isang taon at kalahati rin bago ulit kami nakauwi ni jet dito sa pilipinas. matagal tagal din pero parang walang nagbago. pag labas ko sa eroplano, may naghihintay pa rin na kombatsero band na tumutugtog nga mga pinoy folk songs sa mga bagong dating na balikbayan. yung isang guitarista pa nga ay bungi, bagay na lubos kong ikinagalak. pipila ka pa rin ng mahaba sa immigration kahit na may balikbayan fast lane. naroon pa rin ang maraming taong nag o-offer sa iyo ng taxi, libreng buhat ng bag na hindi naman libre. naroon pa rin ang mga bagong ligong mga asawa na naghihintay sa kanilang mga mister sa labas ng airport. siguro wala silang ibang naiisip kung hindi ang makapiling ang mga asawa nila dahil matagal tagal ding hindi sila nakapag sex. at siyempre, naroon malapit sa “letter D” ng arrival area naghihintay ang aking sundo. packingsheet, it’s so nice to be back home.
Continue reading →
Like this:
Like Loading...