kahapon nag dinner kami ni jet kina leah at eder. enjoy kami as usual. masarap talagang makipag chikahan sa mga kapwa pinoy pag nasa malayong lugar. maraming salamat sa mga kwentong tambay nina sexy cherrie, reg the sandwomyn, nona, cecille, leah at eder. di pa rin nawala ang kwento tungkol sa pagkasupot at kung mahahaba raw ang titi ng mga bading. napansin din nina cherry at reg na pumayat daw ako – sasabihin ko sana, kasi panay ang mariang palad ko lately, kaya lang baka hindi sila matawa.
actually pati sa opis napansin na nila nag weight loss ko. ever since kasi my operation, i’ve been on a low carb diet. no sweet stuff, no coffee and no smoking. plenty of exercise as well. sa tingin ko (and i can certainly feel it) i’ve been at my healthiest in over 20 years. all of this thanks to my wife jet na parating nasa tabi ko at nagaasikaso sa akin. dahil naka diet nga ako, controlled ang lahat ng aking meals. gumigising si jet ng madaling araw para ayusin ang baon kong lunch. ang galing niya talaga. all that she does in spite of my quirks and eccentricities.
nung nasa ospital ako at helpless, si jet ang nag asikaso lahat ng pangangailangan ko. from what i eat to paying the bills. all my life, i’ve been the one to take care of myself and my family. ang sarap pala ng pakiramdam when you’re helpless at may mag aalaga sa iyo. hindi ko naman sinasabi na magpa opera rin kayo (tule? hehe), pero, when i was at my weakest, it was nice to know that somebody cares. tonight, i leave for a short trip in the land down under. iwan ko muna ang mylabopmayn ko for a while. kayo na lang bahala sa kanya. aliwin nyo ng mga kwento at mga comments. nalolongkot kasi siya pag umaalis ako.
mylab, salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. tonight i leave, ready, as if i was born to run that thunder road, thanks to you.
Alalay lang BatJay. Baka naman masobrahan weight loss mo. Dapat me target weight ka. Tapos tigil na. Manintenance na lang, pare ko. Smoking na lang problema mo (or hindi na din?), and you are assured of 10-12 more years added to your lifespan. Yup, totoo yan, ganyan ka-dramatic ang effects ng correct dieting. Congrats din ke BatJet! You are blessed to have her. 🙂
Ayan, la na… iiyak na naman ako. Para kang si Mommy mylab e. La nang ginawa kundi paiyakin ako. Basta ingat ka lagi. Don’t forget I’m here waiting. Pagdating mo, pakiagiwan na lang ako hane? hehe… Labyu mylab. Travel safe. 🙂
Bosing, di nakakapayat ang mariang palad. Nakakabulag daw, hehehe.
Aalis ka na naman papuntang Australia? Sarap naman. Dagdag na naman sa mileage mo. Malayo rin yun, ba. Iba talaga pag nurse ang asawa no. siguradong may TLC. Siya, bon voyage.
hayaan mo, akong bahala kay bosing jet, magdadakdakan uli kami, hehe.
oo nga batjay, ang laki ng ipinayat mo. congrats on being healthy. sana ako rin, mabawasan ang paninigarilyo. pero palagay ko sa stress ko sa bagong trabaho, malabo. tingnan natin…
maswerte ka talaga kay boss jet. nurse na guardian angel pa, di ba?
enjoy ka jan!
nakuha ko nga pala ang email mo about “dreams” hamo sasagutin ko yan, may itatanong pa ako sa yo about another group.
parang ang tagal ko ng di naka-blog hop. 😦 ingat sa trip and maya-maya, pasyalan ko ang site ni jet. mayaya nga magkape (kahit di ako nagkakape, hehe) 😉
ang sweet naman ng conversation dito. :p
nakujay,
ang sarap talagang makipagkuwnetuhan sa mga kaibigang matagal na hindi nakita. Yong bagang mga tipong,naalala mo ba yong ??????????? ah ikaw ba yong naglagay ng asin sa kape ko ?
ang swet!
salamat sa pagbasa ng kuwento ko.
nakakainggit naman kayo ng mylabopmayn mo. sana magkaroon din ako ng mylabopmayn soon :).
ingat sa biyahe fafa batjay! lapit lang ng sydney dito, meet sana kita kaso mahal pamasahe! hehe
la akong masabi sa pag-iibigan niyo ni Jet. kilig!