If you see her, say hello

dear mommy,

kanina lang, naisip ko na naman kayo at bigla akong nalungkot. isang taong mahigit na kasi tayong hindi nagkikita at matatagalan pa bago kami makauwi. pasensya na lang po kayo sa amin dahil di tayo magkasama ngayong pasko. minsan, hindi ko na nga alam kung ano ang tamang gagawin – gagastos ba ako para makauwi at makita kayo, o ipapadala ko na lang yung pera para masaya ang pasko ninyo.

ngayong taon, pinili ko na merry christmas sa pilipinas without me. pero next year hindi na pwedeng hindi kami uuwi. ngayon pa lang nga ay hindi na ako makapaghintay. kamusta na lang po sa lahat.

with so much love,
jay

Shining `cross this dark highway

kung buhay pa ang daddy ko, sana 85 na siya ngayong taon. isa siya sa mga pioneers ng philippine radio. ang pangalan niya ay “uncle nick”. magandang lalaki na may malakas na appeal at makalaglag panty na boses na parang galing sa ilalim ng lupa. mayroon siyang programa sa radyo na tinawag niyang “Maala-ala mo Kaya” kung saan sumusulat sa kanya ang mga tagahanga niya at humihingi ng payo, kadalasan tungkol sa pag-ibig.

Continue reading

Called up the tealeaves and the tarots

nabanggit ko na ba na bunso ako? anim kaming magkakapatid at ako ang pinaka baby sa pamilya. muntik na nga akong hindi pinanganak dahil 42 na ang mommy ko nung lumabas ako sa pwet niya.

medyo gutsy nga yung ginawa nila ng daddy ko na nag decide na mag anak at that late age. nung 1965 kasi, hindi pa ganon ka sophisticated ang late pregnancy. buti na lang at walang adverse side effect na nangyari, maliban sa paminsan minsan ay bigla na lang akong napapakantang mag-isa sa loob ng elevator.

TALES FROM BEHIND THE WALL, PART 3

nag graduate ako ng engineering nung summer ng 1988. buhay pa ang daddy ko nung time na yon and in fact, nag blowout siya ng dinner after the graduation ceremonies sa PICC. nagpunta kami sa isang seafood restaurant sa ermita, tapos nag order siya ng malaking sweet and sour na lapu-lapu. habang kumakain kami…

DADDY: oy, dahan dahan kayo sa pagkain ng isda, ha!

AKO: bakit po?

DADDY: eh baka matini.. [FUNNY NOISES, UBO, UBO]

AKO: ano pong nangyari sa inyo?

DADDY: natinik ako.

And tearful at the falling of a star

pag naririnig ko ngayon ang “circle game“, naalala ko ang daddy ko. matagal na siyang namatay pero naiisip ko pa rin siya parati. alam ko, iba ang pinapakahulugan ni joni mitchel nung ginawa niya ito pero everytime na naririnig ko ang kanta, parang gusto kong i-urong ang oras para maibalik yung panahon na magkasama pa kami. i could have done more for my dad now that i have a steady job but i can’t because he’s gone forever.


pakinggan ang batjay’s twisted pinoy version ng “circle game” na handog pa rin sa inyo ng “Tito Remy’s Kesong Puti, ang kesong gawa sa kupal” – subukan ang bagong pakbet flavor na gawa sa kupal ng supot na ilokano.

this is an audio post - click to play