rain

nung dumalaw ang mommy ko dito sa california para magbakasyon, tamang tama na may bagyo, kaya siyempre pinagyabang ko na may bagyo sa california.

“bagyo?” ang sabi niya na medyo sarcastic ang dating, “parang ihi lang ng sanggol yang ambon na yang tinatawag ninyong bagyo.”

the 3 years of christmas

nung five yrs old ako, tinanong ko sa mommy ko kung bakit made in the philippines ang candy na bigay ni santa samantalang sa north pole naman siya nakatira. baka out of stock daw ang candy sa alaska, ang sabi niya.

nung six years old naman ako, tinanong ko sa daddy ko kung kaano ano ba ni jesus si santa claus. tanginang tanong yan, ang sabi niya.

nung seven years old ako, tinanong ko sa pamilya habang kumakain ng noche buena, kung saan dumadaan si santa eh wala namang chimney ang bahay namin sa pinas, impak nabanggit ko, wala namang chimney ang mga bahay sa barrio talipapa. “sa poso negro” ang sabi ng kuya ko.

ang aking pamilya


si auntie nana ay 89 years old, ang mommy ko ay 87 years old, ako ay 45 years old, ang pamangkin kong si donna ay nasa late thirties at si tj na anak niya ay 11. that’s four generations in one picture.

cool, huh?

You say you’ve seen seven wonders

pagbigyan na ninyo ako kung magyayabang ako ng kaunti, si paula yung naririnig ninyong magaling kumanta diyan sa video. she’s my niece and she’s really good. yung still picture na nasa video? hindi si paula yon. that’s corinne bailey rae, yung singer na kumanta ng like a star na ginawan ni paula ng cover.

maraming magaling kumanta sa angkan ni david. bawal kasi ang sintunado sa lahi namin. according to family lore, pagkalabas pa lang daw ng baby at nakita ng hilot o doctor na medyo wala sa hulog ang iyak, ibinabalik daw sa pekpek.

and these romantic dreams in my head

huli kaming nagkita, mga 1994 pa siguro. 15 years ago. tangina, ang bilis ng panahon ano? eto ang pamangkin kong si duane. panganay na anak ni howlin’ dave. named by his dad after the late great allman brothers guitarist, of course. pag pinagmamasdam ko siya, napapansin ko na marami kami in common, from body tics, skin tone to musical talent. hindi maipapagkaila na miyembro siya ng angkan ni david. dito pa kami magkikita sa california. cool, huh?

Do not go gentle into that good night

bumalik na si mommy sa pilipinas kaninang tanghali. ang laki sigurong adjustment para sa kanya. una, yung panahon. winter dito ngayon kaya malamig. pag dating niya sa pilipinas, height ng “summer” at super duper humidy ang dadatnan niya. iniisip ko pa lang, pinag papawisan na ako. hindi naman kasi ako hot and humid kind of person. parati ko ngang sinasabi na pinanganak ako sa maling parte ng mundo. probably eskimo ako in a former life. oo, as in es-es-ki-ki-mo.

pero siguro ma e-enjoy naman ng mommy yung change ng klima. nahirapan din kasi siya dito sa lamig. mayroon ngang mga okasyon na ayaw niyang lumabas ng bahay at ang gusto niya lang gawin ay panoorin si oprah. niloloko ko nga siya – “ano ba naman kayo, mommy: pumunta kayo ng amerika para lang manood ng TV”.

sana makabalik siya agad dito.

Ester, Angela, Sarasota

Sarasota-19-2

huli kaming mag sama-sama ay nung 1987 pa. nung time na yon, 4th year college pa lang ako, isang uhuging 22 year old na walang kaalam-alam sa mundo. 43 years old na ako ngayong nagkasama kami ulit, uhugin pa rin at virgin, pero sa ilong na lang.

Continue reading

The Adobo King

narito kami ng mommy ko sa bahay ng ate kong si ester sa sarasota, florida, para sa isang mini reunion. well actually, a big reunion. 1987 pa kasi nung huli silang magkita. nagpunta kasi sa amerika ang ate ko pagtapos niyang kinasal at hindi pa siya nakakabalik sa pilipinas since then. mayroon kasi siyang fear of flying. matinding phobia, in fact. nabigyan ng visa ang mommy ko last year kaya siya na mismo ang dumalaw sa ate ko. masaya silang dalawa.

Continue reading