ano ba kailangang gawin para mag improve ang memory?
napansin ko kasi, nahihirapan akong ma-retain ng mga bago kong natutunan. nag decline ito nang mag turn ako ng 40 years old. minsan nga nakakahiya dahil hindi ko maalala ang mga pangalan ng mga tao kahit araw-araw kaming nagkikita. ok lang sana sa pilipinas dahil kalabit, “hoy” at saka “pssst” ay ok nang pangtawag sa mga tao. pero dito sa amerika ay malaking problema dahil baka magulpi ka pa pag nangalabit ka na may kasama pang sitsit at “hoy”, tulad ng ginagawa ng maraming mga pinoy na kulang sa pansin.


