compassion and acceptance in a godless world

ang isang benepisyo ng walang diyos eh hindi mo dala ang bagahe ng mahigit dalawang libong taon na paniniwala. pag may kaharap kang tao, di mo siya tinitingnan batay sa kayang paniniwala o kasarian. tapos, pwede ka pang kumain ng sisig at lechon kawali kahit na alas tres pa ng hapon ng biyernes santo.

SPF 15

new rule: the 1st runner-up to the pope will be holding the duties and responsibilities of pope if for any reason, the current pope can’t fulfill the role of pope. also, best in swim suit cardinal will get a lifetime supply of Coppertone Tanning Lotion SPF 15.

brown smoke

ang sabi ni cardinal botong, ang archbishop ng novaliches: kapag daw brown smoke ang lumabas sa chimney ng sistene chapel, ito raw ang senyales na mayroon nang filipino pope kasi patunay raw ito na nagsimula nang magluto ang kusinero ng vatican ng sisig.

home

nakatanggap ako ng email nung weekend tungkol kay mr. gabertan, ang teacher ko sa history nung high school sa notre dame. mayroon siyang karamdaman at nawala siya sa domestic airport nung pauwi sila ng kanyang asawa sa cotabato.

pagtapos ng apat na araw, natagpuan siya sa campus ng notre dame sa kalookan.

LBM with cough is deadly

cough shit

bagong nadiskubreng medical condition kung saan nagsasabay ang diarrhea at whooping cough. ang sabi ng mga kakagaling lang sa sakit na ito, isa raw ito sa pinakamahirap na naranasan nila at sobrang gastos daw sa labada.

justified

pinapanood ko ang Justified ngayon for the first time, binge style, through Amazon Prime. tungkol ito sa buhay ni us marshall raylan givens, isang gunslinger na may cowboy hat na tumutugis ng mga bad guys sa 21st century kentucky.

tulad ni raylan, gusto ko ring maging anachronism. hey, big word – look it up. an anachronistic pinoy pulis, kung saan kakalabanin ko ang mga masasamang loob ng maynila gamit ang malaking itak, nakasuot ng salakot na may KKK sa harap, naka camisa de chino at may pang ibabang pulang pantalon.