The older you get, the tougher it is to lose weight

dear unkyel batjay,

ako po’y isang pinoy na OFW at based dito sa singapore. 5’1 po ang height ko at mahigit 250 pounds. ang sarap po kasi ng pagkain dito at halos araw-araw ay lamon ang kain ko. hindi ko na po alam ang gagawin kasi ayaw na po akong tabihan ng misis ko. tulungan po ninyo ako.

lubos na gumagalang,
gentle reader


Continue reading →

riding out tonight to case the promised land

dear unkyel batjay,

kamusta na po kayo. bago po ang lahat ay hayaan nyo munang batiin ko kayo ng isang magandang araw, sampu ng inyong mahal sa buhay. unkyel, alam ko po kasi na matagal ka nang buma byahe at sanay ka na sa mga kung ano ang dapat gawin pag may trip, kaya nga po kayo ang unang naisip ko para hingan ng advice. dahil po kasi sa kakulangan ng trabaho dito sa pilipinas ay nag decide na po akong mag abroad. nag-apply po ako para magtrabaho bilang isang veterinarian sa middle east. maganda naman po ang sweldong ibinigay sa akin at ok naman ang mga benefits. ako po yata ang mag-aalaga ng private zoo ng isang arabian sheik doon. kamakailan po ay pumirma na ako ng dalawang taong kotrata at makakaalis raw po ako ng either may or june. unkyel narito po ang aking tanong, kung inyo pong mamarapatin: ano po ba ang maipapayo ninyo para sa isang tulad ko na isang pinoy na ngayon pa lang makaka-alis ng pilipinas para makipagsapalaran sa abroad?

yun lang po at lubos na gumagalang,
gentle reader

Continue reading →

There Are Three Kinds of People – Those Who Can Count and Those Who Can’t

my ito ang hitsura ng opisina ko dito sa california. mayroon akong “room with a view”, bagay na labis kong ikinatutuwa. pag silip ko nga sa labas, bukod sa mga sira ulo at malilibog na kuneho, nakikita ko ang basketball court at ang beach volleyball area. tuwing tanghali, maraming mga taong naglalaro at pinapanood ko sila habang kumakain ng lunch. ang galing nga ng opisina namin (actually “campus” ang tawag namin dito), it has something for everyone. i love my job. bagay kasi ang kumpanya sa personality ko. i love the irreverence and the culture. i also love the free food, but that’s another story. dito lang ako nakakakita ng mga nagtatrabaho ng naka shorts, mahilig sa rock music at kung ano anong mga twisted na personality ng mga empleyado. gusto ko rin yung individual na dekorasyon ang ginagawa sa mga kwarto at cubicle sa opisina. bawat pwesto ay reflection ng personality ng mga taong nagtatrabaho doon. mayroong cublicle na para kang nasa loob ng sports car, mayroon namang para kang nasa space ship, mayroon parang amusemnt park, ang iba naman ay puno ng mga gadgets, maraming mga litrato ng mga anak at kung ano ano pa. yung opisina ko ay medyo ‘ala pang laman dahil kulang sa oras mag ayos. pero at the moment, hindi naman siya exactly totally bare. bukod doon sa “bird poop for sale” sign ko, mayroon akong mga sumusunod:

Continue reading →

Where there is a stink of shit there is a smell of being

Glorious, suwerte ka raw pag nataihan ka ng ibon. at least yan ang kasabihan ng mga taga asia. naniniwala ako rito. nung grade five kasi kami, yung isang classmate ko, nabagsakan ng ebs ng tarat habang kumakain kami sa gym. muntik na ngang ma shoot sa lunch niya, pero lumihiis ito at tumama sa balikat niya. naiyak nga siya (siguro dahil napahiya). pero look at him now – isang successful na negosyante. panay na lang ang pasok ang pera sa bulsa niya automatically at kahit di na siya magtrabaho hanggang sa mamatay siya eh hindi na siya magugutom. all that good luck later on his life, dahil lamang sa isang fateful shitty day. sana ako rin swertehin – nung first day of work ko kasi dito sa america, yung bintana ng kuwarto ko ay nataihan ng ibon. hindi ko alam kung anong ibon pero betchabygollywow, ang laking kalat ang ginawa niya (please see picture). sabi nga ng room mate kong si claus eh baka ostrich daw ang tumae sa bintana ko. impossible naman kasi, una, walang ostrich dito sa california. ikalawa, hindi naman lumilipad ang ostrich (oo nga pala, PYI: nasa top floor ang office ko). baka agila o lawin – marami kasing umaaligid dito. siguro hina-hunting nila yung mga sira ulong kuneho na takbo ng takbo sa office grounds namin. heniway, gumawa nga ako ng “FOR SALE” sign para naman malagyan ng kaunting dekorasyon ang opis. lahat nga ng dumadaan ngayon ay humihinto at natatawa – nagiging conversation piece tuloy (“what you got there, jay?”, “can i get one of them bird shit too?”, “what in the hell is that thing on your window?”, “fucking shit!”, “holy shi!t”, “hey jay, you’re full of shit!” and many other words to that effect). sikat na nga ako ngayon – “you know who jay is, right? he’s that new guy from building 1 with the big bird shit on the window”. for all the crap i’ve been getting (pun intended), sana naman mas swertehin kami ni jet dito sa amerika. sabi nga ni brader mike eh – “emen to dat, ale-luya!“

Only in America do we leave cars worth thousands of dollars in the driveway

gusto ko lang ipaalam sa inyo mga dear brader en sister na natapos na po ang aking actual behind the wheel driving test kaninang tanghali. nakakatakot din pala na may katabi ka sa kotse na taong may kapangyarihan sa buhay mo. taong pwedeng mag decide kung kotse or bisikleta ang dadalhin mong sasakyan sa amerika. oo, ninerbyos ako virginia. but not too much. confident naman ako sa kakayahan ko dahil mahigit 15 years na naman akong driver. but you can never know what can happen kaya naroon pa rin ang kaba. kotse ng kaibigan namin ni jet ang dala ko para sa test – lucky car daw iyon at marami nang mga naipasang mga wannabee drivers na tulad ko.

Continue reading →

When a man opens a car door for his wife, it’s either a new car or a new wife

bukas na ng tanghali ang actual driving test ko. magmamaneho ako ng kotse habang may nakaupo sa passenger seat na magbibigay sa akin ng grade. pag pumasa ako rito ay mabibigyan na ako ng california driving license. pag sumabit ako eh maglalakad na lang siguro ako papunta sa opisina. kinakabahan na nga ako eh – ano kaya ang ipapagawa nila? magpapa parallel park kaya sila sa akin? ang hirap noon. yung “parallel” nga (eg, palaler, pararer, palerel), hindi ko ma pronounce ng maigi, actual na parellel parking pa.

Continue reading →

A WORLD THAT BECKONS LIKE A LIBERATION: 20 questions on blogging and life in general

1. kailan ka nagsimulang mag blog? nagsimula ako nung september 2001, right before the 9/11 tragedy. first time kong mag abroad para magtrabaho, kakadating ko pa lang sa singapore at inabutan bigla ng matinding lungkot. naisip ko, imbes na mag-iiyak ako ng buong magdamag, eh di isulat ko na lang ang aking mga experiences bilang isang OFW. baka kako, pwedeng pagkakwartahan someday.

2. ano ang nakukuha mo sa pagsulat ng blog? sanity. dito ko kasi nilalabas ang mga demonyo ko para pag balik ko sa real world ay patuloy akong makapamuhay ng maligaya at matino.

3. sino-sino bang nagbabasa ng blog mo? nanay ko at si jet. mga kapatid ko rin paminsan minsan.

4. sinong mga hinahangaan mong bloggers? naku marami. sa talent ng pagsusulat, nariyan sina mona, sassy, Mrs. P, si Cat, lara, si doc emer, jop, yasmin, si tito rolly, ate sienna at siyempre si jet. lahat sila ay magagaling magsulat at pag hinambing ko sila sa akin, parang garapata lang ko.

5. kung hindi ka magblog, ano ang alternative mo? ewan ko, mga ibang style siguro ng intellectual na pagjajakol. pangungulangot at pambubwisit sa mga baby na nakasakay sa bus.

6. kung may malunod na synchronized swimmer, malulunod din kaya ang mga kasama niya? gago.

7. Is the “human voice” a defining characteristic of weblogs, or merely desirable in most cases? in a lot of cases the human voice is an essential and defining characteristic of a weblog. i know in my case it is. i write what happens to my life in a personal and very human way. there is no other alternative.

8. ano ang pinaka driving force kung bakit ka may blog? nung una nga gusto ko lang gawing diversion dahil nalulungkot nga ako rito sa singapore. nung panahong iyon nagsusulat ako para may history ako ng struggling years ko as an OFW. pero nang lumaon, naging interactive na. may bumibisita na kasi bukod sa mga kamag anak ko. nagsusulat ako, hindi naman para sumikat. gusto ko lang sabihin sa mundo na – hoy, mga ulul, narito ako! oo virginia, parang “Kilroy Was Here” ang dating.

9. Why do people point to their wrist when asking for the time, but don’t point to their crotch when they ask where the bathroom is? i don’t know.

10. Ano ang Blogkadahan? group ito ng mga pinoy bloggers from all over the world. mayron silang website and they post entries based on a particular agreed upon topic. iba ibang personalities kaya sigurado ka na mayrong diversity sa opinion, sa point of view at sa paraan at style ng pagsusulat. for that alone, the website is an interesting read. karamihan sa mga members ay nasa 30 to 50 years old. pero mayron ding tulad ko na nasa early 20’s. twenty years nang namamasukan.

11. Why do people look into tissues after they blow their nose ? What are they expecting to see? ewan ko. tinitingnan nila siguro kung may free.

12. What’s the best thing that blogging has brought you since you started? naging sikat ako at maraming nga babae ang pumipila sa labas ng bahay para dugasin ang underwear ko. dumami rin ang mga kaibigan ko na pwedeng utangan. paminsan minsan nababanggit sa newspaper kaya huwag kayong magtaka kung minsan makita ninyo ang mukha ko sa pinagbalutan ng tinapa.

13. what do you hate most about blogging? visiting blog sites that don’t have any content. ang mga blog sites na walang content ay parang mga empty shells. simple lang naman ang sikreto para bumalik ang mga tao sa site mo parati. here’s the secret: write interesting and compelling posts. it doesn’t have to be about “deep topics”. as long as it is written very well, it will stand out.

14. what is the most you like about blogging? na panabla ito. you can be the simplest person in the world, but if you’ve published a good enough post, people will notice and your visitors will increase. you don’t need to be the heavyweight champion of the world (ika nga ni dylan), if you’ve got a great site, people will come. hindi ba napakasarap marining ang “AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH, I’M COMING”.

15. May is national masturbation month, what are you going to do about it? wala na. retired na ako sa masturbation for now.

16. anong masasabi mo sa mga taong ngayon lang balak mag blog? pakabait kayo’t magsulat ng mga interesting na post. tama na yung mga entry na “today, i have nothing to say, that’s why i want to talk about how my dirty socks smell”.

17. ano ba ang advise mo tungkol sa appearance ng mga template? ah yan importante rin – kailangan simple lang. hindi cluttered. dapat din walang mga lumilipad na animation. dapat walang automatic music na tutugtog. dapat hindi rin masakit sa mata ang color combination – walang purple text on orange background. yung mga pictures dapat maliliit lang ang file size para hindi matagal mag load. ano pa ba? ah, kailangan simple lang. ay – nabanggit ko na pala. paandarin parati ang pilosopiya ng “Occam’s Razor“. inaderwords, KISS – ie, keep it simple stupid.

18. anong nagpapasaya sa iyo sa pagblog? pag may OFW na sumulat sa akin at sinasabing nakakapag identify siya sa mga kinukwento ko.

19. may standard practices ba sa pag blog para maging successful ito at maraming bumisita? wala. anything goes basta interesting at hindi nakakasakit ng ibang tao.

20. ano ang mangyayari pag nag ahit kayo ng kilay sa kaliwang mata? magmumukha kang mataray

IT PUTS THE KETCHUP ON ITS FORESKIN OR ELSE IT GETS THE HOSE AGAIN

GENTLE READER: dear unkyel batjay. mayron po akong suliranin na gustong ikwento po sa inyo in the hope na mabibigyan po ninyo ako ng magandang payo. ako po ay isang OFW na naka assign dito po sa isang private zoo ng isang prominent family sa middle east. nagtapos po ako ng veterinary medicine at nag-aalaga ng iba’t ibang mga hayup rito. naiwan po ang asawa ko’t mga anak sa pilipinas kung kaya’t sobrang lungkot po talaga ng buhay ko. ang problema ko po ay tungkol sa sex. napakataas po ng sexual drive ko at minsan nga ay naiisip kong makipagtalik na lang sa mga alaga kong tupa. ano po ang pwede kong gawin para hindi matukso? salamat po sa inyo.

BATJAY: dear gentle reader, mahirap nga yang problema mo. may fetish ka pala sa mga pek pek ng mga sheep. bad yan. ang payong ibibigay ko ay galing pa sa kaibigan ko na isang batikang abogado. ganito raw ang gawin mo: kapag ika’y may malakas na sexual urge, kumuha ka ng ketchup at ipahid mo ito liberally sa pototoy mo. tapos padilaan mo na lang raw ito sa alaga mong aso.

FULLY EXPOSED

BATJAY PORNSTAR nagsimula akong mag blog nung september 2001. just around the time ng pag crash ng mga eroplano sa world trade center. isang buwan pa lang ako sa singapore nung time na yon, malungkot at undersexed. in short, homesick ako at namimiss ko si jet. i was almost at a point of giving up. mas masarap kasi sa pilipinas – may sariling bahay, maganda naman ang trabaho at kasama pa ang mga kaibigan at kamag-anak. ang aking frame of mind when i started working in singapore: bored and unhappy. ang site na ito ang tumulong to keep the demons at bay, so to speak. naging therapy ko ito pag homesick. pag sobra na sa pag ingles at gustong managalog, dito lang ako pupunta. for about a year i kept my site private pero nang magtagal, napansin ko may mga bumibisita na at eventually may mga naglalagay ng mga comments. pagtapos, may mga nakilala na rin na mga disenteng mga tao (na tulad kong perverted inside) na naging mga kaibigan ko (pwedeng utangan – BWAHAHA). tapos ngayon, na feature pa ako sa dyaryo. kung may kaunti kayong barya, bili naman kayo ng manila bulletin at basahin ang “BLOG-O-RAMA” article ni Annalyn Jusay. naka feature ako, believe it or not. hehehe. not bad for a simple bastos OFW from singapore na isang dating supot pero tuli na ngayon kaya wala nang kupal. bilang pagpapasalamat, hayaan nyo akong mag speech…

ay wan tu tenk Annalyn Jusay for being mahusay. ay wan tu tenk my parents for giving me baon. ay wan tu tenk god for making me pogi and most of all, for giving me a nice looking penis that i play around with sometimes. ay wan tu tenk my wife jet for loving me in spite of my eccentric behavior and for always being by my side all these 14 years. i also wish for world peace! (sabay kaway na parang miss universe)

MAYROONG HIMALA!!!

LUNES ng umaga. nasa POEA office para kumuha ng exit permit at pinagmamasdan ang isang kilometrong pila na malapit nang tayuan…

BATJAY: malapit na ako sa counter ng POEA, kung may diyos – sana naman ay pag dating ko sa harap ay may makakilala sa akin na empleyado na maawa sa akin at i-process ang exit permit ko. sige na naman po bathala… marami pa akong gagawin sa trabaho at ayokong tumayo at mangulangot sa isang kilometrong haba na pila. please, please, pretty please. ayan na nasa counter na ako. o diyos ko, diyos ko, ito ba’y pagsubok mo…

POEA EMPLOYEE: Brother BATJAY – kilala ko po kayo! taga novaliches din po ako at parati ko kayong nakikita sa simbahan ng talipapa. kilala ko rin mommy mo! AAAY! ang pogi pogi mo pa rin kahit gurang ka na – akina yang application mo, ako nang bahala sa iyo.

BATJAY: MAYRONG HIMALAAAAA!

in less than 30 minutes ay na-process ko ang aking OFW exit permit. the shortest time ever na nangyari ito in 4 years. a good sign – sana swertehin ako ng husto dito sa bayang magiliw ngayong linggo. ang sarap talaga sa pilipinas. ang babait ng mga tao at parating silang nakangiti kahit mahirap ang buhay. i love to be back home.