si TJ at ang mommy niyang si donna ang naghatid sa mommy ko papunta rito sa amerika. apo ko na si TJ dahil si donna ay anak ng panganay kong kapatid na si gigi na pinanganak ng mommy ko nung panahon ng hapon.
nagkita kita kami sa los angeles airport nung lunes. pinasa lang nila ang mommy ko sa akin at dumiretso na sa canada ang mag-ina. doon sila magpapasko.
multi talented din si TJ tulad ng kanyang lolo batjay. panoorin ninyo siya at 3 years old, kumakanta ng bayang magiliw.
hmm ano kaya at ganyan din tayong kumanta ng bayang magiliw…malikot!
at panalo ang kantang “ang dasal ng taong walang dyos”…napanood ko pa yun..hahahaha
maganda kung sa flag ceremony ganyan ang gawin ng mga studyante para magkaroon naman ng kaunting arte,
hey lolo! lolo Jay… bagay! 🙂
super lolo, mylab, para malakas ang putok. hehehe. hindi ako maliligo ng isang linggo para maging super lolo.
Kita ko yung pictures niyo sa Flicker…
So you brought your mom to work… Nag-kasya kayo sa bike? Just kidding 😉
Merry Christmas parekoy!!!
oo nga. gusto nga niya akong i-angkas kaya lang mabigat daw ako.