ang buwan ng mayo ang isa sa pinakamasaya sa amin sa novaliches nung bata ako. summer vacation kasi at nakakapaglaro kami sa labas hanggang late at night. fiesta rin sa amin sa barrio talipapa at taon-taon na lang ay mayroong dumadayo sa amin na perya. bukod sa mga regular rides ay maraming mga tents kung saan makikita ang iba’t ibang freak show – may taong pagong, babaing pinaglihi sa octopus, mga duwende at kung ano ano pa. pero ang pinakasikat doon sa mga attractions ay si “ANIWAY, ang taong bundok”. mukha talaga itong wild man dahil naka damit tarzan, balbas sarado at mayroong kadena sa kanyang leeg para hindi makawala. gabi-gabi na lang ay nagbabayad kami ng 25 centavos para mapanood namin siyang sumigaw, umakyat sa poste na parang unggoy at ang finale niya na pinakahihintay ng lahat – kumakain siya ng buhay na manok. takot na takot nga kami sa kanya dahil akala namin ay talagang wild man from the jungle siya. sino ba naman kasing normal na tao ang kakain ng manok na buhay?
Continue reading
Category Archives: PHILIPPINES
All happiness depends on a leisurely breakfast
eight months na pala kami rito sa america. ang bilis talaga ng panahon – parang kahapon lang ay umalis ako sa apartment namin para sunduin si jet sa hospital. teka muna – sinundo ko naman talaga si jet kahapon sa hospital. ngyehehe. pakiramdam ko kasi, parang naka assimilate na kami kahit papaano. ang isang indicator ko ay pagkain. kapag nakakain mo na ang mga kinakain ng mga native, para ka na ring native. parang nung nasa singapore kami, the moment na nagustuhan na namin ang laksa, prata at fish head curry was the moment we became integrated into the country. para kasi itong balut at burong talangka – acquired taste na sooner or later you’ll learn to love (or hate forever). dito sa america, ang cereal siguro ang pagkaing hindi ko akalain na magugustuhan. sino ba namang gago kasi ang nakaisip na gawing breakfast ang rice and wheat flakes na binabad sa gatas? pero aaminin ko, nagustuhan ko na rin ito pagtagal. magaan lang kasi sa tiyan, healthy pa.
pero paminsan minsan napapanaginipan ko na rin na kumakain ako ng aking paboritong breakfast: garlic rice, longganisang lucban na sinawsaw sa sukang iloko na may siling labuyo, crispy daing na espada, dalawang sunny side eggs na pinatakan ng tabasco, hot pandesal na may palamang kesong puti at liver spread. kahit papaano, sa kailaliman ng aking bituka eh pinoy pa rin ako siyempre.
And ev’ry stranger’s face I see
dear mommy,
merry christmas po sa inyo. by this time siguro papunta ka kayong lahat sa tagaytay para sa annual christmas party ng pamilya. first time namin na mami miss ito ni jet in 5 years. medyo nakakalungkot nga pero ano bang magagawa natin – kailangan kumayod para may pambili ng hopia.
sana next christmas ay magkakasama ulit tayong lahat.
kagabi, nanaginip ako na kumukuha raw ako ng dalawang hershey bar sa vending machine sa opisina namin. weird nga eh – hindi ko po alam kung mayroon itong connection sa pasko pero gusto ko lang ikuwento. actually, ok naman po ang christmas weekend namin. parang nasa pilipinas rin kami kasi mga kabayan din ang kasama namin. ang sarap panoorin kung paano mag celebrate ang mga pinoy ng holidays sa ibang bansa. pakiramdam ko, we miss home so much na pilit naming mga overseas pinoy na ipagdiwang ang pasko na parang nasa pilipinas din kami. it’s heroic in a way and i love it.
tuloy po muna kami mommy. punta kami ng san diego ni jet at doon makikipag pasko sa iba nating mga kamag-anak. ingat po kayo diyan at kamusta na lang sa lahat.
nagmamahal,
jay
pakinggan ang PODCAST ng Dear Mommy Letter
“I do think the patriotic thing to do is to critique my country. How else do you make a country better but by pointing out its flaws?” – Bill Maher
kung wala rin kayong magawa ngayon, atsaka na lang kayo mangulangot – pakinggan ninyo na lang ang ginawa kong chipmunk version ng “panatang makabayan“.
para sa mga tulad kong lumaki nung 1970’s, ang panatang makabayan ay nakaukit nang permanente sa kukote mo dahil binibigkas ito during every flag ceremony. it’s funny how much silly crap you retain in your long term memory samantalang yung mga importanteng dapat mong matandaan eh hindi mo halos maalala.
ang isang nakakainis pag ganitong papasok na ng 40 years old eh nagiging makakalimutin ka na. ni hindi ko na nga matandaan ang cell phone number ko. nakakahiya nga kasi pag may nagtatanong ng number, kailangan ko pang silipin ito bago ko maibigay. pero ang panatang makabayan? lyrics ng bagong lipunan song? student number ko nung college? i can probably recite these in my sleep.
There’s a battle outside and it is ragin’
mayroong isang grupo ng mga magugulang (ie, medyo mas matanda na kaysa mga bagets – inaderwords, mga 30 to 40 something) na bloggers na gumawa ng isang blogging community. para saan ba ito? wala lang. mahilig kasi ang mga members sa tsismis at isa itong paraan para makipagkwentuhan sa isa’t isa. ang pangalan ng group ay “The Rebels Without Because“. member ako rito at ang topic namin ngayon ay: “ano ang gagawin mo kung ikaw ang presidente ng pilipinas”. kung may oras kayo, dumayo naman kayo sa BLOGKADAHAN.COM para basahin ang mga posts ng mga siraulong katulad ko. toka ko ngayon at heto ang aking entry:
kung ako ang presidente ng pilipinas…
If you’re going to tell people the truth, be funny or they’ll kill you
dear unkyel batjay, two weeks ka na pala diyan sa maynila. gusto kong malaman kung ano ang feedback mo tungkol sa pilipinas. in terms of the political atmosphere and the current economic condition. what do you think about the volatile events happenning in manila? do you think that the opposition will have enough clout to take the presidency from mrs arroyo? i am interested in finding out your opinion because i know that you are very intelligent. at pahabol – ang ganda nga pala ng mga bulaklak mo, lalo na yung lavender na gumamela. yun lang!
dear gentle reader, hindi lang intelligent – pogi pa. bwahaha. thank you – maganda talaga ang mga bulaklak ko ngayon. hayan ang sample. napakalalim naman ng mga katanungan mo. pilitin nating sagutin. una, may problema talaga sa pilipinas ngayon. hindi effective ang mga programa ng gobyerno dahil maraming corrupt. isa pa eh bagsak ang entertainment industry kaya maraming mga artista ang sumasali sa politika. tapos, mayron din namang mga nasa politika na sa pagaakalang sila rin ay pogi eh gusto namang mag artista. heto pa ang isa kong napansin: nakaka aliw ang mga commercial sa TV. karamihan rito ay tungkol sa shampoo na nakakapagtanggal ng balakubak. marami ring tungkol sa sabong panlaba. at ang isa siguro na kapuna puna dahil dito ko lang ito napapanood sa pilipinas eh maraming commercial ang tungkol sa gamot sa pagtatae. naghihintay na lang nga ako para sa paglabas ng “pantene with diatabs – ang shampoo para sa mga nagtatae”.
kung ako ang gagawa ng commercial, kukunin ko si kris aquino na model at ipapakita kong gumagamit siya ng shampoo habang nakaupo sa inodoro.
VOICE OVER: “kris, are you using pantene with diatabs again?”
KRIS: “keee-wreck!!!”
Remember in elementary school?
dito lang ata sa pilipinas pwedeng magbasa ng dyaryo habang nagmamaneho. ngyehehe. old bad habit ko ito nung dito pa kami nakatira. dahil sa packingsheet na traffic sa ortigas extension pag papasok ako from antipolo to work, i could actually finish reading entire articles bago gumalaw ang mga sasakyan. kanya kanyang pang aliw lang yan pag may traffic. alanangan naman na mag jakol ako. mas nakakahiya yon. ayoko naman mangulangot, kasi marami nang gumagawa niyan dito, lalo na ang mga driver ng mga truck. di ko alam kung bakit. siguro dahil salo nila lahat ng alikabok sa kalye at parating marumi ang mga ilong nila. but i digress… so, ayan nga dahil sa bad habit kong pagbabasa ng dyaryo habang nagmamaneho eh mainit ang ulo ko nang bumaba kanina dahil puro bad news sa pilipinas. puro calls for the president to step down. pati nga mga schools, involved na rin. ang sabi ng de la salle university – “gloria resign”. ang sabi ng up law school – “gloria resign”. ang sabi ng ateneo law school – “gloria should not resign. ang sabi ng ust law school – “gloria should resign but not so soon”. ang sabi ng malayan colleges – “papalitan na namin ang pangalan ng mapua institute of technology”. ngek.
ang sabi naman ng spokesman ng low school of saint andrew fields (mababang paaralan ng san andres bukid). oo siya yung nasa picture. ang sabi niya eh – “bwakanginanamanyan. mga ulul, pati ba naman kayo sumasali pa sa circus. don’t get into the current political shit and just be schools”.
You have a talent for causing things pain!
last saturday, nagpunta ako sa dentista before the blogkadahan party. sa pilipinas na lang ako nagpapadentista ngayon kasi the last time akong nagpapasta sa singapore eh ginawang sabitan ng drill nung dentista ang bibig ko. asar na asar ako at muntik ko nang sapakin. takot lang ako at baka ilipat niya lahat ng bagang na ngipin ko sa harap at magmukha akong kalabaw. hehehe. simula non, sa pilipinas na lang kung saan magaan ang mga kamay ng mga dentista – pwede mo pang tawaran. kaya lang tatawad ka sa huli na at baka magtipid ang lekat at hindi ka lagyan ng anesthesia. mahirap yon, lalo na pag gagawan ka ng root canal.
ALMA MATER THE SONG OF THE BUILDER
madugo ang friday ko. gising ng 6 am at diretso sa airport after spending a night drinking with former buddies in cebu until 3 am. ok naman ang flight from cebu to manila. kasabay pa namin sa airport ang alaska basketball team – kita ko na naman si jojo lastimosa. hehehe. ay oo nga pala, may minor delay na naman. mayron daw on-board navigational intrumentation na ayaw gumana. isip-isip ko nga kung magloko kaya ang navigation intruments ng eroplano, maliligaw kaya ang pilot? hemingway, i still had a meeting in manila na naka schedule ng friday evening. so, to waste time nagpunta ako sa malayan colleges dati kong alma mater para kumuha ng transcript of records. nakakatawa nga ang exchange namin ng pleasantries sa mga taga roon sa school.
MAYROONG HIMALA!!!
LUNES ng umaga. nasa POEA office para kumuha ng exit permit at pinagmamasdan ang isang kilometrong pila na malapit nang tayuan…
BATJAY: malapit na ako sa counter ng POEA, kung may diyos – sana naman ay pag dating ko sa harap ay may makakilala sa akin na empleyado na maawa sa akin at i-process ang exit permit ko. sige na naman po bathala… marami pa akong gagawin sa trabaho at ayokong tumayo at mangulangot sa isang kilometrong haba na pila. please, please, pretty please. ayan na nasa counter na ako. o diyos ko, diyos ko, ito ba’y pagsubok mo…
POEA EMPLOYEE: Brother BATJAY – kilala ko po kayo! taga novaliches din po ako at parati ko kayong nakikita sa simbahan ng talipapa. kilala ko rin mommy mo! AAAY! ang pogi pogi mo pa rin kahit gurang ka na – akina yang application mo, ako nang bahala sa iyo.
BATJAY: MAYRONG HIMALAAAAA!
in less than 30 minutes ay na-process ko ang aking OFW exit permit. the shortest time ever na nangyari ito in 4 years. a good sign – sana swertehin ako ng husto dito sa bayang magiliw ngayong linggo. ang sarap talaga sa pilipinas. ang babait ng mga tao at parating silang nakangiti kahit mahirap ang buhay. i love to be back home.