simula ng pumasok ang late autumn, maaga nang dumilim dito sa california. alas singko pa lang ng hapon ay gabing gabi na kaya medyo nag iingat ako sa pag-uwi. naka bisikleta lang kasi ako at medyo mahaba ang byahe. mga 8 miles ito at mayroong stretches na downhill at pitch black kaya kailangan visible ka sa mga kotse. mas mabilis kasing magmaneho yung mga kupal dito sa gabi, siguro dahil gusto nilang makaluto at makakain ng mas maaga.
kaya nga nag decide ako na dagdagan ang mga burloloy ng bisikleta ko. last week, bumili ako ng isang katutak na ilaw. mayroon na ngayong mga limang flashing lights sa harap at likod ko. ang gara ko ngang tingnan sa kalye. kulang na lang, lagyan ng star ang ulo ko para mapagkamalan akong christmas tree.
ayos ka talaga idol batjay.
maliwanag ako ngayon
pwede rin kayang mapagkamalang rolling beerhouse? hehehe
oo, lalo na kung suot ko yung sports bra ko.
lagyan nyo na din po ng mga neon stickers at istatwa ng kabayo sa unahan at mukha ng jeepney version yung bike nyo. hehe
sige, mamaya pag uwi ko.
ingat ka lagi ha
siyempre mylab. para sa iyo.
ayos..napapanahon naman ang ilaw mo pala…
oo, lalo na’t parati siyang close open ng close open.
o ilaw…sa gabing madilim…
mga ilaw
magsuot ka rin pre ng reflectorized vest….yung parang suot ng MMDA or traffic enforcers dito sa pinas…
unkyel, pa-pichur ka naman na kasama ang iyong kumukuti-kutitap na bisikleta. lagyan mo ng busina na parang sa manila, ung may umaatungal, hehehe!
p.s.: nakakasawa po ang sg
hindi nakakasawa ang SG para sa amin ni jet.
dami ngang nagsasabi sa akin na mag vest. para na akong giant reflector.
Pards, ang ganda at ang sexy nung nasa brief magazine… type ko ah… ipakilala mo naman ako! LOL
lagyan mo kaya ng parol…para napapanahon…hehehe..
oo nga. gusto ko yung made in pampanga na magara yung lighting epeks.
giant pampanga lantern…interesting ang controls ng ilaw nun, daig ang PLC
ano ba ginamit nila roon? puro mga relay lang siguro ano? iniisip ko nga lagyan ng maliit na PLC na lang para programmable ang sequencing ng mga ilaw.
parang drum controller principle…. yung mga ilaw ay nakaconnect sa hundreds of fingers na gawa sa hair clips at nakakontak dun sa cylinder na kahoy, yung cylinder ay merong nakadikit na metal patterns at eto ang program kung anong ilaw ang paiilawin….tapos ay manual na iikutin yung drum controller na parang naglilitson…O di ba? high tech
bilib nga ako nung makita ko ito dun sa giant lantern festival…that was years ago…baka ngayon ay naka plc na nga ang mga ito.
drum controller. wow, tagal ko nang hindi nakakita nito. ayos yon, manual drum controller na litson style.
pag ganitong automation ang topic, parang gusto ko ulit mag apply ng PLC programmer.