa mga job interview kaya sa school pa lang, ginagawa na itong example sa mga pop quiz.

    kaya pag tinanong mo ito sa isang engineer at hindi niya nasagot. be afraid. be very afraid.

  21. hahaha! Tama si Jet, seryoso na ang topic nakuha mo pa ring mag biro. Yung initiative puede rin sigurong masabi ding ‘resourcefulness’? I must say very informative ito, Jay. At dahil hinaluan mo ng nakakatawa mas mag-i-stick sa isip namin ito. Dibadibadiba?

  22. Ate Celia!

    yung resourcefulness eh primary na katangian ng mga graduate sa ating alma mater. sabi nila 2 klaseng tao lang ang nakakapasa roon. yung matalino at yung maabilidad. yung abilidad ang resourcefulness. minsan mas importante pa ito sa talino. hehehe. oo na, mas mag-i-istick sa isip ninyo pag infused ng humor ang lecture.

  23. Probably one of the best entries here. Totoo yung 2 types ng students sa former school natin, yung henyo at maabilidad. Mostly, yung mga maabilidad ang matataas ang common sense at malakas mag-take ng risks. ‘pag henyo ka, malakas naman ang foresight mo. May naka-trabaho nga akong genius talaga, as in sumasali/nananalo sa battle of the brains, pero walang diskarte sa trabaho.

  24. salamat sa pag comment mo ulit robbie. oo nga tama ka, di basta genius eh may alam na agad sa buhay. mas importante ang common sense at diskarte sa pag unlad. at saka siyempre kaunting swerte at mabait na asawa.

  25. hi yasmin. tuloy na tuloy ka na rito? ako rin di ko napagdugtong yung pansit at chop suey connection until nakita ko sa pansitan. if you look at the rekado of pansit bihon or pansit canton, it is virtually chop suey.

  26. super cool! galing ng details. maalala ko tuloy, lahat ng sweldo ko sa OJT, naubos sa inuman dahil sa initiation to the real world, obligatory daw yun sabi ng mga bosing ko. kasi since girl daw ako, i have to know my limits ;).

    speaking of matalino vs maabilidad, kainis minsan yung mga katrabaho ko, puro sila discussion, tagal tuloy bago maimplement ang project, minsan i just butt in and tell them ‘na-try ko na yan, di rin nagwork!’ hehe

  27. hi analyse.

    ikaw nagpapainom sa mga boss mo? bwakangnangmgayon ah! hehehe. bakit ka ginugulangan? sana sinabihan mo ng “gusto nyo lang yata na magpalibre eh?”

    ang isang qualification ng team leader (project manager or whatever you call him) is that he should have the ability to steer the discussion in the right direction para mabilis maalis ang BS sa mga meeting.

  28. e kasi naman po, we (together with my co-OJTs) were always lasheng every weekend sa tinagal ng duration ng OJT, so nakakahiya namang iwanan sila ng di lasing hehe..

  29. hay naku. wag nang sagipin si ara mina. lulutang syang kusa. ๐Ÿ™‚

    kakaaliw yung mga bundok. at natuwa naman ako sa sarili ko na alam ko na ang chop suey ay pansit na walang bihon.

    parang arrozcaldo yan eh. palitan mo lang yung malagkit ng sayote at dahon ng sili, tinola na.

    keep it up batjay!

  30. lagi ako nagagawi dito pero ngayon lang ako magpo- post.galing kasi ng mga tips mo.sana masalubong kita sa orchard at makapag pa otograp naman.

  31. kamusta diego.

    sana nga magkita tayo one of these days sa orchard road. parati naman ako roon. laman ako parati ng comics section ng takashimaya. paminsan minsan ay nagpupunta ng lucky plaza para bumili ng suka at toyo. pag nakita mo ako, kilitiin mo lang ako para makaututang dila man lang kahit sandali.

    buti naman at nagustuhan mo ang mga ttips. yan ay galing sa tunay na buhay na experience ko sa kabundukan.

  32. hi jessie.

    hehehehe. arrozcaldong walang malagkit na may sayote at dahon ng sili ay tinola. oo nga naman. ayos. may natutunan ako sa iyo.

    matagal kasi ako sa bundok eh kaya ang dami kong kwentong bundok.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.