napansin ko etong mga nakaraang dalawang linggo na may increase siguro ng mga 200% sa mga naglalakad at tumatakbo sa kalsada dito sa irvine. pakiwari ko eh ito yung mga mayroong new year’s resolution na magbawas sa pagkain at mag exercise. mahahalata mo naman yung mga ngayon lang nag simula: tabingi ang takbo at hinihingal na halos tirik ang mata sa paghabol ng hininga. good luck sa kanila.
Shaolin Master #05
With insufficiency my heart to sway
pagpasok ko kaninang umaga, walang kalaman laman yung opisina ko. tanggal lahat ng mga gamit. simot yung bookshelves. tanggal din yung mga certificates, posters, pictures at calendaryo sa dingding. pati yung name plate ko sa pinto ay nawala. bigla kong naisip kung nasibak ako sa trabaho nung christmas break at walang nagsabi sa akin. posibleng mangyari dahil masama ang economy. pero bakit naman gumana yung security access ko? bigla akong natawa ng malakas.
The working, the working, just the working life
balik na naman sa opisina bukas pagkatapos ng dalawang linggong bakasyon. sabi ko nga, i’m not exactly thrilled. kaya lang naisip ko rin, i should be thrilled dahil may trabaho pa ako in spite of the downturn in the economy kung saan kaliwa’t kanan ko ay puro retrenchment at lay offs. ano ba ang pagkakaiba ng retrenchment sa lay-off?
ang mga unang oras sa opisina pagkatapos ng bakasyon ang pinakamahirap. pilit mo kasing ina-alala kung ano ang gagawin mo. tapos, pag naisip mo kung ano na talaga ang gagawin mo, ayaw mo naman itong gawin dahil tinatamad ka pa. tanginang buhay yan.
Air BatJay
last working day of the year kaya napatalon ako sa saya. despedida rin ni ceci, kaopisina ko at kaibigan na siyang tumulong sa amin ni jet nung lumipat kami rito sa california. bittersweet pag may aalis na kaibigan sa opisina. happy ka dahil may asenso sa career nila pero malungkot dahil di mo na sila makakatrabaho.
Christmas in Milpitas
.flickr-photo { border: solid 2px #000000; }
.flickr-yourcomment { }
.flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; }
.flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }
mahigit atang 15 years na hindi nagkita ang mommy ko at ang kanyang bunsong kapatid. si tiong anas – anastacio, sa mga kaibigan niya. pag sa biglang tingin, akala mo si sean connery. major chick boy pero retired na raw siya ngayon. matulis pa rin. si maricel yung nasa gitna, anak niya at pinsan ko. mom is on the left – 85 years old na pero may asim pa rin.
POGI AKO!
.flickr-photo { border: solid 2px #000000; }
.flickr-yourcomment { }
.flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; }
.flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }
kitang kita ang kutis betlog ko sa larawan na ito. di bale, balbon naman. hehehe. bumili ako ng tag na bracelet. sinusuot ko ito pag tumatakbo ako at nagbibisikleta. you know, just in case.
Notre Dame of Manila Batch ’83 – 25 years
nag celebrate ang batch namin sa notre dame of manila ng 25th year anniversary this year. mayroong mga celebrations sa pilipinas at dito sa california. yung sa pilipinas ay sa 27th gagawin. yung sa california ay ginawa nung saturday.
Kung bakit ayaw kong magsuot ng swimming trunks
Image
Mister Pogi Pose
si TJ at ang mommy niyang si donna ang naghatid sa mommy ko papunta rito sa amerika. apo ko na si TJ dahil si donna ay anak ng panganay kong kapatid na si gigi na pinanganak ng mommy ko nung panahon ng hapon.






