DYOGANG NAGMIMILAGRO

“miraculous tits?”, sabi sa aking ng waiter kaninang lunch.
“i beg your pardon?”, sabi ko.
“miraculous tits? you know, you finished eating already, i’ll take your glass, spoon and fork and plates”.

(PREGNANT PAUSE…)

“aaaaaaah, may i clear your plates. uh, ok.”

SIDELINE

alam mong masarap na sideline dito sa singapore? furniture! kaninang umaga pag labas ko sa flat namin ay dumaan ako sa garbage collection area. siguro mayrong 10 sofa doon ang nakapila para dispatsahin. tiningnan ko eh – pwede pa itong gamitin. konting repair lang sa apholstery – ok na ito.

tulad ng japan, throw-away society rin ang singapore. kung matiaga ka eh, sa isang taon siguro ay makakabuo ka ng isang bahay, mamulot ka lang ng mga tinatapon nila: tv set, sala set, cabinet, lamesa, silya, computer, damit, etc. etc. etc. pero ang pinakamarami ay sofa. ewan ko kung bakit. siguro eh ito ang pinaka bugbog dahil sa harap ng tv ang karaniwang tambayan ang mga tao pag nasa bahay.

PAALAM IKABOD

namatay na pala si nonoy marcelo.
ngayon ko lang nalaman.

idol ko si nonoy marcelo. isa siya sa pinaka-magaling
na cartoonist sa pilipinas. bokod sa strip na “aling otik”,
siya rin ang lumikha sa “ikabod bubwit”. ang mga kwento ni
ka nonoy sa ikabod bubwit at ang iba’t ibang daga ng dagalandia
ang naging salamin ng buhay nating mga pinoy
lalo na nung panahon ni marcos.

Continue reading →

AKYAT BAHAY

kagabi, nag-uusap kami ni jet habang naghahapunan. pinag-uusapan na naman namin ang mga pwede naming gawin sakaling bumalik na kami sa pilipinas. sabi niya eh mag-start daw kami ng NGO. tatawagin daw siyang… “TAHANANG WALANG PINTO”, half-way house para sa mga reforming magnanakaw at miyembro ng akyat bahay gang.

HORROR MOVIE REVIEW

Singapore, THE RING, mali mali naman: kanina sa mrt, may 2 pinay na naman akong nakatabi na nag-uusap ng malakas. pinagkukwentuhan nila ang pelikulang “the ring”. habang nakikinig ako, napansin ko, mali-mali ang kwento ni bruha sa kasama niyang bruha. hehehe… pati ako nalito sa istorya, eh kakapanood pa lang namin dito nung sabado.

DON’T TOUCH MY BIRDIE

perhaps you want to hear a funny parokya ni edgar song while watching the video of a group of friends who have been together for 32 years… ginawa ito ng kumpare kong si edgar maderazo, based na siya ngayon sa melbourne at siya ang network administrator ng monash university. kung interesado kayong mapanood ang MTV eh, punta na lang kayo by clicking on my BIRDIE…

this song is lovingly dedicated to my wife JET, who is celebrating her birthday today. happy happy birthday, my love.

DON'T TOUCH MY BIRDIE