Mott the Hoople and the game of Life

dear mommy,

ngayon po ang first day ng vacation ko. sa wakas, pagkatapos ng isang taon na pagtatrabaho dito sa california eh makakapag take off na rin ako from work for the first time. sayang ano, sana narito kayo para maisama namin kayong umakyat papuntang san francisco para dalawin sina tiyong anas at tiyang ging. pupunta kami sa bahay nila sa linggo – buti nga kasi matagal ko na silang hindi nakikita at nasasabik na akong makasama sila at ang mga pinsan ko.

sana makapasyal din kami ng husto sa san francisco. gusto kong makita ang parada ng mga bading doon. kung may time, sana maka akyat din ng napa valley para makapag wine tasting tour. o kaya makadalaw ulit sa monterey para magdasal sa mga diyos ng golf sa pebble beach. siyempre, gusto ko ulit makita ang golden gate bridge na hindi naman gold. makakabisita na kaya kami ngayong trip na ito sa alcatraz? parati na lang kasing fully booked ang tour papunta sa “darak“. alam niyo ba na nung una kong marinig ang pangalan ng lugar na ito eh akala ko colony ng mga baboy ang nakatira doon at hindi dating prison.

ano rin kaya kung tawagan ko si gabby concepcion? naalala nyo po ba yung dating asawa ni sharon cuneta na umalis sa pilipinas pagkatapos nung “take it, take it” pandaraya ni lolit solis sa manila film festival? ang balita ko kasi eh nagtitinda na siya ng bahay at lupa sa bay area. nakatanggap kasi ako sa kanya ng email nung isang buwan at nag iwan siya ng contact number. hindi ko alam kung paano niya nakuha ang address ko – siguro may kaibigan siya na kaibigan ko. anyway, gusto niyang magbenta ng bahay sa akin. gusto ko nga sana eh kaya lang wala naman akong perang pambili. pero gusto ko pa rin siyang tawagan para humingi ng tip sa property market sa california. o sige na nga, aaminin ko na: gusto ko ring magpa autograph. napanood ko kasi siya sa “dear heart” nung araw. magpalibre na rin kaya ako ng lunch? para naman menos kami ni jet sa gastos. sa sobrang mahal ng gas ngayon, you take every opportunity you can get to save.

sige po, dito na lang muna. ingat na lang po kayo diyan at kamusta na lang sa lahat.

with so much love,
jay

7 thoughts on “Mott the Hoople and the game of Life

  1. good timing batjay! they will be celebrating 100 years of Filipino Immigration by the Yerba Buena gardens this weekend. There will be parades, Filipino food and some programs .

    I think it is something good to see.

  2. Has it been one year already? It seems like only yesterday when you and Jet arrived in CA. I guess it does fly when you’re having fun.

    hihi! fan ka pala ni Gabby 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.