the beast in me from batjay on Vimeo.
Category Archives: MUSIC
capital cities
smoke on the water
if you see her say hello
yung blood on the tracks ang isa sa mga paborito kong LP ni dylan. written with blood, sweat and tears, it’s the best break-up album of all time. listen to “if you see her. say hello” and you’ll understand why.
also watch californication season 1, episode 5. david duchovny explained it well.
the strypes
packingsheet, even i got as excited as letterman. the strypes rock.
rubber soul
tinanong ako ni mang boy kung gusto raw niyang madiskubre ang beatles, ano ang mga LP na pipiliin ko. sabi ko, magandang tanong yan. ang inirekumenda ko sa kanya ay ang mga sumusunod, not necessarily in order of greatness:
bad self portraits
lake street dive: ang bago kong paboritong banda. yung musika ng plaka nilang “bad self portraits” ang patutugtugin mo pag mag-isa kang nagmumuni sa kwarto mo pag sabado ng umaga, medyo malamig at umuulan ng malakas.
hey, you’ve got to hide your love away
isa sa mga paborito kong kanta ng beatles. sa pelikulang help, kinanta nila ito sa loob ng isang magarang bahay. yaong bahay na iyon ay bata pa lang ako’y pinangarap ko ng tirahan dahil sa nakalubog na tulugan ni ringo.
powderfinger
una kong narinig ang powderfinger nung lumabas ang rust never sleeps nung 1979. labintatlong taong gulang ako noon – jakolero na pero di pa talagang binata.
pagtapos ng mahigit tatlumpu’t apat na taon, heto na tayo sa 2013 at ‘di pa rin nangungupas ang mga kanta rito. sa katunayan, ang powderfinger ay laman pa rin ng playlist ko hanggang ngayon. electronic na nga lang ang format pero sige pa rin. ‘di ko na siguro ito tatanggalin hanggang sa kunin ako ni baby jesus.
space oddity
ang dahilan kung bakit gusto kong maging astronaut ay para makanta ang “space oddity” ni bowie from outer space. kaya lang, nalaman ko na ako’y color blind at ang pangarap kong maging astronaut ay naunsyami.
pero salamat kay commander hadfield dahil tinutuo niya ang pangarap ko. i now live my dream vicariously through him.