LIKE A KOI IN A FROZEN POND

Amor and JennyPeng

ang kwentong tambay book sighting na ito ay handog sa inyo ng “OLD SPICE KATOL – ang pamatay ng lamok na may amoy”. kabayan, ipadala niyo lang ang inyong mga litrato with the book kalakip ang limang tansan ng mountain dew para mailalagay ko rin kayo rito.


Continue reading

Like the castle in its corner in a medieval game

dear unkyel batjay,

gusto ko pong humingi ng tulong sa inyo – ako po ay isang 38 year old na lalaki, kasalukuyang nagtatrabaho dito sa middle east. ang problema ko po ay ito. iniwan po kasi ako ng kasintahan ko after 10 years na pagsasama. hindi ko po alam ang dahilan. siguro po ang hindi na niya makayanan ang long distance relationship namin. ano po ang gagawin ko? hindi ako makakain, hindi ako makatulog. gusto ko pong umuwi sa pilipinas at komprontahin ang girlfriend ko.

tulungan po ninyo ako.
gentle reader


Continue reading

BABYLON SISTERS SHAKE IT

dear nes,

kamusta pre?

medyo matagal-tagal na rin tayong ‘di nag-uusap ano? ok naman kami rito ni jet. nag e-enjoy kahit papano. ang bilis talaga ng panahon. summer of ’05 kaming dumating dito last year at ‘eto, parang kisapmata, end of summer ’06 na.

hindi ko nga alam kung natutuwa ako o maiiyak sa pagpalit ng season. natutuwa ako dahil hindi na masyadong mainit. in fact, medyo malamig na nga lately. sa gabi at early mornings ay nagsusuot na ako ng light sweater pag tumatakbo. at hindi na gaanong pinagpapawisan ang betlog ko kaya paminsan minsan ko na lang itong kinakamot, pag walang nakatingin.
Continue reading

The night wind turns in the sky and sings, I can write the saddest lines tonight

dear unkyel batjay,

mayroon po akong penpal from europe na kasulatan ko nang mahigit nang limang taon. last year po ay niligawan niya ako through the mail at sinagot ko naman siya. naging boypren ko po siya kahit hindi kami nagkikita. finally, last week ay bumisita siya rito sa pilipinas at nagkita kami. doon ko po nalaman na mabaho ang hininga niya.

ano po ang gagawin ko?

gentle reader


Continue reading

I’m taking Viagra and drinking prune juice – I don’t know if I’m coming or going

dear unkyel batjay,

napanood ko po sa TV kahapon na masama raw po ang uminom ng viagra. ang sabi po kasi doon sa commercial ay ang isa po raw na side effect ng pag-inom ng viagra ay ang pagkakaroon ng prolonged erection na longer than 4 hours. umiinom po ako ng viagra kaya natatakot po ako. ano po ba ang gagawin ko kung magkaroon ako ng erection na tumagal ng mahigit sa apat na oras?

nagmamahal,
gentle reader


Continue reading

In the theatre the audience want to be surprised – but by things that they expect

dear unkyel batjay,

ano po ba ang tamang etiquette kung aksidente pong nautot sa loob ng sinehan? kailangan po bang mag apologize sa mga katabi ko?

lubos na gumagalang,
gentle reader


Continue reading

ALIVE

dear kuya,

naalala mo ba nung bata ako, parati mo akong kinukwentuhan tungkol sa mga iba-ibang animals? nung nasa novaliches tayo, parati mo akong pinapasyal sa ilog para tingnan yung wildlife doon. kahapon kasi, nagpunta kami sa dana point para mag whale watching. ang layo na ng narating ko ano? thirty years ago, magkasama tayo sa tullahan river para panoorin yung mga gurami at isdang kanal na lumangoy doon. ngayon, eto na ako, nakasakay sa isang malaking bangka (‘dapor’ ang tawag natin dito nung araw. naalala mo ba?) para panoorin ang mga blue whale sa california coast. migration season nila ngayon at sinuwerte kami kahapon dahil naka ilang sighting kami.

Continue reading