PARA SA TAO

sa pamamagitan ng mahiwagang video na ito, pilit nating pinapasaya ang mga OFW na hindi makakuwi sa pilipinas itong kapaskuhan. actually, gumawa ako ng mga christmas video habang nagbabakasyon sa maynila. kung mayron kayong oras, imbis na magkutkot ng tutule eh panoorin ninyo ang mga ito. nasa youtube naman kaya madali lang ma-access.

Continue reading

PUTANG INA, ANG LAKING LANGAW!

.flickr-photo { border: solid 2px #000000; }.flickr-yourcomment { }.flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; }.flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }


We’ll jog with show folk on the sand, Drink kirschwasser from a shell

malakas ang hangin sa orange county simula kahapon. pakiramdam ko nga ay parang may dalawampung mayayabang na bumbay ang nagkwentuhan ng sabay-sabay. may nabuwal nga na puno sa campus namin. buti na lang walang tinamaan kun’di malaking bukol yon pag nagkataon.
Continue reading

BY CHANCE TWO SEPARATE GLANCES MEET

isang umaga, habang tumatakbo ako sa isang park sa southern california…

BATJAY: hello!

GROUP OF SENIOR CITIZENS: (with a thick pinoy accent) gud morning!

BATJAY: magandang umaga!

SENIOR CITIZEN#1: magandang uma… UY, PILIPINO!

SENIOR CITIZEN#2: oo nga. sa unang tingin, akala ko meksikanong intsik.

BATJAY: (pabulong) meksikanong intsik? WTF.

ang chance encounter na ito ng mga pinoy sa park ay handog sa inyo ng “MAGGI-SALOMPAS BULALO, ang instant noodle para sa may mga rayuma”.

DRIVE THROUGH YOUR SUBURBS INTO YOUR BLUES

nagpunta ako sa los angeles kaninang umaga para kumuha ng visa sa japanese embassy. hindi ako sasali sa US navy ng japan. may business trip lang kasi ako sa toyko itong darating na december kaya kailangan ko ng visa. yan ang isang hirap ng may pinoy passport: kailangan mo ng sangkatutak na visa sa iba’t ibang mga bansa. minsan hassle lalo na pag marami kang pupuntahan. itong coming trip ko, pupunta ako sa japan, korea, taiwan, china at singapore. halos lahat ay kailangan ng visa. buti na lang pwedeng through travel agent ang processing kaya hindi masyadong mahirap.
Continue reading

BABYLON SISTERS SHAKE IT

dear nes,

kamusta pre?

medyo matagal-tagal na rin tayong ‘di nag-uusap ano? ok naman kami rito ni jet. nag e-enjoy kahit papano. ang bilis talaga ng panahon. summer of ’05 kaming dumating dito last year at ‘eto, parang kisapmata, end of summer ’06 na.

hindi ko nga alam kung natutuwa ako o maiiyak sa pagpalit ng season. natutuwa ako dahil hindi na masyadong mainit. in fact, medyo malamig na nga lately. sa gabi at early mornings ay nagsusuot na ako ng light sweater pag tumatakbo. at hindi na gaanong pinagpapawisan ang betlog ko kaya paminsan minsan ko na lang itong kinakamot, pag walang nakatingin.
Continue reading

Mott the Hoople and the game of Life

dear mommy,

ngayon po ang first day ng vacation ko. sa wakas, pagkatapos ng isang taon na pagtatrabaho dito sa california eh makakapag take off na rin ako from work for the first time. sayang ano, sana narito kayo para maisama namin kayong umakyat papuntang san francisco para dalawin sina tiyong anas at tiyang ging. pupunta kami sa bahay nila sa linggo – buti nga kasi matagal ko na silang hindi nakikita at nasasabik na akong makasama sila at ang mga pinsan ko.
Continue reading

Set the controls for the heart of the sun

first year anniversary namin dito sa america last week. bilang celebration eh nanood kami ng concert ng CSNY sa verizon amphitheater. ang bilis ng panahon ano? parang kahapon lang eh kumain ako ng lumpia for dinner. ang sarap kasi ng ginawa ni jet na lumpia kaya bigla ko tuloy naalala ang pilipinas. pero mabalik ako: ang bilis nga ng panahon – parang kahapon lang ay dumating kami sa airport ng los angeles bitbit ang aming labindalawang bag para magsimula ng bagong buhay dito sa southern california. ang dami nang nangyari simula nung araw na iyon.
Continue reading

A key in the door, a step on the floor

masaya pag lunch time sa opis namin kasi maraming mga activities. parating puno ang gym dahil sa mga matatabang amerikanong nananaginip pumayat. may regular basketball at beach voleyball games na tumatagal hanggang alas dos ng hapon. mayroon ding cyclist team na umiikot sa lake forest at mayroon ding tulad ko na tumatakbo around the community. ang hirap lang ay pag sabay-sabay kaming natatapos mag work out eh napupuno ang shower room at matagal ang waiting time. ang yayabang pa naman ng ibang mga kasama ko, siguro dahil malalaki ang mga titi nila. naglalakad kasi sila sa loob ng hubo’t hubad. hindi ko naman alam kung talagang malaki kasi hindi naman ako tumitingin sa ibaba. ayoko naman gayahin kasi baka pagtawanan ang aking asian size kaya naka twalya ako parati. kung sakaling alaskahin nila ako in the future sa laki, ang isasagot ko na lang eh “di baleng maliit, matigas naman”. paano ba ito sasabihin sa english?