MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)
BANGKOK, Thailand (AP) — Thai policemen who break rules will be forced to wear hot pink armbands featuring “Hello Kitty,” the Japanese icon of cute, as a mark of shame, a senior officer said Monday. Police officers caught littering, parking in a prohibited area, or arriving late — among other misdemeanors — will be forced to stay in the division office and wear the armband all day, said Police Col. Pongpat Chayaphan.
sana gawin din yang “hello kitty armband” gimmick sa mga pulis ng pilipinas. kaya lang ang suggesion ko (para naman magkaroon ng kaunting nationalistic epeks) ay ito: ang lahat ng pulis na mahuhuli na nango ngotong ay magsusuot ng darna costume ng isang linggo.
ang video balitang ito ay hatid sa inyo ng birch tree holland powder milk – ang gatas na may gata.
bwehehe, batjay! galing ng colorblind combi ng longisliv at tie mo ah, bagay sa mala-tuyom (sea urchin) mong ‘do. 🙂 uwi ka na dito at palitan si julius mababao! naalala ko tuloy ang sic oclock news…
thank you. pwede na ba akong newscaster?
MAs maganda nga ang pagsuotin ng Darna costume kasi kung arm band lang e baka akalain lang nila e uso ito. Magunahan pa mga hinayupak sa pagkuha ng arm band na Hello Kitty.
bossing, imagine mo na lang ang pulis na malaking tiyan na naka darna costume.
dapat sa mga “kotong cops”, at abusadong pulis eh …dalahin sa Basilan, at ilaban sa Abu Sayaf, para magamit nila ang baril sa tamang pamamaraan ……baka sakali tumino at malaman nila ang tunay na trabaho nila…..
Hi Jay,
To all OFW out there! nabasa ko tong isang article against OFW. nakakaasar…here’s the link pls read on
yes, please read my August 17 entry. it’s all about this issue. buti naman at may mainstream press coverage na. perhaps, you’d also want to read this ABSCBN article. yes, virginia, she has resigned. o siya, balik na tayo sa topic ng hello kitty, ok?
amen, pareng jun
Maski siguro mag-darna costume pa ang pulis e bale-wala sa kanila kasi kapal muks talaga yung iba (di naman lahat). Sa na-experience ko nung doonm pa ko sa atin ay nakakadismaya, bilang ang pulis na respetado.
Case in point, ito ang balita sa philstar.com ngayon – “Rookie cop arrested for stealing P500, cell phone”. Putragis na yan walang patawad!!
magandang balita nga yan. kapag naayos na ito at na-implement na sa pinas ang damit na darna, dapat i-upgrade ang sistema sa mga corrupt na gov’t officials. ang concept naman nila eh hindi na kay darna, kundi kay invisible woman na. at dahil nga invisible dapat invisible din ang costume nila. hehe..tingnan natin kung hanggang saan sila makakakurakot. dito natin makikita ang mga nakatago nilang nunal hindi lang yung puro sa mukha. hehe
been there a couple of months ago, ang galing nga ng karakas ng mga parak nila dun eh, parang mga boyscouts at pulis natin noong 70’s. Hello Kitty pink armbands? hahaha at least Kikay! hehehhe
Masyado naman yatang cruel and unusal punishment ang suggestion mo. I think dismissal from the force would be more appropriate.
LOL….
Maganda nga yung Darna custome para sa mga parak na guilty sa abuse of authority. Mas okay din siguro kung palulunukin muna sila ng bato na kasing laki ng itlog ng pugo bago maging Darna… hehehehe
hindi ba insulto yun sa hello kitty armbands kung sa mga pulis natin gagawin? hehehe. malala at mas malalim ang suliranin ng pang-aabuso sa
atin. pero magandang subukan, kaya lang baka lalong magalit at lalong maging mga sira ang mga yun. ipakain na lang natin sila sa mga pulang langgam at mga hantik. hehehe
mayroon bang demonyo sa hello kitty universe? baka yun na lang ang gamitin natin.
Nakow, baka lalo pang matuwa ang mga pulis pag nagsuot ng arm band.. either armband na may pic ni Angel Aquino, or dahil gusto rin nila mismong maging Darna 🙂
malamang.
sana mangyari yang sinasabi ño!!! hahaha……nakakasabik tuloy para sa mga pulis!!!…..