Unknown's avatar

About batjay

I am an overseas filipino worker. Now, I am part of that "babalik ka rin crowd" you see around christmas time, arriving at the NAIA in droves from all over, gold chain around their necks, in jeans and maong jacket, ray-ban shades, goatee, and baseball cap, pababa pa lang ang eroplano kinukuha na ang hand-carry luggage at nagpapalakpakan na't handang halikan ang lupa pagka-landing!

ang mga pinakikinggan kong podcast

pagtapos ng ilang taong pakikinig ng ibat-ibang mga podcast, tatlo na lang ang natirang matibay sa iPhone ko na parati kong pinakikinggan.

  1. Here’s the Thing ni Alec Baldwin 
  2. Fresh Air ni Terry Gross
  3. WTF ni Marc Maron

bakit eto na lang? kasi, ang tatlong podcast na ito ay, bukod sa marami akong natututunan eh, nakakaaliw pa sila’t nakakatawa. hindi sila… ano ba sa tagalog ang pretentious?

someday never comes

kakabili ko nga pala ng bagong “wrote a song for everyone” CD ni fogerty at laman na ito ng playlist ko sa kotse at sa aking pagtakbo. isa sa paborito ko ang “someday never comes” for a number of reasons.

alam mo yung parating sinasabi ng mga matatanda na “balang araw, maiintindihan mo…” and you can fill in the blanks: balang araw, maiintindihan mo kung bakit ako umalis, kung bakit kami naghiwalay ng mommy mo, kung bakit walang perang pang enroll. para kay fogerty, BS lahat ng ito.

sabi niya “you better learn it fast; you better learn it young ’cause someday never comes, someday never comes”

 

Abdulkader Maroof Omar

dear unkyel batjay,

tulungan po ninyo ako. sa sobrang lungkot ko eh kanina, pinatulan ko na yung penpal kong si abdulkader maroof omar na taga iraq na parating nagpapadala ng email sa akin dahil gusto niyang manghingi ng pera para madala niya ang pamilya niya sa amerika.

nagmamahal,
gentle reader

 

dear uncle nick

birthday nga pala ni unkyel nick ngayon, ang inspirasyon ng “dear unkyel batjay“. sabi ng mommy ko, pag hinarap daw ako sa daddy ko at nagpaligsahan kami ng boses, ako raw ay mistulang boses kike.

maraming pinalaglag na panty ang boses ni uncle nick. yan ang dahilan kung bakit libo-libo ang kapatid ko sa labas. BWAHAHAHA.