skin tone so shiny

malapit nang mag isang buwan ang winter dito sa california pero di ko pa rin nararamdaman ang lamig na dala nito. para naman kasing lumalamig dito sa southern california. hehehe.

pero that’s beside the point. mild talaga ang winter ngayon. nawala nang lahat yung snow sa mga bundok at tirik na tirik ang araw kaya nga apektado ang aking skin tone. sabi nga ng isa kong ka-opisina, ang brown daw ng kutis ko.

sabi ko na lang, “i’m from southeast asia, dah-ling, my skin in betlog brown”.

titanic

hanggang ngayon, hindi ko pa rin napapanood ang titanic. pakiwari ko, para akong member ng exclusive club kasi halos lahat sa mga kakilala ko ay pinanood ito ng dalawa o tatlong beses.

bakit ko ito hindi pinanood? ayoko kasi ng mga pelikulang predictable. para naman kasing di ko alam na lulubog ang barko sa pagtapos ng pelikula. ang hindi ko alam ay ang dahilan ng pablubog.

ngayon ko lang nalaman na kaya raw lumubog ang titanic at dahil nabwisit yung kapitan kay celine dion dahil paulit-ulit niyang narinig ang “my heart will go on”. sa sobrang pagkapikon ng kaiptan, ibinangga niya ang barko sa paparating na iceberg.

Predictions for 2012

1. may makakaimbento sa los banos ng bigas na kasing laki ng saging ang butil.

2. uulan ng palaka sa balintawak at tatanghalin itong milagro ng mga mormon.

3. may magpapatunay na mataas pala talaga ang nutrition content ng kulangot, much to the delight of 3 year olds worldwide.

4. may makakadiskubre na nakakataas ng cholesterol ang pagkain ng kangkong kaya labintatlong taong mahilig sa sinigang ang magpapakamatay.

5. may pinoy scientist na makaka diskubre na pwedeng gamot sa lung cancer ang pagkain ng tangkay ng talong.