Oh my God, Sales the Lady!

BABY-IN-YOSI

sa singapore, pag bumili ka ng sigarillo, heto ang makikita mo sa kaha – sanggol na nag aagaw buhay. pero wala roong sumisigaw ng “oh my god, save the babies”. sa aking pananaw, mas malakas kasi ang tulak ng pagyosi kaysa sa pag intindi ng kalusugan.

i know. i used to be a very heavy smoker at walang litrato at cigarette price increase ang nakapagpigil sa akin nung araw para humitit. one thing i noticed about addictions is that you’ll always find a reason until it’s too late. ang isang regret ko sa buhay: sana hindi na lang ako natuto. maaga kasi akong nagsimula – 5th grade pa lang yata, marunong na akong mag sigarillo. mas matanda kasi sa akin ang barkada sa talipapa. pero, better late than later. at least i’ve kicked the habit and have been smoke free for almost four years now. sana hindi pa huli.

22 thoughts on “Oh my God, Sales the Lady!

  1. how’s it going bro. been trying to quit myself these past few months pero kulang pa din sa determination. did you do it cold turkey?

  2. wala nang gagaling pang method sa cold turkey. kung meron urge to smoke eh ikain na lang. di bale kung medyo mag-gain ng weight in the process, basta mas importante eh hindi ka maging yoyo quitter. ako dati yo-yo quitter. he he. this time around kung kelan ko hindi tinandaan kung kelan yung last stick saka pa ako naging successful. basta sometime early this year. no urge, candy lang katapat, promise. he he.

  3. hehey. very good, ate glo. buti nahinto mo. hindi lang ikaw ang beneficiary, pati si raine din ay affected in a very nice way.

    cold turkey rin ako and it was during the night of my mom’s 80th birthday when i smoked my last cigarette.

    simple na lang ngayon ang rationale ko sa hindi pag sigarillo and it’s very sensible – if you smoke, you’re going to die young.

  4. aba, astig naman yang cover na yan. haha. sana convincing, no? na-imgine ko na ang mga kaibigan kong nagyoyosi, malamang ang gagawin lang nila, ililipat sa mas magandang cigarette case ang mga sigarilyo. i can’t ever look at smoking the same way since my father died of heart attack last year. i wish more people would think of how difficult it will be for their families and themselves in the future when it’s payback time.

  5. ang problema kasi for smokers, especially for young smokers (teen agers hanggang mga 30ish) is that you feel like smoking doesn’t do any harm.

    then you approach 40 and suddenly you feel shortness of breath, you cough a lot, you can’t sing the high notes anymore and then it dawns on you – you’re not indestructible after all.

  6. 1st quarter ata ng taong ito nung nagpalabas ng tv ads na campaign against smoking.it shows a woman na me mouth cancer, na nirre-relay yung experience nya. she seems to be straight out of MJ’s thriller vid. disgusting, ika nga ng tatay ni hapislip.

    maliban sa campaign against smoking sa gapore, sobrang mahal pati, pero madami pa din ang nagyoyosi. me mga nagpupuslit nga papasok dahil sa kamahalan. dalawa na ang alam kong nahuli, isang jap at isang kabayan, pinagmulta pareho. pinabayaran lahat yung mga yosi na dala. pakiusap nga daw na itapon na lang, sige daw pero bayaran pa rin.
    ang mga kulukoy, hanggang ngayon nagsisiyosi pa rin. ang magpuslit daw ang di na uulitin. tsk!

  7. nagpapasok din ako dati nung nasa singapore kami nakatira. every time ako may business trip, bumibili ako sa duty free paalis tapos dinadala ko pabalik. nung malaman ko kung magkano ang fine, di ko na ginawa.

  8. welcome to the club! i quit 4 years ago too. cold turkey talaga! from that time on, i have avoided even one puff. to avoid gaining more weight, i played daily badminton for 6 months, lost 25 lbs. then shifted to gym workouts. i haven’t quit working out ever since. sarap ng feeling! now i can swim 10 laps w/o hingal plus all my blood tests are optimal. not bad for someone who started smoking at age 14 & only quit when at 43. exercise is now part of my day. congrats to us quitters!

  9. I have managed to be smoke free for several years and then it came back. Ngayon, hirap na hirap na ullit akong mag quit. And yes, tama ka, walang picture o testimonial pictures can make an addicted person quit. kaya naman bilib ako sa will power mo.

  10. Kuya Jay,

    Congratulations sa pag-quit mo. Sana marami pa ang tumulad sa inyo. I had an uncle who had Emphysema and he had to have oxygen supply 24/7 before he died. It’s really sad because people have the choice to quit while they are alive but just ignore the nagging voice.

    Mahirap talaga pero kung gusto kakayanin, kung away maraming dahilan.

  11. mahirap talagang mag quit ng smoking. kasing grabe yata ng nicotene addiction ang addiction sa heroine. hindi ko nga alam kung paano ko nagawa.

    the first year was very painful.

  12. i stayed for close to a year in indonesia and i was there for the duration of ramadan, nakita ko yung mga smokers breaking their fast with a puff. imagine yung mga 12 to 13 hrs without it eh me mga nanginginig na, yun pa kayang totally getting rid of it, ‘no? tapos sa planta pa yun, pagod at init dahil di makakapetiks sa trabaho gawa ng pinagsama-samang installation, start-up at commissioning (4 lng trains kasi ang nirevamp). malas mo pa kung sa boiler ka nakatokang magbantay, yay! tapos yosi ang pinangbe-break sa fasting nila? hahaha!

  13. Sa tutoo lang….

    I had several boyfriends before I met my husband…they all didn’t last longer than a few months at a time…kasi I would get turned off by their awfully bad breath…even out of their pores you could smell the cigarette stench. Well my husband is Australian and has never smoked and doesn’t drink alcohol either…his breath is like a baby’s….

    My friends all share this view….kissing a smoker or just being around one makes most women want to puke. Their saliva smells “panis”…

  14. Boss batjay

    Superstar kana pala…at kahit saan kana nakarating!!!! at ang dami ng adventures mo sa buhay na share mo pa sa buong OFW.God gifted ka talaga at baka ikaw ang next superhero dahil nakarating na si batjay sa AMERICA…

    Buti naman at natingil mo na ang yung YOSI…”.kabayo ang marka”

    Si Ting natanggal na rin ba ang yosi sa bulsa…

    Regards to Jet.

  15. salamat sa dalaw pare. parati kitang naiisip dahil matagal na tayong di nagkikita.

    tagal na kaming di nag-uusap ni tingga. umuwi ako last year pero sandali lang kaya wala akong masyadong nakita kundi si eileen. wala na akong bisyo ngayon. wala na yosi, kaunti na lang inom. parati ang exercise.

    daming tinutulungan at binabayaran kaya bawal magkasakit.

    ingat pare ko.
    jay

  16. …cold turkey? di ba pwedeng ihinto na lang, ba’t kailangan pang gumastos ng mas malaki…cold cuts para mas mura-mura…

    …pero tama yan, cold turkey (kung ano man yun)…basta malakas lang ang control mo sa inggit…dabarkads mo nagyo-yosi astig ang dating…pero nagawa ko naman ng dalawang taon na walang yosi, kasi 1001 beses ko na sinubukan tumigil…try and try lang…at may isang motivating reason behind sa pagtigil and hold on to it – strong-willed ika nga…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.