BORN TO BE WILD

ang buwan ng mayo ang isa sa pinakamasaya sa amin sa novaliches nung bata ako. summer vacation kasi at nakakapaglaro kami sa labas hanggang late at night. fiesta rin sa amin sa barrio talipapa at taon-taon na lang ay mayroong dumadayo sa amin na perya. bukod sa mga regular rides ay maraming mga tents kung saan makikita ang iba’t ibang freak show – may taong pagong, babaing pinaglihi sa octopus, mga duwende at kung ano ano pa. pero ang pinakasikat doon sa mga attractions ay si “ANIWAY, ang taong bundok”. mukha talaga itong wild man dahil naka damit tarzan, balbas sarado at mayroong kadena sa kanyang leeg para hindi makawala. gabi-gabi na lang ay nagbabayad kami ng 25 centavos para mapanood namin siyang sumigaw, umakyat sa poste na parang unggoy at ang finale niya na pinakahihintay ng lahat – kumakain siya ng buhay na manok. takot na takot nga kami sa kanya dahil akala namin ay talagang wild man from the jungle siya. sino ba naman kasing normal na tao ang kakain ng manok na buhay?

isang araw bago mag start ang show ay nakita namin ng mga kalaro ko na lumabas si aniway sa perya. siyempre curious kami kaya sinundan namin hanggang sa nakarating siya sa tindahan ni tandang paputok (matanda kasi yung may-ari ng tindahan at pag bagong taon ay nagtitinda siya ng paputok kaya yon ang tawag namin sa kanya). anyway, nakita nga namin si aniway na pumunta sa tindahan at nagkatawanan kami nang bigla itong sumigaw ng – “PAGBILAN NGA PO NG PANDESAL!”

simula noon ay di na kami nanood ng show niya.

29 thoughts on “BORN TO BE WILD

  1. hahaha!! iba kasi pag bata,mas naniniwala tayo noon na totoo ang mga ganong palabas. kung napanood nyo yun sa ganitong, siguro inisip nyo lang na malaki pangangailangan nya. hehehe.

    nice one, chief! (may tumatawa kasi sayo ng bossing. chief nalang ako) 😀

  2. bosing,

    ayos to ah. nabokya si aniway nang dahil lang sa pan de sal.
    pareho pala tayong fan ng mga freakshow. ako rin, inaabanagan ko ang pagdating ng perya sa barrio namin tuwing june.

    napanood mo na ba ang carnivale sa HBO? tiyak magugustuhan mo yun kasi tungkol yun sa traveling circus eh.

    trip ko naman sa perya, tumaya sa ruleta. swerte ako noong bata ako eh. palagi akong nananalo. andami ko tuloy inuuwing batya, timba, tabo at pitsel, kasi yun ang mga premyo.

  3. gano kalaki yung buhay na manok na kinakain nya? may balahibo ba o dressed na? samin sa perya yun lang unanong sirena na kumakanta ng la isla bonita ang tinitingnan namin noon…

  4. Pakiramdam ko mylab, ang binabasa ko one of the more humurous chapters of Noli or Fili dahil sa mga imageries na prinesent mo from memories of your childhood… perya, buwan ng Mayo, si Aniway, si Tandang Paputok. It gives such a beautiful local color that stirs up such a hightened curiousity of the time and place. And like I said, so Rizal.

  5. san kayo sa talipapa? bakit parang di ko napapansin ang pyesta? sa may st. dominic kami, corner ng mindanao and quirino, sa may hbc…gusto mo na lang ng complete address ko? hahaha… heniwey ngayon ata wala nang perya. wala na kasing space.

  6. malapit din kami dun e. lagi nadadaanan ng nova-blum na jeep pag pauwi na ako galing notre sa may novaliches.lagi ko naalala yung trapik at baha sa may quirino hi-way…hayyy..those were d days…

  7. sa isang subdivision malapit sa st. dominic kami nakatira. ipagtanong mo na lang ako, sabay ilag.

    bata ka pa siguro. nung 1970’s, marami pang vacant lot in and around talipapa. wala pang parokya ng banal na sakramento kaya ang fiesta ay kasabay ng fiesta ng bagbag – which is easter sunday. all throughout the holy week until the end of may, may perya sa kanto ng talipapa every year.

  8. hi jop.

    siyempre nanonood ako ng carnivale. sa singapore pa lang pinapanood ko na ito. disappointed nga ako ng ma cancel ang series. mahina ata ang ratings at hindi maintindihan ng mga viewers sa north america ang story. sayang ano.

    dami ko ring napanalunan ng batya sa bingo.

  9. OO nga pala, speaking of perya – try to get a copy of “A Son of the Circus” ni John Irving. this is a story about a travelling circus in India.

    Basta, maganda ito at nakakatawa. Siyempre, idol ko si Irving – siya ang aking literary god.

    I’ve been to India many times at nakikita ko sa roadside ang mga perya nila. maraming similarities sa atin pero mas interesting ang sa kanila kasi maraming mga animals. yung mga freak show nila ay talagang freak show.

  10. hello mylab.

    may isang chapter nga sa fili tungkol sa perya. if i remember it right, eto yung chapter kung saan nakilala ng isang dancer na babae si padre camorra. dati ata niyang boypren.

    lab U!

  11. oo marami ring sirena doon sa perya namin sa talipapa. marami ring mga shokoy. sila yung mga bading na nagpapa andar ng ruleta at nagsasayaw ng halos naka hubo sa laruan ng bingo.

  12. nakikibasa lang po… new blogger, tsaka ngayon lang din nakakapagbukas ng internet… naligaw lang dito ng pumunta ako ng iblog2 conference…

    asteeg sana madami na din akong entry, san ba ako nun pumutok ito… hays cguro tumataya pa sa perya imbes na magonline =)

  13. i was a deprived child. never pa po ako nakapunta sa perya. naiinggit tuloy ako. gusto ko din makita yung sirena, kahit alam kong japeyk sha, hehe. meron pa kaya nun?

    btw unkyel batjay, salamat po at napadaan kayo sa humble blog ko. halos atakihin ako sa puso nang makita ko ang pangalan niyo. akala ng asawa ko nagco-convulsion ako bwehehe.

  14. ah, so you lived a cloistered life. strict ang parents, hindi kumakain ng street food, fishball, adidas, IUD, sa malamig at one day old chicken.

    the last time i was in a perya was in the late 90’s. fiesta sa isang bayan sa ilocos sur at imbitado kami.

  15. perya??wow samin sa probinsiya dami pa rin nian…btw bikolano ko…at tuwing fiesta season, this is from mar to aug nine mos after an daming baby…hehehe!!!kaya marami ang my bday sa skul ng dec to may din…hehehe…godbles.

  16. Hello! Gemmalyn Masaga po ito ng I Juander, GMA NewsTV. Naghahanap po kasi kami old school na peryahan para sa upcoming episode namin. Nabasa ko po itong blog ninyo tungkol sa isang perya na medyo traditional. Baka lang po p’wede ninyo kaming matulungang mahanap itong perya na ito pati si Aniway. Saan pong lugar ito matatagpuan? at fixed po ba itong nandoon or tuwing kailan po kaya ito tinatayo doon?

    Sana po’y matulungan n’yo kami. Marami pong salamat!

    -Gemmalyn Masanga

    • hi gemmalyn.

      ang peryahan ng aking kabataan ay nasa pagitan na lamang ng aking dalawang tenga. sadly, wala na akong nakikitang ganito sa pilipinas.

      dito sa california, marami pa ring mga county fair at doon ko binubuhay paminsan-minsan ang mga ala-ala ko.

      si aniway, matagal na siguro siyang nagpalit ng trabaho. hindi ako magtataka kung isa na siyang butcher sa palengke ng barrio talipapa.

      good luck sa iyong paghahanap.

      unkyel batjay

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.