BABY BATJAY WARHOL




tandang tanda ko pa nung kinuha ang picture na ito. nakaupo ako under intense lights sa isang converted studio sa notre dame nung 1972. sabi ng phtographer sa akin, mag smile daw ako. eh ayoko – bata pa lang kasi ako, medyo suplado na’t sutil kahit maliit pa’t supot. kaya walang nagawa ang pobreng photographer kundi suklayin na lang ang buhok ko at kunan ang litrato. it’s funny how much detail you remember on an almost insignificant event that happened 34 years ago.

during that period, sikat pa ang apollo program kaya pinangarap kong maging astronaut. gusto kong maging unang pinoy na makatungtong sa buwan. gusto ko ring sumakay ng rocket tulad nina gagarin at armstrong. iniisip ko na nga kung ano ang itatawag sa akin – kung ang americano ay astronaut, ang russian ay cosmonaut… ano ako, coconaut?

pero wala namang nangyari sa mga planong iniisip ko habang kinukunan ng photographer na pilit akong pinapangiti. suwerte yung mga taong natupad ang mga pinapangarap nila nung bata pa sila – dahil ako, hindi nag materialize ang plano ko dahil literally, suntok ito sa buwan. tapos nalaman ko pa later on na color blind pala ako. wala talagang pag-asa kahit maging piloto man lang.

ITUTULOY SA NEXT ENTRY

16 thoughts on “BABY BATJAY WARHOL

  1. not exactly the Warholian principle of your 15 mins. of fame siguro, ano?

    MAs maganda ka pa kay MAriliyn Monroe bosing. And I’m not even gay. hahaha

    Happy Birthday, sir!!!!

  2. hi sir! my second time to comment dito sa blog mo.

    fortunately or unfortunately for me, di rin natupad ang childhood ambition ko – to become a lady general in the AFP (armed forces of the philippines). having lived 8 yrs of my life inside the camp and since both of my parents are AFP personnels, naging sobrang gusto ko maging sundalo and eventually become the first lady general of my family. however, when i was in 1st yr highschool, my tita gave me a very cute labrador which started my love for dogs. from then on, dumami ang aking mga aso at tuwing may nagkakasakit or namamatay, wala ako ginawa kundi umiyak ng umiyak. so feeling helpless, i told myself that i’m going to be a veterinarian para ako mismo gagamot sa mga aso ko. but my dad objected and i still remember his exact words then “kung ang tao namamatay na lang na hindi nagagamot ng doctor dahil walang pera, uunahin pa ba naman nila mga aso nila?” hmm, isip isip ko, totoo nga walang pera sa pagiging vet-med kaya di ko rin kinuha yun. now that i am matured enough, i realized na madami magandang opportunities abroad ang vet-meds.di lang pala sa aso ang buhay nila kundi pati na rin sa tupa, kalabaw at kung ano ano pa 🙂 he he he

    anyway, i ended up taking accountancy in college. was able to practice my profession for 3 yrs afterwhich, i transferred to the sales department. no regrets, i am now enjoying my work not to mention the commisions i get everytime i hit my target.

    kelan bday mo kuyang? mine is tomorrow, so happy bday to both of us.

    btw, i bought 10 more KT books which i gave as xmas gifts to my close friends.

    have a happy holidays& regards to your wife.

  3. hi alma.

    ngayon ang birthday ko kaya happy birthday to me rin tulad ng pagbati ko ng happy birthday to you para bukas.

    AFP brat ka rin pala – ang family nina jet ay puro mga AFP. in fact, dalawang auntie niya ay mga full colonels. yung dalawa niyang kapatid ay former AFP rin. buti naman at maganda ang naging career mo. not many people can say that.

    salamat nga pala sa binili mong 10 books – i am overwhelmed. salamat, salamat.

    ingat.jay

  4. dahil di ka pa tuli noon, pwede ring SUPAUT, kung kalbo ka noon pwede PANAUT. yung mahilig sa kamote dapat UTAUT.

    Merry Christmas Batjay! kailan kaya ako makakakuha ng copy ng book mo. sa may Boston area kami.

  5. belated happy birthday po kuya batjay! wishing you more to come para mas madami ka pang mapaligayang tao..this is my first posting and I truly admire this site. anyway, have a wonderful Christmas and a bountiful New Year!!!

  6. natuwa naman ako sa picture mo!! talagang pati photographer e sinupladuhan mo! hehehe!

    happy birthday sayo kuya!! more blessings to come at lagi pa sana kayo i-guide ni Lord… ingat po!

  7. babati din ako he.he.he. happy birthday po.good health always!

    pinoy na astronaut?”hosponaut” tawag dun..bakit? kasi mga pinoy kilala sa pagiging hospitable.. 😛

  8. hi rho. thank you. graduation picture ko yan nung natapos ako ng kinder-prep sa notre dame. maraming salamat sa bati. pakabait ka. ingat, jay

    thanks allan. sige, next time tayo magkita sa conspiracy, sagot ko ang inom. basta san mig light lang sa akin.

    hi JFS. thank you very much sa pagpadala ng comment. sana di ka magsawa dumalaw. maraming salamat din sa bati mo. sana ay masaya rin ang pasko at bagong taon mo at ng inyong pamilya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.