i day before my mom’s birthday celebration. magkikita dapat kami sa labas nina greta at ate sharon. instead, nagpunta na lang sila sa bahay sa antipolo. di ko nakayanang magmaneho dahil sobrang sakit ng tiyan ko… pakiramdam ko eh parang may isang milyong bulateng nagwewelga sa loob.
THE SEXUAL HABITS OF COUPLES WITH CHILDREN
lipad ulit pabalik ng maynila. maraming salamat sa frequent flyer miles at makakauwi ng libre. problema ko lang eh tatlong beses na akong umeebak ngayon. pesteng LBM, bad sign.
nagkita kami ulit ngayong gabi ng mga classmate ko. maganda ang topic ng discussion namin: “THE SEXUAL HABITS OF COUPLES WITH CHILDREN”. in particular, ang mga techniques kung paano makipag sex sa asawa na hindi nalalaman o napapansin ng mga anak na kadalasan ay katabi nilang matulog. nakakatawa. hehe.
WHATEVER FATE DECREES
isa sa mga paborito kong kanta ni john lennon ang “grow old with me“. simple lang ito na love song at ang unang dalawang linya ay galing sa tula ni robert browning na “rabbi ben ezra“. bakit ko ba ito nabanggit? nagsesenti lang ako. ngayon kasi ang 13th anniversary ng kasal namin ni jet. ang tagal na nga pala namin ano? almost double the seven year itch. pero parang kailan lang. nagsimula kami, supot pa ako pareho kaming struggling na college graduates at pilit na pinapagkasya ang maliit na kita. ngayon, nakabili na kami ng sariling bahay (pulipeyd!) at saka tuli na ako.
LABOR IS BITTER BUT SWEET IS THE BREAD WHICH IT BUYS…
1. menudo
2. re-fried adobo
3. kesong puti
4. pansit bihon guisado
5. reno liver spread
6. ligo sardines
yang ang mga paborito kong palaman sa hot pandesal.
BUKANG LIWAYWAY
maagang maaga akong umalis ng bahay kanina. ang ganda nga, pasikat pa lang ang araw at ang galing ng iba’t ibang kulay ng langit. saksak ko ang beatles na CD sa kotsa at lumarga na. dinala ko ang boss ko ngayon sa laguna. tapos diretso kami ng airport pagtapos ng meeting namin. buti na lang rocker din siya at nasasakyan niya ang music ko dahil ang sama ng traffic the whole day. i almost forgot how stressful it is to drive the streets of manila on a rainy friday. boy, what a reality check this day was.
BAYANG MAGILIW. HANDA, AWIT
bumabagyo! hehe.. ok na ok dito sa bundok ng antipolo. masarap ang medyo malamig na simoy ng hangin na sinamahan ng makulimlim na panahon. para tuloy gusto kong bumalik sa kama at matulog. pero pupunta ako ng laguna mamayang hapon kaya kailangan nang bumangon. may appointment ako sa isang cliente na gumagawa ng gatas. gatas ng dalagang ina? hehe. gago. infant milk akshuli. makabili na rin tuloy ng kesong puti. alam nyo bang masarap ang prinitong kesong puti sa pandesal? flip nyo lang sa kawali, once over hanggang medyo halos matunaw, tapos hiwain at ipasok na sa pandesal. aytelyu, makakalimutan mong boypren mo pag natikman mo ito.
WONDERFUL BABY PERSKASIN
Don Lorenzo de Modesto and The Prada Mama are proud to announce the arrival of their first baby daughter, REANNA LOREN SERENO last Thursday, May 13, 2004 at 9:15 in the evening. She weighed in at 7 pounds 9 ounces and was 18 inches in length.
congratulations to my perskasins. sa wakas naka babae na rin. hehe.
IN MY LIFE
di ako makatulog. excited siguro masyado sa pag-uwi ang tumbong ko at di mapakali. lipad na kami ni jet in a few hours time pabalik sa bayang magiliw. special ang pag uwi na ito: makakapag celebrate kami ni jet ng aming 13th anniversary with our family and friends. siyempre 80th birthday din ng mommy ko. it’s also about the same date that jet and i decided to move to singapore, three years ago.
looking back nga, ang dami nang nangyari sa buhay ko itong mga nakaraang taon. hanggang ngayon di ko pa rin alam kung saan kami dadalhin nitong byaheng ito. ok lang, kahit saan. pero teka, huwag lang sa india. marami kasing holy cow doon eh.
isa sa paborito kong kanta ng beatles ay yung “in my life”. somehow, it best describes how i feel about this trip home. ni record ko nga kanina. practice lang dahil baka ito ang kantahin ko sa program during my mom’s party. alay ko rin ito sa mylab ko. pakinggan nyo. bibilisan ko lang siguro ng kaunti. nababagalan ako at para akong lasing na DOM. kulang na lang magsuot ako ng puting pantalon, bulaklaking polo at alahas.
TONIGHT THIS FOOL’S HALFWAY TO HEAVEN AND JUST A MILE OUTTA HELL…
nagpunta ulit ako kaninang umaga sa embassy natin para kumuha ng OEC (overseas employment certificate). uuwi kasi kami ni jet sa pilipinas bukas at inaayos ko nang lahat ang mga certificates para di na kailangan pang magpunta ng POEA sa ortigas. nakaka inis pumunta doon dahil kalahating araw ang waiting time. sa embassy ng singapore, 5 minutes lang.
TONIGHT THIS FOOL'S HALFWAY TO HEAVEN AND JUST A MILE OUTTA HELL…
nagpunta ulit ako kaninang umaga sa embassy natin para kumuha ng OEC (overseas employment certificate). uuwi kasi kami ni jet sa pilipinas bukas at inaayos ko nang lahat ang mga certificates para di na kailangan pang magpunta ng POEA sa ortigas. nakaka inis pumunta doon dahil kalahating araw ang waiting time. sa embassy ng singapore, 5 minutes lang.