TANONG: dear unkyel batjay, hindi po ito trick question. gusto ko lang pong malaman kung ano ang magandaing itanong pag may nakilala kang kambal for the first time.
SAGOT: “matagal ba ba kayong magkapatid?”

dear unkyel batjay,
galit po ba kayo sa mga babaing may edad na walang asawa?
ingat po sa inyo,
gentle reader
SAGOT NI BATJAY:
dear gentle reader,
wala akong issue tungkol sa mga single feminist na over 40. sa katunayan nga, mas gugustuhin ko pa nga na parang pito ng pulis ang tunog ng ihi nila kasya naman mag-asawa sila ng walang kwentang magpapaiyak lang sa kanila. para sa mga kababaihan na nagdecide to remain single by choice dahil walang lalaking worthy sa inyo, ang sagot ko ay “good for you” and more kilikili power! tapos na ang panahon ng pagkamartir. kaya magkantahan na lang tayo. para sa inyong lahat ang awit na ito… PAKINGGAN NINYO.
nagmamahal,
batjay
dear uncle batjay,
ano pa ba ang maipapayo ninyo sa kaibigan kong babae na ayaw mag-asawa. malapit na siyang mag 40 pero single pa rin. ang ganda ganda naman niya at maganda ang trabaho. parati ko nga siyang sinasabihan na piliin na lang maigi ang mga nanliligaw sa kanya. parang pihikan at enjoy pa yata niya ang pagkadalaga.
ingat po sa inyo,
gentle reader
SAGOT NI BATJAY:
dear gentle reader,
sabihin mo sa kanya eh mag-asawa na agad at baka magbago ang tunog ng ihi niya.

simula august 24 hanggang september 1 ay may special feature ang “Where in the world is Spiderman” site ko. itatanghal doon ang meditations ni marcus aurelius (oo virginia, siya yung emperor doon sa pelikulang gladiator na ginampanan ni richard harris pero hindi talaga yon ang storya ng buhay niya). tapos, may katambal ang meditations na mga kanta ni eddy vedder.
i call the photos my solar eclipse series. kinunan ko one winter morning sa sydney. kakadating ko lang galing sa airport and i had time in my hands. imbes na mangulangot, kinunan ko ang sunrise.
muntik na akong ma late kaninang umaga. panay raw kasi ang tingin ko sa bagong wall clock namin, sabi ni jet. bumili ako ng bago kagabi, kasi paatras na yung andar ng luma naming orasan. ang ganda nga ng nakuha ko – seiko. hindi siya pitaka. malaki ang face kaya ang sarap pagmasdan. tapos yung second hand ay continuous movement na parang automatic watch. mesmerizing.
JET: “papa, umalis ka na. baka ma late ka!”
BATJAY: “oo mylab, alam ko yung oras”
JET: “umalis ka na 7:45 na!”
BATJAY: “alam ko, kanina pa akong 7:35 and 42 seconds nakatingin sa relo. ang ganda kasi. di ko mailalis ang mata ko”
JET: “ang cute mo talaga. sarap mong kurutin!”
naalala ko tuloy nung 1st time kong magka relo. i was 6 years old. dahil bagong bili eh di siyempre tingin ako ng tingin every so often. napansin ito ng kapitbahay namin na si mrs. p (patay na siya ngayon). sabi niya sa akin: “hoy batjay, huwag kang tingin ng tingin sa relo mo, baka magkaron yan ng number 13“.

“dennis the menace doesn’t look like his father. could he be illegitimate?”
-valdimir nabokov, c1970
“McSweeney’s Quarterly Concern Issue 13” by Chris Ware. dahil na impress ako ng husto sa award winning “jimmy corrigan, the smartest kid on earth” graphic novel, susubukan ko itong bagong anthology na edited ni ware. sa cover pa lang mukhang pamatay na – it unfolds into a huge supplementary cartoon na puno ng mga maliliit na panels with intricately drawn scenes that is so typical of ware’s comic books. featured din ang mga rough sketches ni peanuts creator charles schulz at naroon din si art spiegelman, ang author ng pulitzer prize winning comics na “maus“.
“The League of Extraordinary Gentlemen – Volume II“ by alan moore. kalimutan na ninyo yung pangit na film adaptation and just concentrate on the graphic novel. dito sa 2nd installment ay tuloy na naman ang mga adventures ng grupo. and like the first volume, this one rocks. the story revolves around the “war of the worlds theme” pero nagulat ako dahil nagkatuluyan pala si allan quartermain at si mina. nag sex nga sila eh (ng maraming beses) – very graphic. hehe. ang galing – if you have time to read just one book, make it this one. or, make it chris ware’s book. either of the two will do.
tagumpay! hindi lason. hindi kaning baboy. ito ay beef stew (i think). sa unang pagkakataon sa tanang buhay ko, nakaluto na ako ng mas mahigit sa prito. sinundan ko ang recipe ni radical chef para sa beef stew. hayan, tingnan nyo ang ibidinsya (“sabi ng iba, bisaya raw ako. wala naman silang ibidinsya”. hehehe). according to jet masarap daw at lasang tinolang manok kaya lang maanghang. nilagyan ko kasi ng sangkatutak na paminta. pwede na talaga akong magbukas ng karinderya rito sa singapore. ano ba magandang pangalan? “the circumcised chef” siguro. BWAHAHAHA!
ok ang sunday namin ni jet. maaga akong nagising at diretso akong nag bike sa beach. maganda ang panahon kanina. mahangin at di masyading mainit. pagdating sa bahay, nagluto ako ng brunch namin. siyempre, kumakanta ako habang nagluluto. yan nga pala ang dahilan kung bakit maamo sa akin ang mga kumakain ng luto ko. tumatalsik kasi ang laway ko sa pagkain eh. hehehe. simple lang muna ngayong lunch – salmon with olive oil at ginisang toge. mamayang dinner ang medyo challenging: magluluto kasi ako ng beef stew. upgraded na ang skill set ko at graduate na ako sa stir fry. di na nga ako makapaghintay. sa sobrang excitement ko nga, parang gusto ko na namang mautot.
ang maganda pang nangyari ay sa sobrang ganda ng araw na ito (so far), biglang na inspire na mag blog ulit ang aking mylabopmayn kaya na break tuloy ang kayang hayatus. puntahan ninyo sa “My Life… A Cup of Deja Brew”