THE TAXMAN COMETH

today i signed, sealed and deliverd my tax forms. i am paying my taxes in singapore for the first time since i arrived. ok lang – simple lang naman. nilagay ko lang yung kita ko sa isang form, pirma, lagay sa sobre at padala by mail. babayaran ko sana online, kaya lang di ako binigyang ng PIN number ng mga damuho. oo nga pala, ang isang maganda rito sa singapore, pwedeng hulugan ang tax. i opted to pay in 12 monthly interest free installments.

If you drive a car, I’ll tax the street,
If you try to sit, I’ll tax your seat.
If you get too cold I’ll tax the heat,
If you take a walk, I’ll tax your feet.

paying your taxes, bwakanginangyan, is one of the sure fire ways to make you feel that you belong to a country.

Happy Labor Day sa inyong lahat PART 2

FROM THE STRAITS TIMES: Filipino nurse – likely the first foreigner here to die from Sars – died 30 minutes before his father reached the hospital.

THE father of the Filipino male nurse who died of Sars on Wednesday arrived in Tan Tock Seng Hospital (TTSH) 30 minutes too late to see his son alive. The nurses at the intensive care unit had told his 25-year-old son that he was on the way. But by the time the father reached the hospital, his son was dead.

FROM THE PDI: Filipino caregiver dies of SARS in Singapore

A MALE caregiver in Singapore became the third overseas Filipino worker (OFW) to die of SARS-related causes. The Department of Foreign Affairs confirmed Thursday that the 24-year-old nurse identified only by the initials JP died in a Singapore hospital on Wednesday night.

Bakit di nakaalis agad ang ama ng namatay sa Pilipinas? Mahigit dalawang milyong dolyar na courage fund para sa SARS releif, di man lang nagawang papuntahin sa Singapore ang ama para makita ang anak niya for one last time. Bwakang inang yan, Bwakang inang yan.

Happy Labor Day sa inyong lahat!

“nandito ako sa singapore, mag-iisang buwan na. naging isang estrangero para makapag-ipon ng konting pera. tama ba itong ginawa ko? sana… sana pagbalik ko sa pilipinas nandoon pa rin ang mga mahal ko sa buhay. sana buhay pa sila. sana may kabuluhan lahat ng ginagawa ko rito. sana…” posted by Jay David Tuesday, September 11, 2001

ito ang unang entry ko sa kwentong tambay… punong-puno ng lungkot, pagduda at indecision. umalis ako ng pilipinas pagkatapos ng labindalawang taon na pagtatrabaho. umalis ako upang mabayaran ang bahay at para makapag-ipon. sinimulan ko itong blog na ito sa unang buwan ng pagdating ko dito sa singapore. ang dahilan ng pagsusulat ay simple lamang: upang maibsan ang pag-iisa at pag-aalala.

Continue reading

ANG ZORRO NG SINGAPORE

118-1882_IMG

dear mommy,

nandito pa rin kami ni jet sa singapore at nag-iingat pa rin sa SARS. mahigpit na rito – 2 beses na kaming pinaparecord ng temperature sa opisina. pati nga rito sa bahay ay nag-lalagay na kami ng face mask. di na rin kami lumalabas ng bahay dahil baka pagtawanan kami ng mga tao. sana ay mawala na itong epidemic na ito para naman makauwi kami sa june… at saka para makilala na ako ng boss ko.

ingat diyan,
Zorro

p.s. ito nga pala ang ginamit ko nung nag audition ako kay stanley kubrick. sa kasawiang-palad, si tom cruise ang kinuha, bwakanginangyan. di bale, next time na lang siguro… kaya lang namatay na si kubrick eh. gagawa kaya si spielberg ng “eyes close-open”?

My Twice Daily Temperature Readings

wala namang extra special na nangyari sa akin papasok sa office ngayong umaga. ah except na may umutot sa aircon bus. tanginangbahutalaga pre! ang bantot bantot! pag pinatagal pa niya yon ng hanggang hapon, baka mag-invade nang mga amerikanong cowboy dito sa singapore, due to chemical weapons of mass destruction.

Continue reading

COMING HOME

homephotos-027

makauwi kaya kami ngayong june? hmmm… naglalaway na akong umuwi. gusto ko nang tumambay sa garden ko. amuy-amuyin ang mga bulaklak, magputol ng damo, mag-ihaw ng liempo habang umiinom ng malamig na serbesa.

miss ko na kayo… iced tea o kaya kape on the side. kapitbahay na maingay. tunog ng tricycle. kalembang ng sorbetero. balut. lechon. alikabok (sa ilalim ng dagat? mwa-ha-ha), aso kong si datu, hot pan de sal na may palamang reno liver spread, tsitsaron, pork barbeque, amoy ng sahig na nilinis ng domex, alaskahan at murahan…hehehe. bwakanginangyan, putonginamoy, anakngpusakunting. tagalog na mura. malutong.

ah, di bale 2 buwan pa naman. may panahon pa para humupa itong tangnang SARS na ito. pwede pang magdasal at mangarap. sana, sana… makauwi na. hey! hey! (ayan panginoon, nakikinig ka ba, may cheer pa sa huli! hehehe)

DARNA!

LIPAD DARNA, LIPAD!

Hoy BatJay,

Tigil-tigilan mo nga yang pag-lalandi mo ha! Alam kong may SARS diyan sa Singapore pero yung mask mo eh sobra nang over-kill. At saka, ang init init diyan, bakit kailangan mo pang mag-suot ng capa? Sagutin mo nga yan, ha! Pa-kyut ka talaga kahit kailan. Hindi ko rin maintindihan kung bakit sinusuot nyo ang pantalon bago underwear. Mga Amerikanong Super-Hero…ang bobobo nyo talaga. Isa pa, yang si Robin ha, pagsabihan mo yan ha – lapit ng lapit sa kapatid kong si Ding. Himas ng himas ng kamay ng utol ko. Bakla ba yan? Kung gusto nyang magpalipas sa kapatid ko eh, sabihin mo na lang kay Robin na ikaskas nya na lang sa pader. Ang libog libog nya!

Sige, dumalaw lang naman ako as Blog site mo para tingnan kung may message si Valentina. Matagal ko na siyang hinahanap eh.

Ingat na lang sa mga Joker,

Darna

BATMAN AND BATGIRL

SI JAY AT SI JET SA SINGAPORE. NAIINGAT SA SARS KAYA MAY MASK

Dear Mommy,

Ok naman kami dito sa Singapore. Alam kong nag-aalala kayo sa amin dahil sa SARS. Sinusundan naman namin ang sinadabi ng gobyerno. Hindi kami masyadong lumalabas. Naghuhugas kami parati ng mga kamay at nagsusuot na rin ng mga protective mask. Sa katunayan nga, last week-end, nagpagawa kami ni Jet ng bagong mga damit. Para naman hindi nakakahiya pag suot namin ang mga aming mga maskara. Please see enclosed picture na kinuhanan sa studio malapit sa bahay namin. Nilagyan na rin namin ni Jet ng dedication ang litrato.

OO nga pala, kinakamusta kayo ni Robin at ni Alfred. At saka, huwag kayong maniniwala sa mga tsismis na bading ako. Porke ba parati kong kasama si Robin sa lahat ng mga lakad ko eh… kukurutin ko na yang mga bumubulong sa iyo eh. OO nga pala mama, huwag kang magagalit kung makita mo ako ha, nagpa-ahit ako ng kilay eh.

Ingat na lang diyan, ang inyong anak na nagmamahal,

BatJay

p.s. Nagpakulay nga pala si Jet ng buhok. Pag nakita nyo siya, batiin nyo naman ang magandang kulay.

ULYANIN

kanina sa banyo, muntik ko nang lagyan ng toothpaste ang pang-ahit ko. kung nagkataon sana, hehehe, sugat-sugat ang gilagid ko. (pregnant pause, habang nagmumuni-muni)…

…sabagay, maigi na iyon. kung shaving cream ang mailagay ko sa aking toothbrush, bubula bibig ko. bad yon.

THE HAUNTING HAUNTED KIND

natutulog pa si jet ngayon. pero siya ang gumising sa akin kanina. mayron kasi akong gustong panoorin sa tv ng 3:30 ng madaling araw. pag gising niya sa akin, may nakahanda nang kape at tubig na malamig. swerte ko talaga.

happy palm sunday sa lahat. iwagayway nang mga palaspas at kumanta ng hossanang galing sa Jesus Christ Superstar:

Crowd: “Hosanna! Superstar! Hosanna! Superstar! Hosanna! Superstar! Hosanna! Superstar!”

Critikong Pariseo sa pagdating ni Jesus sa Jerusalem: “Listen to that howling mob of blockheads in the street! A trick or two with lepers, and the whole town’s on its feet.”

kabisado ko ata yung buong “jesus christ superstar” dahil dumedede pa ako, pinapatugtog na namin ito sa bahay. tuwing holy week naman ay iaarkila namin ang BetaMax. gustong gusto ni jet pag kinakanta ko yung “pilate’s dream” na may kasamang gitara. it is a great song – slow, haunting at punong puno ng melancholy. teka nga at maharana. mamamalengke raw siya ng maaga eh.