MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)
DATELINE SHANGHAI. lumusob si spiderman sa shanghai, china upang imbestigahan ang kakaibang commercial na ipinapalabas tungkol sa promotion ng mga hotel doon. ang commercial ay nasa english, korean at japanese. inimbistigahan ni spiderman ang english version kasi ito lang ang language na naiintindihan niya. bayan, panoorin ninyo ang investigative report na ito – pinoy journalism at its best.
ang balitang ito at ang exclusive video story clip ay hatid sa inyo ng birch tree holland powder milk – ang gatas ng dalagang ina.