Unknown's avatar

About batjay

I am an overseas filipino worker. Now, I am part of that "babalik ka rin crowd" you see around christmas time, arriving at the NAIA in droves from all over, gold chain around their necks, in jeans and maong jacket, ray-ban shades, goatee, and baseball cap, pababa pa lang ang eroplano kinukuha na ang hand-carry luggage at nagpapalakpakan na't handang halikan ang lupa pagka-landing!

steve .45

nung nasa atari raw nagtatrabaho si steve jobs, nilagay siya ng may-ari sa night shift kasi masyado raw malakas ang dating at malakas din daw ang putok. yan ang isa lang sa mga impoertanteng natutunan ko sa pakikinig sa biography ni pareng steve.

instant karma

punong puno ako ng good karma ngayon. kaninang umaga, may hinabol akong ale na nakalimutang tanggalin ang card niya sa ATM machine. tuwang tuwa sa akin ang bruha, halos halikan ako ng lips to lips. magkano kaya ang pera sa account niya? hindi ko na inalam.

Pag Tumama Ako sa Lotto

  1. pag tumama ako sa lotto, ang una kong gagawin ay paputiin ang butas ng pwet ko para maganda tingnan kahit na sa closeup picture.
  2. pag tumama ako sa lotto, ang pangalawa kong gagawin ay magpa brazilian ng kili-kili.
  3. pag tumama ako sa lotto, ang pangatlo kong gagawin ay mag hire ng katulong na taga bukas ng butong pakwan.
  4. pag tumama ako sa lotto, ang pang-apat kong gagawin ay magpagawa sa mga scientist sa NASA ng diet pork belly na nakakagaling sa stroke.