Adam lived were nine hundred and thirty years

progressive ako sa paniniwala ko tungkol sa science at religion. first of all, disciple ako ni darwin at matindi ang pananampalataya ko sa evolution. hindi ako naniniwala na 5000 years old lang ang mundo natin at hindi rin ako naniniwala na true story ang kwento tungkol kay adam at eve. nung bata ako, parati kong naiisip na kung tutuo talaga ang kwento nila, saan galing yung gagang napangasawa ni cain?

pero kahit naman medyo modern ang beliefs ko, old fashioned din naman ako sa mga ibang bagay – halimbawa, gusto ko ang music ni frank sinatra at ayoko nang walang buhok ang pekpek. sino ba kasing siraulong brazilian ang nagpauso nito?

Ang Dasal ng Taong Walang Diyos

panoorin ninyo ang “Sino Ako” – ang una kong music video.

dedicated para sa lahat ng mga tamad na sumulat sa akin at nag re-request ng lyrics at chords ng kantang ito na hindi ko napagbigyan dahil wala akong oras. bwakanginangyan, bumili na lang kasi kayo ng songhits sa national bookstore.

at siyempre para kay jet na parating naiiyak pag naririnig niya itong kinakanta ko.

I wonder as I wander out under the sky

isa sa mga benefit ng walang anak ang mobility. para sa amin ni jet, madaling makalipat from one place to another. kaya nga etong nakaraang 6 years, parati na lang kaming lipat ng lipat: from novaliches to antipolo, singapore to california. bawat lipat ay palaki ng palaki ang hakbang namin, palayo ng palayo sa pinanggalingan. siyempre, pangarap din naman namin na magkaroon ng final dwelling place one day. iba kasi ang may sariling tahanan – takbuhan mo ito pag gusto mong magpahinga. pag wala kang permanenteng address, vagabond pinoy ka na lang habang buhay, cursed to roam the earth for all eternity. uy, madramang salita yon.
Continue reading

I’m taking Viagra and drinking prune juice – I don’t know if I’m coming or going

dear unkyel batjay,

napanood ko po sa TV kahapon na masama raw po ang uminom ng viagra. ang sabi po kasi doon sa commercial ay ang isa po raw na side effect ng pag-inom ng viagra ay ang pagkakaroon ng prolonged erection na longer than 4 hours. umiinom po ako ng viagra kaya natatakot po ako. ano po ba ang gagawin ko kung magkaroon ako ng erection na tumagal ng mahigit sa apat na oras?

nagmamahal,
gentle reader


Continue reading

An apology for the devil

dear unkyel batjay,

ano po ba ang masasabi ninyo na darating daw ang demonyo sa june 6, 2006 kasi po raw ay “666” ang date na ito? di ba yung “666” ang marka ng demonyo?

nagmamahal,
gentle reader


Continue reading

PROPHYLACTIC BLUES

dear unkyel batjay,

sa catholic church po, di po ba kasalanan sa diyos ang pag gamit ng condom bilang contraceptive kasi pinipigil nito ang natural na pagbubunitis. eto po ngayon ang tanong ko: kasalanan pa rin po ba sa diyos kung gumamit ako ng condom na butas?

maraming salamat po,
gentle reader


Continue reading

TOO MUCH HEAVEN ON THEIR MINDS

wala kaming holiday dito sa california pag holy week at kahit biyernes santo ay may pasok kami. sayang nga, gusto ko pa naman sanang magpa-pako sa krus sa gitna ng hollywood boulevard. iniisip ko nga ang dahilan kung bakit hindi holiday dito kahit man lang good friday – siguro dahil puro mga pagans kami rito. oo raw, sabi ng isang kaopisina kong based sa houston. inis na inis dahil nasa california siya during holy week for some meetings. sa texas kasi, holiday ang good friday.
Continue reading

ANG UNANG LETRA’Y ASUNSYON

nung nagbibinita ako, around this time of the year parati kaming sumasali sa pagkanta ng pasyon. kadalasan nagsisimula ito ng holy thursday at pipiliting tapusin ng bago mag easter sunday. pag inaantok nga kami sa madaling araw ay iniiba namin ang tono ng kanta. ang paborito ko ay yung refrain na ginagawa naming medyo upbeat. subukan ninyo itong kantahin to the tune of “electric dreams” and you’ll know what i mean. ang hirap kasi sa style ng pasyon eh kontra ito sa lahat ng mga natutunan mo sa pagkanta ng tamang paraan. yung mga hindi nga sanay na makarinig sa kanta ng pasyon eh akala nila ay nakakarinig sila ng ginagahasang kambing.
Continue reading