Little pink houses for you and me

two years na kami ni jet dito sa california. one year na kaming may green card. di na magtatagal, pwede nang mag apply para maging amerikano. pag wala nga akong magawa, imbis na magjakol ay iniisip ko ang advantages ng kulay asul ang passport.

Continue reading

I Run For Life

for the 2nd straight year, tatakbo ulit ako sa 5K race ng susan g. komen race for the cure. ito’y isang organization na tumutulong sa pag gamot ng breast cancer. bakit ko ba sinalihan ito? dahil maraming pupunta rito na may boobs? hindi. gusto ko lang makatulong kahit papano and being part of a cause makes me feel good. who would have known na magkakaroon ng running man ang Barrio Talipapa?

Continue reading

If your head explodes with dark forebodings too

pagka gising sa umaga during weekends, kadalasan ay gumagawa ako ng brewed coffee to start our day. pag nakasalang na yung kape sa coffee maker, lalabas muna ako para kunin ang mail at magbasa ng LA times. babalik lang ako pag tapos na yung pag brew at amoy na amoy na yung kape sa loob ng bahay. quirky, i know, but the smell of coffee makes me happy.

sira ulo ba ako para ma enjoy ang simple pleasure na ito?

Dulce et decorum est pro patria mori

memorial day ngayon dito sa amerika kaya wala kaming pasok sa opis. pinagdiriwang ang memorial day tuwing 4th monday ng buwan ng mayo para gunitain at bigyan ng parangal ang mga namatay na mga amerikano sa lahat ng mga sinalihan nilang guerra. isa ito sa pinaka solemn na holiday kaya taon-taon ay milyong milyong mga tao ang lumalabas ng bahay para mag barbecue.

Continue reading

When the night comes falling from the sky

20th Anniversary nag celebrate ang company namin ng 20th anniversary nung friday. ang saya! nagkaroon kami ng afternoon party sa labas ng grounds, complete with rock ‘n roll band. tapos, para may kaunting bongga eh kumuha kami ng apat na sky divers. ang galing nga, sabay sabay silang tumalon from over a thousand feet, directly overhead. nagkaroon lang ng kaunting aksidente kasi yung isang sky diver ay nagkamali ng landing at humampas siya sa truck ng kaopisina ko. nasugatan yung sky diver sa mukha pero nakalakad naman after a while. yung kotse ay basag yung tail light.

Continue reading

I keep a close watch on this heart of mine

ang sabi sa mga health manual na kumakalat dito ngayon, kailangan mo raw maglakad ng 10,000 steps araw-araw para siguradong makita mo ang titi mo tuwing iihi ka (kung lalaki ka, siyempre). nakakaliit daw kasi ito ng tiyan. personal experience tells me na tutuo ito pero duda ako na kayang maglakad ng mga taga rito ng 10,000 steps a day, especially dito sa california kung saan kailangan mo pang gumamit ng kotse para pumunta sa sari-sari store, pag nautusan ka ng asawa mo na bumili ng suka.

Continue reading

Never saw the sun shining so bright, Never saw things going so right

suswertehin siguro ako. nakapulot na naman ako ng 1 cent habang naglalakad kanina. itong linggo lang na ito, siguro mga 4 times na. kasabihan kasi rito na may darating na suwerte pag nakapulot ka ng penny kaya nga pumasok sa isip ko na may bubulagang goodluck sa akin. oo nga pala, contrary sa mga sinasabi ng mga kabarkada ko sa novaliches, penny ang tawag sa 1 cent coin, hindi penis.

Continue reading

ANG ALAMAT NG PAGPAPAPOGI

pagpapatuloy ito ng kwento ko tungkol sa diet at pagpapapayat na sinimulan ko last year nung napagkamalan akong baby hippopotamus dahil sa aking 216 lbs, mostly prime fat sa tiyan at mukha. at 5’10 at 216 lbs medyo borderline obese. hindi biro ang maging isang 40 year old na overweight diabetic hypertensve. kinabahan ako dahil ang tatay ko ay diabetic at hypertensive din. namatay siya dahil sa stroke at 60 and he wasn’t even close to my weight dahil sexy ang daddy ko kaya nga marami siyang mga girlfriend at anak sa loob at labas. but that’s another story.

ito ang listahan ng kung ano ang ginawa ko para mawalan ng 43 lbs over a 12 month period…

Continue reading

Garbo Stamp, Si Ganesh, Isang Piling ng Saging, Ginisang Mushrooms, Hot Sauce, Wooden Shoe sa Ref, Legs ni Spiderman, Itlog na may Longganisa, Tokwa’t Suka, Unggoy na nagbabasa, Unggoy na tumatawa

Image

BAGONG TAON NA NAMAN