ESSENCE OF FISH

last entry ko na ito tungkol sa aking ruptured appendix. nagsasawa na ako sa kakakwento eh. pakiramdam ko para akong si eric quizon doon sa “crying ladies” nung paulit ulit niyang kinukwento kung paano namatay ang tatay niya. hehe… oo na. bakya ako, tulad ni AnP. idol ko kasi si hilda koronel simula nang mapanood ko siya sa “kung magarap ka’t magising“, ang aking all time peborit pinoy film. nakakatawa nga si hilda sa crying ladies bilang isang ex-actress whose claim to fame eh isa siya sa mga inapakan ng mga higante sa pelikulang “darna and the giants“. teka muna, asan na ba ako? nawala na… ah. last entry tungkol sa ruptured appendix. ok, tuloy ang kwento.

Continue reading

WHATEVER FATE DECREES

CLICK TO ENLARGE. ngayon ang 13th anniversary ng kasal namin ni jet. ang bilis talaga ng panahon, parang kailang lang nagsisimula lang kami. isa sa mga paborito kong kanta ni john lennon ang “grow old with me“. simple lang ito na love song at ang unang dalawang linya ay galing sa tula ni robert browning na “rabbi ben ezra“. bakit ko ba ito nabanggit? nagsesenti lang ako. ngayon kasi ang 13th anniversary ng kasal namin ni jet. ang tagal na nga pala namin ano? almost double the seven year itch. pero parang kailan lang. nagsimula kami, supot pa ako pareho kaming struggling na college graduates at pilit na pinapagkasya ang maliit na kita. ngayon, nakabili na kami ng sariling bahay (pulipeyd!) at saka tuli na ako.

Continue reading

DALAGA NA SILA, LOLO NA AKO

ang aking mga pamangking dalaga kasama ang kanilang papa. from left to right: my nieces atty. sara and kim, brother-in-law rene, other neice paola. ang aking mga pamangkin kasama ang kanilang papa. from left to right: my nieces atty. sara and kim, brother-in-law rene, other niece paola. sayang at di nga nakasama ang kapatid nilang si angel. mukhang nag enjoy naman sila rito kahit mainit. nag blend nga sila sa crowd dahil mukha silang mga intsik mga magagandang intsik (pinapatay kasi ang mga pangit sa pamilya namin). masarap daw ang pagkain. pinatikim ko nga sila ng curry fish head…. “ay sheeet tito batjay, it’s so masarap” ang sabi nila. hehe.

sabi ni ate sassy lawyer, ang tanda ko na raw dahil puro dalaga nang mga pamangkin ko. hehe. di niya alam may mga apo na ako (sina tj at az, anak ng mga pamangkin kong sina donna at david). dahil maagang nag-landi nag-asawa ang ate kong si gigi at late na akong ipinanganak, mayron pa nga akong nephew (si denden) who is older than me by 4 months. bunso kasi ako at menopause baby pa. my mom had me when she was 42… yes viginia, i was an afterthought (at muntik nang di ipanganak).

TO VIEW THE WEB ALBUM OF MY MAGAGANDANG PAMANGKIN – click here

MOMMY AND HER PRODIGAL DAUGHTER

kuha naming dalawa ng mommy ko sa sentosa last friday. mukhang di nga napagod ang mommy ko. isang linggo na naming nilalakad ang mga attractions sa singapore eh parang ako pa nga ang nanlata in the end. at least, naipasyal namin siya rito at nag enjoy ng husto. kuha naming dalawa ng mommy ko sa sentosa last friday. mukhang di nga napagod ang mommy ko. isang linggo na naming nilalakad ang mga attractions sa singapore eh parang ako pa nga ang nanlata in the end. kahit pagod ako ngayon ay OK lang. at least, naipasyal namin siya rito at nag enjoy ng husto. sa almost 80 years ng kanyang existence, eto ang first time ng mommy ko na mag travel abroad. ang pinaka bukang bibig niya ay ang total absence ng pag intindi niya sa family home namin sa novaliches. sa isang linggong bakasyon niya rito, wala siyang ginawa kundi kumain, mamasyal at matulog.

as icing to the already tasty cake, tumawag pa ang sister kong si ester from florida. she and her husband randy have my other niece donna as their guest for easter at tumawag sila ng madaling araw kanina (next time aga-agahan niyo ha! napuyat ako hehehe.) for one reason or another, ang ate kong si ester ay matagal na naming di nakakausap. gaano katagal? taon ang binilang. almost 8 years to be exact. and it brought great joy to my mom na makausap niya ang kanyang prodigal daughter whom she hasn’t seen in ages. nagkaiyakan pa nga sila. thank you dear big sister for calling us up.

TO VIEW THE WEB ALBUM OF MOM’s SINGAPORE VACATION – click here

I READ THE NEWS TODAY, OH BOY

narito na sa singapore ang mommy ko. she arrived yesterday with my sister emy, her husband rene and their daughter paola. my other nieces kim and sarah will plane in today from manila. i’ll try to post some pics before the weekend. in the meantime, kwento lang muna ako about my mom. here goes:

ang mommy ko ay 79 years old (turning 80 next month). nag-asawa sila ng daddy ko when she was 17. ak-shu-ly, nagtanan nga sila sakay sa trambia. eto yung LRT nung unang panahon. nabuntis siya with her firstborn gigi during the war. she doesn’t talk about it much these days pero alam ko, nahirapan sila during the japanese occupation. all in all, anim kaming magkapatid na inalaagaan niya. ako ang bunso. ang baby. ang peborit.


IN OTHER NEWS…for the first time this year, i’ve got my first non-travel related cellphone SMS spam. gardemet. the text message says “HOME FACIAL, BODY OR FOOT MASSAGE AT $20! STRICLY FOR WOMEN ONLY”. dang.

STILL OTHER NEWS…happy birthday to ate sienna, our good friend from west covina and the chief cook of the pansitan blogging community. ninang, sana maligaya na bati pa ang bertday mo!
Continue reading

GOVERNMENT SPONSORED LONELY HEARTS CLUB

maraming mga matchmaking associations dito sa singapore na tinayo ng gobyerno. ang silbe sa buhay ng mga grupong ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga walang asawang singaporean na makapag interact sa isa’t-isa, at hopefully, to mate. tingnan nyo na lang ito na parang “captive breeding program” to propagate the species. isa pa rin ito sa mga programa ng gobyerno para dumami ang tao sa singapore.

puro trabaho kasi ang inaatupag eh, di na tuloy tinitigasan. ang ibig kong sabihin, masyado silang busy at wala nang time for romance.

NEW LAYOUT

maraming salamat sa ninang kong si ate sienna, ang chief cook ng “Pansitan.net – Ang Tambayan ng Bayan”. ang bagong layout na ito ay nagmaterialize through her manilena web designs. ang galing galing galing mo talaga ninang.

ang ganda ng caricature ni jet ano po? siyempre ang guwapo ko rin. sa mga di nakakakilala sa akin, ako yung mukhang aso sa may upper left ng screen. yung katabi ni jet sa caricature ay ang kapatid na bunso ni tom cruise.

maraming salamat din kay boss idol dengcoy miel for the cartoon. siya ang kaibigan naming pinoy na world class artist who works for the singapore straits times.

THE MEASURE OF LOVE IS TO LOVE WITHOUT MEASURE

you know it’s time to get married when… umutot ka nang pagka bahu-baho sa harap ng boyfriend mo at di man lang siya natinag. ni di man lang nag takip ng ilong at buong buo niyang tinanggap ang amoy.

that’s love baby – the unconditional kind. kalimutan nyo na yung mga sinumpa sa inyong “susungkitin ko ang mga bituin para sa iyo” and all that crap. pag pumasa siya sa ultimate test na ito, pakasalan nyo na agad. siguradong di kayo iiwan ng mga iyan.

SI TJ, TAKOT SA LAS PINAS

eto si tj, anak ni donna na anak ni gigi na anak ng mommy ko. ang kyut kong apo ay maraming mga eccentricities na endearing. una takot siya sa kotseng dilaw at ikalawa ayaw niyang pumunta sa las pinas
eto si tj, anak ng anak ng anak ng mommy ko. pag nasa pilipinas kami at dadalaw, umaga pa lang, naka abang na siya sa gate para sa aming pagdating. naalala ko siya dahil napag-usapan ang mga unforgettable childhood traumatic memories. etong si tj ay may mga peculiar na mga eccentricities na altough endearing ay galing sa mga masamang nangyari sa kanya nung mas bata pa siya.

si tj ay may phobia sa mga yellow na kotse. kahit anong gawin mo, di mo siya mapapasakay sa mga dilaw na sasakyan, kasi nung 2 years old siya, na suka siya sa loob ng isang taxi. hindi mo rin siya mapapapunta sa las pinas. dito kasi papunta yung dilaw na taxi nung masuka siya. ngayon nga, pag gusto mo siyang maiwan sa bahay, sasabihin mo lang sa kanya: “i’m going to las pinas“. gaano ka traumatic yung experience na ito sa kanya? very. pag pinakwento mo sa kanya ang buong “yellow taxi” experience niya, bibigyan ka nya ng “blow by blow” account ng buong pangyayari, down to the smallest details. ngayon nga pag pupunta sila sa sm: “mama, you get me a white cab ok. no yellow taxis ever again.”

ANONG GAGAWIN SA $10 MILYON

ngayon ang bola ng lotto (or toto) dito sa singapore. pinag-uusapan nga ito sa lahat ng mga coffee shops at opisina dahil ang premyo ay 10 million dollars. tumaya nga kami ng mga ka-opisina ko. ang lotto rito ay pitong numero. eh pito rin kami sa opis kaya tig-isa kaming number. ang aming taya: 05, 08, 09, 12, 13, 22, 26… i cross my fingers and legs, sana manalo kami. magkano ba ang tatamaan ko? eto ang computation: 10 million dibaydibay 7 equals 1.43 million dollars, equivalent to 47 million pesoses. PACKINGSHEET!

pag nanalo ako, kukuha ako rito ng tatlong domestic helper. isang intsik, isang malay at isang bumbay. ang itatawag ko sa kanilang tatlo ay “MARIA” (as in mariang-palad?). papahirapan ko sila ng husto. bukod sa regular na pag asikaso nila sa bahay: yung bumbay, taga pedicure/manicure ko. yung malay, taga hugas ng aking pwet. yung intsik ang magpapaligo sa akin.

tapos, tuwing linggo iimbitahin ko ang lahat ng mga kababayan natin dito na mga DH. papupuntahin ko sa bahay para pagsilbihan ng tatlong kumag kong katulong na mariang intsik-bumbay-malay. ok na siguro ito bilang pang ganti sa mga tao ritong mababa ang tingin sa mga pinoy.