hunger games

opening ng hunger games kaninang hating gabi. nung dumadaan ako sa tabi ng mahabang pila na nakapulupot sa sinehan ay bigla akong napahinto ng may dalawang makulit na teenager ang pumito sa akin. ngayon, alam ko na kung ano ang pakiramdam ng maging isang sex object.

pero kinilig pa rin ako. hehehe.

Storm Clouds

nagbabadya na naman ang pagdating ng ulan. may snow ngayon sa tuktok ng saddleback. sarap ngang pagmasdan.

.flickr-photo { border: solid 2px #000000; }
.flickr-yourcomment { }
.flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; }
.flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }


ash wednesday

dahil ash wednesday ngayon, dadalawin ko ang yosi boy kong kapitbahay na nagbubuga ng usok sa bahay namin at papatayin ko yung yosi sa noo niya.

amen.

.flickr-photo { border: solid 2px #000000; }
.flickr-yourcomment { }
.flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; }
.flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }


die! die! die!

dear mommy,

pwede ko ba ipagdasal kay lord na mamatay na lang sana sa lung cancer yung kapitbahay kong naninigarilyo? pumapasok kasi sa bahay namin yung usok pag nagyoyosi siya sa patio. iniwan kong bukas yung sliding door hababng naliligo ako kasi madyo mainit. pag labas ko sa banyo, amoy usok na yung buong bahay.

kung hindi ka pa siguro nagbalik-loob kay lord, malamang sasabihin mo sa kanya ay “puntang inang yan, kaputa putahan siya ng ina niya”. sa tutuo lang, yan ang sentimyento ko ngayon.

ingat na lang diyan sa maynila. love you,

jay

corruption

mayroon akong online training ngayon tungkol sa corruption, i.e., kung ano ito, kung paano ito malalaman at kung ano ang dapat gawin para maiwasan.

sabi ko sa boss ko, dahil sa experience ko sa pagtatrabaho sa asia-pacific, ako ang dapat mag train sa mga trainers.