Said the Alligator King

parang gusto kong matawa, mang boy. kaya lang namatay si manang. basahin na lang ninyo yung article, kahit yung unang dalawang paragraphs lang.

After briefly getting away from the alligator Friday, the woman stood in waist deep water in the Kiawah Island pond and said “I guess I wont do this again,” but the alligator grabbed her in its jaws again and took her under, according to a supplemental police report released Tuesday.

Notre Dame of Manila Batch 83 Zoom Party

Tatlong Dennis, Limang Bong, Tatlong Kalbo, Isang makapal pa rin ang buhok (tangina, inggit ako), Apat na Gout, Tatlong Diabetes, Isang Atake sa Puso. Marami nang nadedo pero buhay pa rin ang samahan.

#NotreDameofManilaBatch83 Zoom Party

kagat-kagatin ang tira-tira

Crispy Binagoongan Part 3 – pasarap ng pasarap, mang boy, habang tumatagal. mayroon pa sigurong Part 4, pagkatapos susunod kong lulutuin ito ay sa pasko na siguro.‪

may natira pang kaunting ulam – gawin ko kayang #binagoongan fried rice?‬

ABS-CBN in the time of Corona

ang libangan ng mommy kong 96 years old ay manood ng telenovela, TV patrol, vice ganda at iba’t ibang walang kwentang palabas sa channel 2 buong araw at gabi. ito lang ang kaligayahan niya.

kung sino man ang nagpasara sa #ABSCBN: ipinalangin ko kay baby jesus, kay mama mary, at kay san jose na nasingitan na sana tubuan kayo ng makating galis sa likod na hindi ninyo maabot kamutin.

Gupit ng Buhok in the Time of Corona

dear mang boy,

narito na yung inorder kong hair clipper, pagkatapos maghintay ng mahigit isang buwan. akala ko nga di na darating at iniisip ko nang sunugin na lang yung ulo ko. dalawang clipper nga pala ang nasa kahon – isang malaki at isang maliit. tamang tama yung maliit – mamaya pagkadilim, guguputin ko na yung mga buhok ko sa betlog at sa paligid ng butas ng pwet.

nagmamahal,
unkyel batjay