Magpunta ka sa tindahan sa tapat, magpalit ka ng balat

tuwing naririnig ko ang “reklamo ng reklamo” ng jerks eh parang kinukurot ang puso ko. halos araw-araw pa naman ata eh pinapatugtog ko ito dahil isa ito sa aking paboritong kanta kaya every now and then eh mayroon akong mga little heart attacks.

Kay dami ng problema
ang iyong makikita
Ngunit ito’y lalala pa kung aalis ka
Pagkatanggap ng pagkatalo
Kung ika’y tatakbo
At kung ikaw’y susuko
Puri mo’y ilako

pakiramdam ko kasi minsan, ako yung binabanggit ni chikoy sa kanta na tumanggap ng pagkatalo’t hindi na nakayanan ang hirap ng buhay sa pilipinas at umalis. sinasabi ko na lang sa sarili ko na kailangan talaga na nasa abroad dahil marami kaming tinutulungan na mag-asawa. iniisip ko na lang na kahit nasa ibang bansa kami ay ipagmamalaki ko pa rin ang pagka pinoy ko. hindi naman talaga pwedeng ipagkaila kasi pinoy na pinoy talaga na dating ng kutis betlog ko. kaya nga sana eh hindi ako magka stiff neck para makalingon ako sa aking pinanggalingan.
Continue reading

They paved paradise and put up a parking lot

kung gusto mong itaas ang estado ng buhay mo, hindi talaga pwedeng parati na ka na lang kuntento at maligaya. magiging stagnant kasi ang buhay mo at kamot bayag at tiyan ka na lang habangbuhay. for some people, acceptable ito but not for us who want to make our world better and our lives meaningful. sinasabi ko ito kasi karamihan ng mga OFW na tulad ko ay nag decide mag abroad kahit alam nilang mahirap dahil gusto nilang pagandahin ang buhay nila at ng kanilang pamilya.

pero may mga trade-offs kang dapat timbangin. pag nasa pilipinas ka, masaya pero walang pera. pag abroad, may pera pero hindi kasing saya. kailangan ata eh tanggapin mo na ganito talaga ang takbo ng buhay para makadiskarte ka at makagawa ng paraan para magkaroon ito ng kabuluan.
Continue reading

Tired of lying in the sunshine staying home to watch the rain

hindi ko namalayan dahil lumipas ang september ng mabilis. limang taon na pala ang kwentong tambay. nagsumula akong magsulat ng journal ng september 2001, a few days before 9/11. kakarating ko pa lang sa singapore – malungkot dahil naiwan si jet sa pilipinas, homesick at miserable. worried din dahil naiwan ang mommy ko who at that time was 77 years old. conflicted din ako dahil sa isip ko, parang tinalikuran ko ang aking bayang magiliw.

pero anong magagawa ko? kailangan ko namang kumita ng pera para buhayin ang pamilya ko. pera na hindi ko kayang kitain sa pilipinas kahit magtrabaho ako ng 24 hours. wala naman akong magic kaya hindi ako pwedeng tumae ng ginto. hindi naman ako gwapo kaya di ako pwedeng mag-artista (although sabi ng misis ko eh kyut daw ako). hindi naman ako garapal kaya ayokong pumasok sa pulitika at mag take advantage ng ibang tao. ang pinaka praktikal na option ay umalis.
Continue reading

FAMILY PHOTO

BOOK UPDATE: mayroong akong interview na lumabas sa manila bulletin kahapon (Monday September 11, 2006) – ang balita ko nga, may picture kami ni jet sa article. maraming salamat kay annalyn jusay sa pag devote ng space sa newspaper para ipakilala ang Kwentong Tambay book. ang husay talaga ni AJay. kung hindi kayo nakakuha ng kopya ng dyaryo, basahin nyo na lang online o kaya abangan na lang ninyo pag naging pambalot na ito ng tinapa.

Here’s the full interview…

Continue reading

The older you get, the tougher it is to lose weight

dear unkyel batjay,

ako po’y isang pinoy na OFW at based dito sa singapore. 5’1 po ang height ko at mahigit 250 pounds. ang sarap po kasi ng pagkain dito at halos araw-araw ay lamon ang kain ko. hindi ko na po alam ang gagawin kasi ayaw na po akong tabihan ng misis ko. tulungan po ninyo ako.

lubos na gumagalang,
gentle reader


Continue reading

riding out tonight to case the promised land

dear unkyel batjay,

kamusta na po kayo. bago po ang lahat ay hayaan nyo munang batiin ko kayo ng isang magandang araw, sampu ng inyong mahal sa buhay. unkyel, alam ko po kasi na matagal ka nang buma byahe at sanay ka na sa mga kung ano ang dapat gawin pag may trip, kaya nga po kayo ang unang naisip ko para hingan ng advice. dahil po kasi sa kakulangan ng trabaho dito sa pilipinas ay nag decide na po akong mag abroad. nag-apply po ako para magtrabaho bilang isang veterinarian sa middle east. maganda naman po ang sweldong ibinigay sa akin at ok naman ang mga benefits. ako po yata ang mag-aalaga ng private zoo ng isang arabian sheik doon. kamakailan po ay pumirma na ako ng dalawang taong kotrata at makakaalis raw po ako ng either may or june. unkyel narito po ang aking tanong, kung inyo pong mamarapatin: ano po ba ang maipapayo ninyo para sa isang tulad ko na isang pinoy na ngayon pa lang makaka-alis ng pilipinas para makipagsapalaran sa abroad?

yun lang po at lubos na gumagalang,
gentle reader

Continue reading

There Are Three Kinds of People – Those Who Can Count and Those Who Can’t

my ito ang hitsura ng opisina ko dito sa california. mayroon akong “room with a view”, bagay na labis kong ikinatutuwa. pag silip ko nga sa labas, bukod sa mga sira ulo at malilibog na kuneho, nakikita ko ang basketball court at ang beach volleyball area. tuwing tanghali, maraming mga taong naglalaro at pinapanood ko sila habang kumakain ng lunch. ang galing nga ng opisina namin (actually “campus” ang tawag namin dito), it has something for everyone. i love my job. bagay kasi ang kumpanya sa personality ko. i love the irreverence and the culture. i also love the free food, but that’s another story. dito lang ako nakakakita ng mga nagtatrabaho ng naka shorts, mahilig sa rock music at kung ano anong mga twisted na personality ng mga empleyado. gusto ko rin yung individual na dekorasyon ang ginagawa sa mga kwarto at cubicle sa opisina. bawat pwesto ay reflection ng personality ng mga taong nagtatrabaho doon. mayroong cublicle na para kang nasa loob ng sports car, mayroon namang para kang nasa space ship, mayroon parang amusemnt park, ang iba naman ay puno ng mga gadgets, maraming mga litrato ng mga anak at kung ano ano pa. yung opisina ko ay medyo ‘ala pang laman dahil kulang sa oras mag ayos. pero at the moment, hindi naman siya exactly totally bare. bukod doon sa “bird poop for sale” sign ko, mayroon akong mga sumusunod:

Continue reading

Where there is a stink of shit there is a smell of being

Glorious, suwerte ka raw pag nataihan ka ng ibon. at least yan ang kasabihan ng mga taga asia. naniniwala ako rito. nung grade five kasi kami, yung isang classmate ko, nabagsakan ng ebs ng tarat habang kumakain kami sa gym. muntik na ngang ma shoot sa lunch niya, pero lumihiis ito at tumama sa balikat niya. naiyak nga siya (siguro dahil napahiya). pero look at him now – isang successful na negosyante. panay na lang ang pasok ang pera sa bulsa niya automatically at kahit di na siya magtrabaho hanggang sa mamatay siya eh hindi na siya magugutom. all that good luck later on his life, dahil lamang sa isang fateful shitty day. sana ako rin swertehin – nung first day of work ko kasi dito sa america, yung bintana ng kuwarto ko ay nataihan ng ibon. hindi ko alam kung anong ibon pero betchabygollywow, ang laking kalat ang ginawa niya (please see picture). sabi nga ng room mate kong si claus eh baka ostrich daw ang tumae sa bintana ko. impossible naman kasi, una, walang ostrich dito sa california. ikalawa, hindi naman lumilipad ang ostrich (oo nga pala, PYI: nasa top floor ang office ko). baka agila o lawin – marami kasing umaaligid dito. siguro hina-hunting nila yung mga sira ulong kuneho na takbo ng takbo sa office grounds namin. heniway, gumawa nga ako ng “FOR SALE” sign para naman malagyan ng kaunting dekorasyon ang opis. lahat nga ng dumadaan ngayon ay humihinto at natatawa – nagiging conversation piece tuloy (“what you got there, jay?”, “can i get one of them bird shit too?”, “what in the hell is that thing on your window?”, “fucking shit!”, “holy shi!t”, “hey jay, you’re full of shit!” and many other words to that effect). sikat na nga ako ngayon – “you know who jay is, right? he’s that new guy from building 1 with the big bird shit on the window”. for all the crap i’ve been getting (pun intended), sana naman mas swertehin kami ni jet dito sa amerika. sabi nga ni brader mike eh – “emen to dat, ale-luya!

Only in America do we leave cars worth thousands of dollars in the driveway

gusto ko lang ipaalam sa inyo mga dear brader en sister na natapos na po ang aking actual behind the wheel driving test kaninang tanghali. nakakatakot din pala na may katabi ka sa kotse na taong may kapangyarihan sa buhay mo. taong pwedeng mag decide kung kotse or bisikleta ang dadalhin mong sasakyan sa amerika. oo, ninerbyos ako virginia. but not too much. confident naman ako sa kakayahan ko dahil mahigit 15 years na naman akong driver. but you can never know what can happen kaya naroon pa rin ang kaba. kotse ng kaibigan namin ni jet ang dala ko para sa test – lucky car daw iyon at marami nang mga naipasang mga wannabee drivers na tulad ko.

Continue reading

When a man opens a car door for his wife, it’s either a new car or a new wife

bukas na ng tanghali ang actual driving test ko. magmamaneho ako ng kotse habang may nakaupo sa passenger seat na magbibigay sa akin ng grade. pag pumasa ako rito ay mabibigyan na ako ng california driving license. pag sumabit ako eh maglalakad na lang siguro ako papunta sa opisina. kinakabahan na nga ako eh – ano kaya ang ipapagawa nila? magpapa parallel park kaya sila sa akin? ang hirap noon. yung “parallel” nga (eg, palaler, pararer, palerel), hindi ko ma pronounce ng maigi, actual na parellel parking pa.

Continue reading