Christmas in Milpitas

.flickr-photo { border: solid 2px #000000; }
.flickr-yourcomment { }
.flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; }
.flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }


mahigit atang 15 years na hindi nagkita ang mommy ko at ang kanyang bunsong kapatid. si tiong anas – anastacio, sa mga kaibigan niya. pag sa biglang tingin, akala mo si sean connery. major chick boy pero retired na raw siya ngayon. matulis pa rin. si maricel yung nasa gitna, anak niya at pinsan ko. mom is on the left – 85 years old na pero may asim pa rin.

Mister Pogi Pose

si TJ at ang mommy niyang si donna ang naghatid sa mommy ko papunta rito sa amerika. apo ko na si TJ dahil si donna ay anak ng panganay kong kapatid na si gigi na pinanganak ng mommy ko nung panahon ng hapon.

Continue reading

Mommy in America


first day ng mommy ko sa amerika. hindi ko nga ma imagine kung ano ang nararamdaman niya ngayong nasa bayan na siya ni mickey mouse for the first time in her 85 year old life. siya na pinanganak nung panahon na ang mga amerikano pa ang may-ari ng pilipinas. does it match the america that’s been on her mind for so long? i wonder.

Continue reading

Au revoir

.flickr-photo { border: solid 2px #000000; } .flickr-yourcomment { } .flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; } .flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }

pabalik na ako sa california, paalis naman si jet pauwi ng pilipinas. yumao na ang daddy niya and she needs to be with her family.

i will miss him terribly.

Rust Never Sleeps

birthday ng daddy ko ngayon. kung buhay pa siya, he would have been 86 years old. pero maaga rin siyang kinuha ni lord. even then, i knew he wasn’t meant to live a long life. he and dante are so much alike. para sa kanila, “it’s better to burn out than to fade away“. mga bulalakaw na pagkaganda-ganda, sandali lang mag papakita tapos bigla na lang maglalaho.

saan na kaya sila ngayon? ewan ko. siguro may ka table na silang mga sexy babe saan mang lupalop sila naroon. iniisip ko nga kung ano ang magandang mensaheng ibibigay ko sa kanila na medyo makahulugan? siguro – lagi niyo lang tandaan ang safe sex at huwag kalimutang mag heavenly condom.

Where my music’s playing

hindi halatang 83 na ang mommy ko ano? maganda pa rin siya tulad ng kayang apo sa tuhod na si TJ. pinapatay kasi ang mga pangit sa lahi namin. at least yan parati ang dialog ng daddy ko nung araw pag may nagsasabing ang kukyut daw ng mga anak niya.

matalinong bata yang si TJ. talented din tulad ng mommy niyang singer at mga tito niyang rocker. baby pa lang, kumakanta na sa kung saan-saan. in fact, heto siya at 3 years old, singing bayang magiliw habang naglalaro ng salbabida. mahirap gawin yon!

nung umuwi ako sa pilipinas last month, sinama ko sila sa bahay namin sa antipolo para naman makapasyal ang mag lola. nag enjoy naman sila kahit papano. ako? makita ko lang mommy ko ay masaya na rin ako. yung lang naman ang dahilan kung bakit ako umuwi.

Howlin’ Dave at NU 107

meet my brother, howlin’ dave. pinoy rock pioneer, original rockjock and NU 107 lifetime awardee. a lot of musicians and artists in the philippines owe their fame to him. he has gone through a lot and now he’s back on the air.

catch howlin’ dave at NU 107 every sunday, 5 to 6 PM. ang pangalan ng show niya ay “Tapsi Rock”. it’s the best rock show in manila. i’m saying this not because he’s my brother. he just puts a lot of intelligence and class in his radio program. i know. i’ve looked up to him ever since i was a small uncircumcised boy.

pag tumawag kayo sa station to make requests, sabihin ninyo nanggaling kayo rito. he’ll get a big kick out of it.

Here comes the organ grinder

lumipat ako ng bagong pwesto rito sa opisina. tinambakan kasi ako ng mas maraming trabaho at ang regalo sa akin ng boss ko ay mas malaking working space. kunswelo de bobo, alam ko. ang kagandahan lang nito ay nilagay niya ako sa liblib na lugar sa building kaya pwede akong magpatugtog ng music. kinakabit ko lang yung ipod sa speakers pagdating ko sa umaga at ok na ako for the rest of the day.

Continue reading