The night wind turns in the sky and sings, I can write the saddest lines tonight

dear unkyel batjay,

mayroon po akong penpal from europe na kasulatan ko nang mahigit nang limang taon. last year po ay niligawan niya ako through the mail at sinagot ko naman siya. naging boypren ko po siya kahit hindi kami nagkikita. finally, last week ay bumisita siya rito sa pilipinas at nagkita kami. doon ko po nalaman na mabaho ang hininga niya.

ano po ang gagawin ko?

gentle reader



dear gentle reader,

depende siguro. eto ang tanong ko: napamahal na ba siya sa iyo – so much na hindi mo na siya kayang hiwalayan? kung ang sagot mo ay “yes” eh di true love na nga yan – wala ka nang magagawa. pagtiisan mo na lang na para kang may katabing imburnal sa pagtulog. ngayon, kung wala ka pang emotional attachment sa kanya, hiwalayan mo na lang siya agad.

don’t lost heart though, marami namang mga ibang alternative: mouth wash, tawas, change in diet at iba pang mga hygienic procedures na maaring foreign sa kanya tulad ng pag toothbrush.

ingat na lang at good luck.

unkyel batjay

20 thoughts on “The night wind turns in the sky and sings, I can write the saddest lines tonight

  1. dapat maging brutally frank ka sa shota mo. sabihin mo ang totoo na nakaka torn op ang hininga nya. kung may pera ka naman pwedeng mag undergo ng surgical procedure yung shota mo para sa “halitosis”. ang tawag sa procedure ay “dontalktome”.

  2. Umu-utot din siya sa bunganga? Alam mo baka naman ninenerbiyos siya ng una kang makita at natuyo ang kanyang bunganga at malamang yun ang naging sanhi ng pagka-karuon ng amoy ng kanyang hininga. Liban sa di nag-aahit ng kili-kili ang karamihan sa mga babae sa Europe, ang bad oral hygiene ay laganap din sa kanila. Pansinin ninyo ang mga taga-inglatera, karamihan sa kanila ay may problema sa ngipin. Standard sa kanila ang kulay dilaw na mga ngipin. Ang stiff upper lip na tinatawag sa mga british ay dala ng magaspang na ngipin at siyang nag-papahirap sa pag-galaw ng mga labi nila pag nag-sasalita sila. Si Mike Hanopol ay may british set of teeth kaya ang palayaw sa kanya nuong pre-laki sa layaw jeproks days (Glenmore days) ay “Palakol”. Ika nga ni Mang Batjay, kung may pag-mamahal ka na sa kanya at may tibok na ang puso mo kung nakikita mo siya, i-sakripisyo mo na lang ang sikmurain ang amoy ng kanyang hininga pansamantala basta’t parati ka lang may-baon’g chicklet at marka demonyo hinebra. Tuwing dadalaw siya sa inyo o tuwing mag-kikita kayo, yayain mo siyang mag-tagayan ng gin, sabihin mo lang na traditisyon natin yan sa Maynila. Ang alkohol sa gin ay mag-sisilbing mouthwash niya tapos ang chicklet ay panigurado. Ngayon pag medyo may tama na kayo eh di bale wala na ang lahat at puwede na kayong mag-halikan. Di naman cancer yang bad breath, maraming gamot at remedyo diyan tulad ng diet, oral hygiene at tutal nariyan siya sa maynila ngayon, dalhin mo siya sa mga magagaling nating dentista. Sabihin mo lang na requirement yan ng pag-papakasal sa bayan niyo tulad ng blood test sa ibang bansa. O sige good luck muna at harinawang ma-ayos mo yang problema mo.

    Ang inyong Tiyo Delyo

  3. pagmumugin mo siya ng lysol o mas better muriatic acid. siguradong tagtag ang mabaho niyang hininga. yan kasi ang ginagamit ko dito sa kubeta naming komunales,at proven effective yan, kung kubetang kung kanikaninong ebak at dumi ang dumadaan, nalilinis, alingasaw ay naalis, yan pa kayang bibig at lalamunan ng boypren mo ang hindi kayanin.

  4. oo, unkyel batjay, HALITOSIS nga ang tawag sa anghit sa bibig.

    nais kitang huntahan kung gaano mo napupuno ng katatawanan ang walang kabuhay-buhay buhay upisina ko. kaso di ko alam ang imeyl mo.

    nakakatawang nakakatuwa ka, unkyel batjay. pagpalain ka.

  5. Naku naman NAZ, masyado yatang marahas yang payo mo kay gentle reader. Baka naman ikamatay pa ng mahal niyang boypren/penpal yang iminumungkahi mong lunas sa umu-utot niyang bibig. Masyado yata ang ka-alaman mo sa pag-diyadiyanitor sa mga pablik kubeta. At ang tiyo pot, palayaw ba yan ng Ipot o Supot? Nagtatanong lang ako ha baka naman ikagalit mo pa yan. May alam ka rin ba sa mga Pozo Negro? Malabanan ba ang apelyido mo? At saka yang Lysol at Muriatic acid ay nabibilang ngayon yan duon sa mga ginagamit ng mga na-ngunguha ng mga gintong ngipin at pustiso sa mga patay sa sementeryo. Yan daw ang gamit nilang panlinis sa mga ani nila sa mga nitso bago ipagbili sa mga nag-tutunaw ng ginto at mga dentistang nag-reretoke ng gamit ng pustiso pag-katapos eh pinagbibili nila sa mga walang malay nilang pasyente. Hay naku ha bawal yan! Pag binubuhos mo ang muriatic acid sa tambak na tae sa kubetang nililinis mo, pina-nunuod mo rin ba ang pag-kulo ng tae at langhap mo rin ba ang amoy habang na-susunog ang labo-labong tae sa kubeta? May tama ba ang dating sa iyo? “Wow pare hanep sa tama, parang tsokoleyt mesc!”.

  6. “pagtiisan mo na lang na para kang may katabing imburnal sa pagtulog”

    Love nga talaga ito kung ganun.

    (tumatawang magisa sa opis, akala ng katabi ko eh nasisiraan na ako ng ulo) LOL.

  7. Ganyan talaga ang pag-aasawa. You’ll never know what you get until he/she is there. Malas kung malas! Always look at the bright side. PAg natutulog kayo, bihira ang lamok at nangamatay na sila.

  8. tito rolly – para palang “box of chocolates” ni forrest gump ang pag-asawa ano? pwede rin sigurong i-convert ng biogas bukod sa pangpatay ng lamok.

    hi mrs pektus. huwag kang tumawa ng malakas, baka tumalsik laway mo sa monitor. ingat!

  9. batjay,

    ano ga ang mas nakahihiya,
    ang lumobo parang plastik balloon ang uhog mo habang ika’y humahalakhak o ang hindi mo mapigilang pag-utot habang ika’y tumatawa? kasi nangyari na sa akin ang pag-utot sa gitna ng tawanan. eh sa lakas ng tawanan hindi narinig yung utot ko …pero umalingasaw ang amoy. nanyari na ba sa inyo ito?
    salamat.

  10. Basta walang kulay yung lobo o bula pag nasa swimming pool ka ayos lang. Sa Balara madalas mangyari yan. Sino ang naka-panuod ng sine ni Bill Murray na “Caddyshack”? Yung eksena sa swimming pool at ang background music niya ay yung sa sinen’g “Jaws”? at yung lumulutang na … at may mga mani-mani pa!

  11. batjay, nangyari na din sa akin yon….habang humihinga ka lumolobo yung sipon. palagay ko mas dyahe yung utot. mas lalo na kung “wet type” pero mas may lusot ka kung “silent type”, di ga?
    salamat sa iyong payo. magbabaon na la-ang ako ng bean-o.
    tiyo delyo, napanuod ko yon, chocolate bar yun napagkamalan la-ang na ebak na lumulutang-lutang.

  12. Noypetes, correction sa post mo ng Sept. 20, hindi ako nagpayo noon. No harm done!

    Pero maganda ang balik mo sa nagbigay ng payo, puwede din kayong mag duo ni Batjay sa pagbibigay ng payo.

    Naz

  13. Ay naku mang Batjay sori lang ha isisingit ko lang ang paumanhin ko kay NAZ at naging biktima siya ng “senior moments” ko. Medyo may edad na kasi ako pero pogi pa rin at ayaw bumitaw sa pagkabatang isip! Salamat naman at na-aliw ka sa payo ko. Natutuwa lang ako dito sa blog ni BatJay at pa-silip silip ako minsan at bilang pakialamerong matanda di ko mapigilang sumabat sa mga post ninyo. Sana naman pag-pasensiyahan niyo na lang ako..wala kasi akong maka-usap dito sa lintek na home care housing na pinag-dalan ng mga diyaske kong mga anak sa akin pag-katapos nilang makuha ang mga ari-ari-an ko at pati na ang bahay ko. huwag kayong mag-atubiling humingi ng payo dito kay mang BatJay at sasabat din ako sa mga payo ko kung ayos lang naman kay ginoong BatJay. Ang inyong lingkod,
    Tiyo Delyo a.k.a. Noypetes BinhDherDhanDath (half German po ako at may konting bahid ng mga Portuguesong pari na tumira sa Pinas nuong unang panahon)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.